Chapter 9 - We're okay, We're ready
Nakauwi na ako ngayon sa bahay namin.
Umakyat kaagad ako papuntang kwarto dahil pagod na din ang katawan ko.
Pagpasok ko ng kwarto ay nagulat ako sa kahon na nakita ko sa kama ko.
"Hmm? Ano yon?" sabi ko sa sarili ko at agad na lumapit sa kama.
Binuksan ko yung kahon at namangha ako sa nakita ko.
"Omyghad Korean Style school bag. Omo sinong nag bigay nito?" sabi ko sa sarili ko.
Maya maya pa ay biglang nag bukas ang pinto ng kwarto ko.
"Papa!" bungad ko kay papa na kakapasok palang sa pintuan.
Niyakap ko sya. At hinawakan nya naman ang ulo ko.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nya sakin.
"Waw! Kayo po yung bumili nitong bag?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Sino pa bang gusto mo? Hahaha!" tsk. Si Father Earth talaga. Ang hilig sa surprises.
"Thank you Father Earth. The Best talaga kayo... EVERR!!" ginulo nya lang yung buhok ko.
"Ako pa ba?" Tss. Yabang talaga kahit kelan hahahaha.
"Oo nga Pa eh! Sabi ko nga!" Tapos niyakap ko ulit sya.
"Oh.. Sabi ng Mama mo sa Public School ka daw nag enroll." - Father Earth.
"Ahh opo. Dun kasi nag aaral sila Sab eh. So yun nalang po yung pinasukan ko." sagot ko sa kanya. "Pa.. Alam mo bang yung school na yon ay mukhang hindi public. Hindi na sya katulad ng dati. Daig nya pa private dahil sa sobrang lawak at dami ng mga buildings and structures." Pagmamalaki ko sa kanya.
"Edi maganda. Pero yung pag aaral ang mas importante. Balang araw mag e-engineering ka hah! " hayst ayan na naman tayo.
"Pa ayoko po non. Kayo lang naman may gusto non eh. Hindi ko po specialties yon." sagot ko sa kanya.
"Oh bakit? Namana mo naman yung galing ko sa pag d-drawing ah." protesta nya.
"Pa! Kahit anong galing ko sa pag d-drawing.. Kung hindi ko naman gusto yon, wala ding saysay." sagot ko.
"Sige ikaw na bahala. Ihanda mo na mga gamit mo. Kailan ba pasukan nyo?" tanong nya sa akin.
"Sa susunod na lunes na po." sagot ko.
"Oh sya sige. Pupuntahan ko lang ang Mama mo. Mag aral ka ng mabuti hah." sabi nya.
"Opo." sagot ko. At lumabas na sya ng kwarto ko.
Kinuha ko yung mga pinamili ko at inayos na sa Bag ko. Mabuti na yung nakahanda na lahat kesa sa oras na tsaka palang kikilos.
Habang nag aayos ako ay bigla kong naalala si Trina. Galit parin kaya yon?
Omo mag papasukan na.
Kailangan naming magka ayos bago ang pasukan.Kinuha ko bigla ang phone ko at nag online sa messenger.
Icha-chat ko si Sab.
Sabrina Gabriel
Lian: Sab! Kamusta na kaya si
Trina?Medyo matagal tagal din nung na seen nya.
Sab: Kachat ko sya ngayon. Masama
padin ang loob sa atin.Luh. Hanong gagawin namin??? What to doooo???
YOU ARE READING
Secretly Inlove
Teen FictionThis story is about sa isang babae at isang lalaki na nagmahalan ng hindi nai-inform ang isa't-isa. Ang tanga noh? Oo naglalaro kasi sila ng tagu taguan. Taguan ng feelings. Magkatuluyan kaya sila kung parang wala silang balak mag aminan na dalawa?