Chapter 8 - That Guy
Habang nag lalakad ako pauwi ay in-open ko yung messenger ko.
Katarina Montez
Trina: Kailan ka bibili ng gamit?
Luh oo nga pala. Hindi pa ako nakakabiliiiiiii.
Lian: Kayo? Hindi pa ako eh.
*seen*
*typing*Trina: Lol sumama ka na sa amin ni
Sab. Ngayon kami bibili.Lian: Luh. Sige sasabihin ko kayla
Mother Earth. Busy pa kasi
sila eh.Trina: Sige dadaanan ka nalang
namin.Lian: Okiee!!
Trina: *like*
Tsk. Kahit kelan talaga pang asar yang like ni Trina.
Nanakbo na ako pauwi ng bahay. Ngayon nalang din ako bibili.
Tsk. Di manlang nila maalala na papasok na ko. Pano kaya toh sa moving up namin? Makuha ko kaya deploma ko kasama sila. Hayst... Sana..
Pagpasok ko sa loob ay agad akong nagpunta ng kwarto nila Mother Earth. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.
"Mother Earth?" tawag ko kay Mother Earth.
Sabay bukas ko sa pinto at sakto nandoon sya sa loob. At gaya ng laging ganap. Ayun busy sya katulad ni Father Earth sa mga papeles sa kompanya namin. Hanep.
"Oh Lian bakit?" lumapit ako kay Mother Earth at nakipag beso beso.
"Ma! Di ba po na inform ko na kayo na sa Hansville ako nag enroll?" tanong ko sa kanya.
"Oo anak. Teka bakit nga pala sa Hansville ka? Dapat nag private ka nalang." sabi saakin ni Mother Earth.
"Ehh Ma! Nandoon po kasi mga kaibigan ko. Tsaka dati narin naman po akong nag aral doon diba? Ayos lang kahit public lang yon. Wala din kayong masyadong gastos don.",ngumiti sa akin si Mother Earth.
"Oh eh anong kailangan mo ngayon? Pang shopping?" tanong ni Mother Earth.
"Hahaha Mama naman. Kailangan ko po ng pang biling gamit Ma." sabi ko sa kanya. Napahawak sya bigla sa noo nya.
"Oo nga pala anak. Pasensya na hah. Sobrang busy kasi namin ng Papa mo eh." paliwanag nya. Yeah Ma! Sanay naman ako. "Oh Heto bumili ka na ng kailangan mo. Teka naka order ka na ba ng uniform?" binigyan ako ng dalawang libo ni Mama. Noh ba yan dalawang libo? Kulang toh. Choss.
"Opo. Um-order po ako nung nag enroll ako." sagot ko sa kanya.
"Ah sige. Oh ikaw na bahala sa mga gagamitin mo hah." tss oo na. Lagi naman.
"Ahh Ma! Tutal na mention nyo yung word na Shopping. Pwede po bang dagdagan nyo pa toh?" naka nakakalokong ngiti na sabi ko.
"Pasaway. Oh ito. Ayos na ba yan? Kung kulang pa. Dumaan ka nalang sa Papa mo. Doon ka mangulit." at dinagdagan nya ng dalawang libo ulit. Hoo yess buti nalang malakas ako sa mga magulang ko.
"Sige po. Thenkie Mother Earth. Lavyah." sabay labas ko ng Kwarto.
Wohohoho magyayakag ako mag shopping mamaya.
Pumunta ako ng kwarto ko at agad na tinawagan si Sab.
"Yes Hello?" sabi ni Sab sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Secretly Inlove
Teen FictionThis story is about sa isang babae at isang lalaki na nagmahalan ng hindi nai-inform ang isa't-isa. Ang tanga noh? Oo naglalaro kasi sila ng tagu taguan. Taguan ng feelings. Magkatuluyan kaya sila kung parang wala silang balak mag aminan na dalawa?