- CHAPTER 6 -

3 1 0
                                    

Chapter 6 - The Playboy

Kent's POV

"Babe mag break na tayo." kasalukuyan akong nasa School ngayon at kasama si Ynna.

"Huh? Anong break?" tanong ko sa kanya. Tsk, hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.

"Mag break na tayo! Tapusin na natin tong relasyon na toh!" sigaw ni Ynna sakin.

"Tapusin? Ano na naman bang problema mo ha?" sigaw ko din sa kanya.

Maya maya pa ay lumapit sya sa akin at hinalikan ako. Pagkatapos non ay niyakap ako at pinagsusuntok ang dibdib ko.

"Dapat talaga sa simula palang...... Hindi na natin pinasok tong relasyon na toh. Kilala ka sa School na maraming babae.......Dapat bago kita sinagot, tinanggap ko muna na kahit tayo na ay hindi pa rin ako ang nagiisa dyan sa puso mo. Dapat talaga.... Dapattt.... " sinabi nya sakin yon habang pinapalo ako.

Ayaw nyang tumigil. Iyak lang sya ng iyak at suntok ng suntok sakin. Paulit ulit nya ding sinasabi yung salitang
'DAPAT'. Naiirita lang ako sa kanya leche.

Hinawakan ko ang braso nya at pinatigil sya. "Anong pinag sasa-sabi mo? Hindi ko makuha sa totoo lang.",pero sa halip na sagutin nya ako ay nagpumiglas sya at pinag susuntok akong muli.

"Ginawa ko naman ang lahat para mag work tong relationship natin diba? In-ignore ko yung mga babaeng nakapaligid sayo. Hindi pa ba sapat ang lahat at nagawa mo pa ring maghanap ng iba at pagsabayin kami hah?" PUTA. Nasisiraan na sya ng ulo.

"Tang*na! Anong naghanap ng iba? Taena tanga ka ba?  Pano mo na sabi na may iba ako? Nakaka leche toh." sigaw ko sa kanya.

Tinitigan nya lang ako habang patuloy na pumapatak ang luha sa mga mata nya.

"Ynna gusto mong mag break tayo? Sige ba. Kung hindi lang naman kita maiintindihan, sige. Tapos na tayo." sigaw ko sa kanya. Lecheng babae yon. Nasisiraan na sya.

Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad palayo. Kayang kaya ko syang paltan sa kahit anong panahon o oras na gustuhin ko. Hindi naman sya kawalan para habulin ko.

Dumiretso ako sa Gymnasium at nakipag kita sa mga tropa ko.

"Oh Kent basang basa yang damit mo." sabi sakin ni Van.

"Wala toh. Kanina pa ba kayo nag lalaro?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Paalis na sana kami kaya lang dumating ka. Kaya ano? Laro?" ngumisi lang ako at kinuha ang bola sa kanya.

Hindi din nagtagal ang laro namin. Sa huli ako pa din ang umani ng pinakamaraming puntos.

Saglit kaming tumigil at nagpahinga. Nakita kong kakadating lang ni Mark at Kurt kaya lumapit ako.

"WTF Mark" salubong ko kay Mark.

"Gago!" yun lang ang sinabi nya sa akin at agad na lumayo.

"Kurt tubig naman dyan." salubong ko din kay Kurt.

"Bahala ka dyan." at agad syang sumunod kay Mark.

Mga sira ulo yung mga yon ah. Nilapitan ko sila.

"Tara sa Computer Shop. Libre ko oras." napatingin silang dalawa sakin. "Ano?"

"Ilang oras?"  nginitian ko si Kurt.

"Tatlong oras. Kasama ka na hah! Ano Mark?" tumingin kami ni Kurt kay busy-ing busy-ing Mark.

Secretly InloveWhere stories live. Discover now