Lahat ng pinagsamahan natin nabalewala
Nawala nalang ng parang bula
Parang kahapon lang tayo ay masaya
Pero sa isang kisap mata
Nagbago na biglaMga alaala na ating binuo
Bigla-bigla nalang naglaho
Lalakad ka nalang at masasalubong ako
Bigla ka nalang liliko at magtatagoHindi ko kayang makita ka
Naghihinayang pa rin ako
Na kapag nakikita kitang masaya sa iba
Naiisip ko nasa ako nalang syaSa bawat sulok ng kwarto
Naiimagine ko na nadon ka
Masayang nagkukulitan kasama ko
Pero magugulat nalang ako ilusyon lang palaNakakapanghinayang na sa dami ng ating pinagsamahan
Kinalimutan mo ng biglaan
Para akong preso
Na iyong iniiwasanNakakapanghinayang
Pero siguro nga ganon ang tadhana
May taong Dadaan sa buhay mo
Pero kahit anong pilit mo
Maiiwan ka at magdurusaHanggang panghihinayang nalang ako
Magiging masaya para sayo
Pero kung hihiling ako sa shooting star
Hihilingin ko na makasama ka
Kahit panandalian lang-N.B