Chapter 16

2.7K 32 0
                                    

Jho's POV

Andito na kami sa hotel para mag usap magkaharap kami ngayon para simulan narin ang OPLAN TOKHANG charing hahaha

"Hoy JHOANA LOUISSE MARAGUINOT #15 alam mo bang ang dami Kong sinakripisyo para lang dito!?!" Sabi nya "una hindi ako umattend ng class ko, pangalawa hindi rin ako umattend ng training ko, pangatlo hindi ko na nagawang mag paalam sa kanila, pang apat nagsinungaling pa ako sa kanilang lahat, panglima pinag alala ko pa sila. Abay jhoana! Masyado na akong maraming ikokompisal sa pari!" Mahaba nyang sabi

"So kinokonsensya mo ako?" Pabiro kong sabi hahaha

"Saan kaba galing at ganyan kana mag salita. Hahaha joke hindi naman sa ganon pinapaliwanag ko lang para magsalita kana bwesit!" Hahahaha nakakatawa talaga ang isang MORADO pag nagagalit.

"So ganito...." Sinabi ko sa kanya lahat ng plano ko. Agree naman sya isa lang ang mahirap. Ang mag tago sa dorm ng hindi ako nakikita ng Beatriz ko.

Napagdesisyunan na naming pumunta na sa dorm kaya ito ako ngayon naghihintay sa signal nya. Since alam na ng buong team madali nalang akong makalabas labas ng hindi nahahalata ni bea.

"Jho let's go" sabi ni ate ly.

"Ow okay" sabi ko at sumunod na sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung pumasok ako sa dorm. I really missed this place. Seryoso napa english ako eh hahaha pero mas na miss ko ang ka roommate ko yieeee hihi sa kwarto muna ako ng mga beshy ko mga maliliit na tao hahaha si donya at jia.

Gustong gusto kong puntahan ang room namin ni Beatriz pero sabi nila natutulog daw baka makita ako. Gusto ko lang ma check kung okay lang ba sya or kung ano pa. Dati kasi masungit ako sa kanya as in SOBRA. Oo mag kakilala na kami bata pa kami pero were not close kahit na palagi kaming magkasama hindi talaga nag babawasan ang galit ko sa kanya.

FLASHBACK 10 YEARS AGO

Iniwan ako nila mama sa timezone may bibilhin lang daw sila ng gamit sa department store binilhan nila ako ng sandamak mak na tokens at 1,000 pesos na card para daw magenjoy ako.

Malapit ng maubos ang ang laman ng card ko at ang nga tokens pero marami na rin akong tickets isang timba na siguro to. Kaya ipapabilang ko na to doon sa machine ng mga tickets. Sinimulan ko ng ipabilang hanggang sa kunti nalang ang natira pero nag kabuhol buhol ito kaya inayos ko muna ng bilang....

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya

"What?" Seryoso nyang sabi.

"Bat mo swinipe yung card mo? Wala na andyan na sayo ang mga tickets ko" mangiyak ngiyak Kong sabi.

"WHAT!?! Sorry I thought dito malalaman kung ilan na pa ang laman ng card ko." Paliwanag nya.

"Gago! Di ka ba nag babasa!?! Nag tatanong ka sana!!" Sigaw ko at bumagsak na ang mga luhang namumuo kanina sa mata ko.

"Ako gago!?! Baliw kaba!!!??? Nag sorry na nga ako diba? Di ko sinasadya Bahala ka na nga dyan" sabi nya at umalis na.

"Lord sana madapa po yung babaeng yun. Ang bata bata ko pa pero nagmumura na ako sorry lord" at pinunasan ko na ang mga luha ko sayang eh. Sakto namang dumating sila mama kaya umalis na ako. At iniwan ko nalang yung mga natitirang tickets ko doon.

Only You BabeWhere stories live. Discover now