Kumpara

34 1 0
                                    


"Hindi ako sya "
Lagi ko man sabihin sa kanila
Patuloy pa rin nila akong kinukumpara
Minsan nga nakakasawa na

Kahit ilang ulit Kong sabihin
Dumadaan lang ito na parang hangin
Ayoko ko man aminin
Pero halata naman na gusto nila akong baguhin

Minsan naiisip ko
Ayaw ba nila sa ugali ko?
Bakit paulit-ulit nila akong kinukumpara?
Sa taong kahit kailan Hindi ako magiging sya ?

Effort na nga ako ng effort
Pero wala namang sumusupport
Dahil sa bandang huli
Ikukupara na naman muli

Napapabuntong hininga nalang minsan
Gusto ko na ngang sumuko
Dahil nauubusan na ko ng dahilan
Gusto kong itanong minsan,
"Bakit nyo ba ako binabago?"

Hay naku!
Kailan nyo ba maiisip na may sarili akong pagkatao?
Na Hindi ko kaya ang ginagawa nya?
Dahil ako ay ako at sya ay mananatiling sya

Ikumpara nyo man ako kahit kanino
Hindi ako magbabago para sa inyo
Dahil kung talagang mahal nyo ko
Pati kamalian sa ugali ko tanggap nyo
Hindi yung kung ano-anong kumpara ang sabihin mo
Para lang Mabago ako






-N.B

PoemWhere stories live. Discover now