14th Entry: Idioms for idiots

1.7K 43 9
                                    

14th Entry: Idioms for idiots
.
.

Arra San Agustin

A simple name for a not so simple girl.. elegant, beautiful, breathtaking.. sya ang lahat ng yan.. On the way she talks or the way she walks with her posture and all.. she emmits this pinkish girlish aura... How she flips her hair or raise her eyebrows... just shows how graceful she is..

Sa galing nya magdala ng damit?
Kahit ata basahan ang isuot nya.. mukha pa rin syang mayaman at sophisticated..

At gusto ni Thomas ay gawin akong katulad ni Arra? Suntok sa buwan naman ata ang gusto niyang mangyari??

Oo pareho kami ng pangalan kaso sa kanya may extra 'r' sa spelling.. Sya ay extra pretty, extra poise, extra ganda, extra graceful, extra extra extra!!! basta sa lahat ng bagay lamang sya sa akin!

Eh ako? ang pangalan ko? 'Ara'.. yun lang.. just plain and simple Ara.. nothing special.. Like me.. wala namang espesyal sa akin..

At isa pang hindi ko rin maintindihan itong babaitang ito! yung pustahan naming dalawa.. anong trip nya? pero teka hindi ko masyadong nagets yung pustahan namin ah...

"Huy" sinundot ko ang braso nya "Ate, hindi ba ako lugi?" Tanong ko kay Ate Arra, oy oy oy wag judgemental... sya nag-insist na 'ate' itawag ko sa kanya tutal wala naman daw syang kapatid na babae.. lol kami magkapatid? Pwede na rin.. charot! kapal fez.. I'm much more like a muchacha. oks lang din sa akin atlit may ate na ako! Awkward naman kasi "Arra ako si Ara di ba Arra Ara ako din di ba?" Jusmeyo parang pangalan ko lang din sinasabi ko..

"What? where?" Nakakunot noong sagot nito sa akin nang nilingon ako.. nakaharap ito sa isang drawer at may hinahalungkat na kung ano..

"Sa pustahan natin" sagot ko

"How?"

"Ahmmm kwan kasi" Ahhh panu nga ba? naguguluhan din ako eh.. "Eh hindi ba pwedeng kwan na lang.. yung ano.." napakamot ako ng ulo, hindi ko alam kung ano pero may mali eh

"Ano?" natatawa nitong sabi

"Hwag na lang kasi yun.. olats ako pareho dun eh"

"Olats?" Naguluhan ata sa mga words ko dahil sa pagkunot nito ng noo.. kitams? sya maganda pa rin kahit nakakunot noo na eh ako mukang Pug na aso..

"Oo olats.. I'm like talow ye know hehe" ay dehins nya gets kaazar "ahhh alam ko na!!! pakiulit na nga lang yung sinabi mo kanina"

"Olats?" aba masunurin nga

"Hindi yan! yung pustahan.. pakiulit nga?"

"Ahh why didn't you say so kasi... Ganito yun.. If you fell in love first, talo ka.. but if Thom fell in love with you first.. talo ako"

"Ohhh may mali un eh! yung first first! Edi parang pareho lang di ba?" tama ba ang aking kalkulasyon?

"Did I say first?" painosente ito kunware

"Oo kasasabe mo lang"

"Only because i asked you if I said 'first'.. right?" confident nitong sabi

"Huh? Wala ba?" napakunot ako ng noo.. Wala bang first dun? Niloloko ba ako ng taenga ko? o nabobo lang ako sa kakaenglish ng mga nasa paligid? mga conyo ba naman kausap ko kanina pa.. but hey I'm not stupid in english so I know the meaning of this!! hehe nu daw?

"So kung sino ang mafall sa amin ha ganun?" tumango sya pero parang wala akong tiwala sa ngiti nya eh "hindi ako lugi?"

"But you are!" gulat nitong sabi "lugi ka talaga!" nakatingin ito sa akin na mukhang galit saka ako nilagpasan. problema nun?

What does it take... (Thomas Torres - Ara Galang fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon