- CHAPTER 2 -

9 1 0
                                    

Chapter 2 -
The Walang paki sa mundo

MARK HIRO'S POV

" Mark kailan enrollment?" Hindi ko pinapansin si Kurt. Kahit kelan talaga. Malay ko ba sa enrollment na yon? Malalaman naman yun eh. Tss

"Hoy Kurt! Dyan ka pa nag tanong kay Mark. Wala namang paki alam yan sa mundo. Tanungin mo ng tungkol sa Cellphone yan. Sasagot yan. " Banat ni Kent kay Kurt.

"Tsk. Ikaw?  Alam mo ba? " Tanong ni Kurt kay Kent. Hindi na nagsasalita si Kent kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong meron pero  bigla nalang nagulat si Kent sa  nakita nya siguro sa phone nya.

"Mark tanda mo pa ba si Lian?" tanong ni Kent sakin. Tinignan ko lang sya at nagsimulang mag cellphone ulit.

"Mark tignan mo." sigaw sakin ni Kent. Hindi manlang ako nagbigay ng atensyon sa kanya.

Maya maya pa ay inagaw nya sakin ang cellphone ko at ibinigay ang cellphone nya.

"Si Lian. Tanda mo pa ba? " tanong nya habang nakaturo sa picture na nasa cellphone nya.

"Oo tanda ko. Ano naman?" anong meron? May gusto sya?

"Wala! Diba nasa Canada to?  Nakabalik na pala." sabi ni Kent.

Binawi ko ang cellphone ko at binato sa kanya ang cellphone nya.

"Eh ano ngayon? Liligawan mo?" sabi ko habang nagcecellphone.

"Lol asa ka. Depende kung magustuhan ko sya. Bakit hinde?" nakangising sabi nya.

Ganyan naman yan. Pag may natitipuhan o kaya kapag nagandahan sya, nililigawan nya kaagad.

"Kurt! Nagtatanong ka kung kailan enrollment di ba?" tumingin sakin si Kurt at tumango.

"Search mo sa google." sabay tayo ko at palabas na ng bahay. "May pupuntahan lang ako." diretso labas na ko.

Gusto ko lang magpahangin. Pupunta muna ako sa tambayan. Walang mga bano ang manggugulo sakin don.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. May notification siguro.

Pag tingin ko, merong message si Kent.

From: Kent

Mark nasa tambayan ako. Dito ka papunta diba? Nandito si Lian.

Napahawak nalang ako sa batok ko. Sabi ko gusto ko ng tahimik. Bakit naman sya pumunta don. Pang asar lang sya eh.

Nagpatuloy lang ako maglakad at maya maya pa ay natanaw ko na ang Park. Yun yung tinutukoy kong tambayan namin.

Nakita kong nag uusap sila nung Lian.
Napansin ko ang mukha nya. Sya pala. Hindi ko kasi masyadong tinignan yung picture nya kanina eh. Um-oo nalang ako basta kanina.

Napansin ako ni Kent at sumenyas na lumapit daw ako dun.

Lumapit nalang ako. Dala ang blangkong mukha.

Pagkalapit ko ay inakbayan ako ni Kent. Agad kong tinanggal yung braso nya sakin.

"Pambihira.. Kent ang bigat." sabi ko na may masamang tingin sa kanya.

"Hahaha...batiin mo naman si nagbabalik na Lian. Hanggang ngayon hindi pa din sya nalaki." Sabi ni Kent. Nakita kong ngumisi lang si Lian.

" Geh mag usap lang kayo. Dun lang ako." Sabay alis at umupo sa malawak na bermuda grass.

Secretly InloveWhere stories live. Discover now