- CHAPTER 5 -

2 1 0
                                    

Chapter 5 - Hansville Academy

"So uunahin natin dito sa Main Hall. Ayang building na nasa harap mo. Ayan ang Library ng Hansville.
Kanina nung pumunta ka sa Faculty Room nadaan mo na doon yung Principal's Office. Mag katabi lang yung dalawang yon." Sabi ni Sab. Ahh yun pala yung Principal's Office. Ang ganda din. Presintableng presintable.

"Tara pasukin natin yung Library." Yaya naman ni Trina. Naglakad kami papuntang Library at pumasok doon.

Nagulat ako pag pasok ko. Alam kong may Library ang School na toh pero wala toh sa pwesto nito dati. Tsaka hindi gaya ngayon, dati ang Library nito sa pagkakatanda ko ay Maliit pa. Pero ngayon? Grabe ang laki na, ang ganda pa.

"Hindi pa ganun ka kompleto toh. Marami pang ino-order ang school na mga libro para nakompleto na kahit papano itong Library." Grabe ang laki talaga.

"Sa itsura nito, parang kompleto na ang mga libro. Sobrang laki  kasi." komento ko.

"Oo mukha nga, pero gusto talaga ng school na makompleto toh dahil kadalasan, dahil sa kakulangan sa libro ay nag pupunta sa computer shop ang iba at imbis na mag research sila doon or gumawa ng assignment ay nauuwi sa paglalaro ng mga online games ang mga estudyante. Kadalasan idinadahilan nila na kulang ang libro dito kaya nagagawa nilang mag punta sa computer shop at sabihing doon nalang sila mag reresearch kahit ang totoo ay paglalaro lang ang aatupagin nila." paliwanag ni Sab. Grabe!!!

"Ehh? So nagiging excuse nila ang kakulangan sa libro para lang makapag computer shop?" tanong ko kay Sab.

"Oo ganun na nga." waw naman. Sa Canada normal lang ang pag punta sa Computer shop. Minsan kasi hindi naman talaga mahahanap na sa libro ang mga ibang kailangan i research.

Naglakad lakad pa kami at napansin kong papunta kami ng gate.

"Ayan ang Guard House dito. At ayun naman ang parking lot." itinuro nya ang dalawang Guard House sa magkabilang gilid ng Gate. At yung Parking lot naman ay nasa right side na guard house.

Bumalik kami sa may bandang Library at naglakad sa Hallway. "Tara.. Dadaan ulit tayo sa Faculty Room." sumunod lang kami ni Trina kay Sab. Gala siguro toh si Sab. Saulong saulo ang buong school eh.

"Ito yung building ng Principal's Office." Itinuro ni Sab yung left side ng Faculty Room. " Itong building naman na toh ay ang Guidance Office." waw guidance office pala yung katapat ng Principal's office. Nung una kasi akala ko ayun yung Principal's Office eh.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang napaka laking field.

"Ito naman ang Oval. Ayun yung Grandstand." itinuro nya ang isang malawak na grandstand na nasa tapat lang namin. "Ayang mag kabilaan na yan naman ang Bleachers." itinuro nya naman yung mga upuan.

Naglakad pa kami ulit at ngayon ay nasa tapat ko ang mga naglalakihang mga buildings.

"Ayang malaking building na yan sa gitna ay ang Gymnasium." turo nya sa gitnang building. Waw ang laki ng Gymnasium. " Itong nasa leftside andyan yung swimming pool." waw. Feeling ko ang laki ng pool dyan. Ang laki kasi nung building eh. "Tara lumapit tayo dun sa right side building. Sigurado akong matutuwa ka kapag nakapasok ka duon." hinila ako ni Sab papunta sa building na tinutukoy nya.

Music and Dance Room

Biglang nanlaki ang mata ko sa building na pinuntahan namin.

Grabe meron silang Music Room at Dance Room? Kpop lang ang peg?.

Una naming pinasok ang Music Room. Grabe! Ang ganda.

Secretly InloveWhere stories live. Discover now