Yung feelings na dati ay iniiyakan ko araw-araw
Ngayon wala na at nagunaw
Yung feeling na dami big issue
Ngayon ay parang tissue
Manipis na nga at madali pang itapon kapag tapos mo ng ipangpunasWala na
Ang sarap sa pakiramdam na sabihin ito
Kung dati bigkasin palang ng labi ko
Unti-unti ng gumugunaw ang mundo
Wala na
Dahil kaya ko ng wala kaNoon na pinagtitiisan ang sakit na nadarama
Ngayon na ngingiti dahil kaya na kitang makita
Makita na maging masaya sa ibaTitingin sa iyong litrato
Pero walang magbabago
At sasabihin ko
"Wala na nga ito"Masarap sa pakiramdam
Na ang dating MAHAL
Ngayon past tense na
Naging MINAHAL nalang kitaWala na
Kaya ko na
Kaya ko ng Mag-isa
Na Hindi ko na kailangan ng iyong presensya pa-N.B