Relasyong hanggang label

23 1 0
                                    

Nangarap akong balang araw ay ikaw at ako
Na sa huli ay  magiging tayo
Pero yun ang masakit
Ang alam Kong tayo
Pero Hindi ako ang minamahal mo

Nagtiis ako na maging panakip butas
Kahit na ang puso ko ay unti-unting naaagnas
Masakit na makita kang nasasaktan dahil sa kanya
Wala akong magawa kundi ipaglaban ka

Gabi-gabi mang umiiyak
Puso may nabibiyak
Nakatingin sayo habang ikaw nakatingin ka naman sa kanya
Gustong mang bumitaw
Pero Hindi ko magawa

Nakikita ko ang sarili ko na kasama ka
Kasama kang susumpa
Sa harap ng Bathala
Sasaksihan ang ating pagiging isa

Tama na ba?
Hanggang relasyong may label nalang nga?
Magiging pangalawa?
Sa puso ba'y may puwang pa?
O hanggang Jowa nalang ang asta?



-N.B

PoemWhere stories live. Discover now