Kalimutan

33 2 0
                                    


Kalimutan 
Salita kung bakit ako nasaktan
Pilit ko mang Alisin sa isipan
Hindi ko magawang bitawan

Akala ko kaya Kong gawin
Pero Hindi ko man matanggap
Papatatagin ang damdamin
Para Kahit paano sakit ay di na malanghap

Ang sakit
Sobrang sakit
Sinabi mo ito na parang wala lang
Na parang wala tayong pinagsamahan

Kalimutan
Salitang pilit inaalis
Dahil sa minu-minutong naalala
Hindi ko maalis ang sakit na nadarama

Kalimutan
Parang batong tumama sa puso
Sugat na Kahit kailan Hindi na mawawala
Naging ikaw ang mundo ko
Yun ang bagay na pinagsisihan ko

Naniwala ako nang sabihin mong walang kalimutan
Puso'y binalot ng kasiyahan
Pero Lahat may hangganan
Dahil ang salitang walang kalimutan
Nawala ang walang
Pero andon ang kalimutan

Ngayon akoy nasasaktan
Sa salitang kalimutan
Dahil kahit kailan
Ang salitang yan
Ang Hindi mo kayang panindigan

Tama na ang Salitang yan
Dahil Hindi na kita kailangan
Hindi ko na Iisipin ang Katulad mo
Na ang pangako iyong binaon at pinako

-N.B

PoemWhere stories live. Discover now