Chapter 3

20 0 0
                                    

Di naman first day of school ng lumipat ako dito. Pero syempre para sa isang baguhan na gaya ko. Parang first day na rin. Nagstay ako sa dati kong school ng 3 months. June, July, August. Miss ko na talaga sila. Kahit may kakompitensya ako dun sa pagiging "famous" daw. Di sa pagmamayabang. Hay. Makamiss na sa E. Academy. Syempre pati mga kaibigan ko dun, miss ko na. Sobraaa. Magiging okay lang din naman SIGURO ako dito. Pumasok na 'ko. Di ako ngayon hinatid ni daddy, kase busy sya pagdating sa work. Minsan nga napunta pa sya sa ibang bansa.

Thankful lang rin ako ke daddy. Wala na kase akong mommy. Namatay sya nung grade 2 ako. Miss ko na sya. Kakampi siguro si mommy sakin na sa E academy na lang ako magstay kung andito pa sya. Haha. Kaso.. wala na e. Pagpasok ko sa gate ng school, sinalubong ako ni shane. Feeling ko andaming nakatingin samin habang naglalakad kami. More likely, sakin! Baka mamaya may sumaksak na sakin e. Hay. Oa ba? Hahaha. BAKA lang. Hirap kapag may fans. Shane talaga.. I know how you feel. Tsk. Mahirap talaga. :D

Nasa room na kami, humiwalay na sya sakin. Wala akong kausap kahit isa man lang. Bawat mag-aattempt ako kumausap. Iniisnaban ako ng mga babae, kapag sa lalaki naman nakakapit na sila sakin ng mahigpit. Kailangan ko pa rin maging friendly no ayaw ko maging tingin nila sakin snob. :3 Tinitignan ko lang si shane, marami syang kasamang lalaki, gusto ko sana sya makausap, syempre! Sya pa lang kaya kilala ko dito. Duuu. Mga tropa nya kasama nya e. Nagkatinginan kami. Umiwas lang ako ng tingin. Makahiya kaya.

Dumating na teacher namin, lalaki. Late kaya sya ng isang oras! 7:30 start ng klase namin. 30 minutes na lang natitira o? "Okay, sorry i'm late.. Oh. I almost forgot, you all know that you guys will be having a new classmate right? Kase puro kayo chismis kaya laging updated sa lahat." natawa ako dun. Haha. Chismis. Patawa si sir. "So, Ms. Beautiful, come here in front, and introduce yourself." kinakabahan tuloy ako! Kulang na nga lang manginig tuhod ko.

"Uhm. Hi. I'm Xyrah Joy Gomez, from E. Academy. I like singing, dancing, reading.. playing sports. Especially, table tennis and-" "ANG CUTE MO XYRAH!" "Okay? Pagpasenysahan mo na sila ha." "Opo. Uh.. yun lang." "Thank you ms. Gomez, i hope you'll like it here. Oh. It's already time, so i'll leave you guys now. I have something more important to do." nagstart na mag-ingay mga classmates ko o. "And class?" "YES SIR??" "Be NICE to her." parang threat ata sinabi nya. Hahaha. Ang creepy. "GOODBYE SIR!" ayan nag-ingay na nga. Saya nila o. Habang ako.. walang kausap.

"Hello. Ako pala si Zeya." kumikinang ata mga mata nya habang kinakausap ako. Hahaha. Ang cute nyaa. "Hi. Xyrah pala." Ngumiti ako sakanya. "Ikaw talaga si Xyrah Joy Gomez! Squueee! Kilala ka e. Ikaw yung princess ng E. Academy? Wow. Di ko akalian na dito ka na mag-aaral." mabait naman sya. Gusto ko maging kaibigan. Pero.. Di ko alam kung matutuwa ba 'ko sa sinabi nya? Jusko. "Uhm. Oo nga e. Pero sana dapat.. masaya ako dito." "Opo. Magiging masaya ka lang dito. Friends na tayo?" Aww. Natawa 'ko dun. Ambilis e. "Oo naman. Agad-agad." "Yes! Akala ko maarte ka, snob, maldita. Di naman pala. Impression lang xy." "Sa maarte.. Oo rin. Honest lang. Haha. Pero thank you." "Tara. Recess na o. Kanina pa." di ko lang namalayan. Gutom na 'kooo!

"Narinig mo? Si Xyrah! Yung sa Class A?! Galing sa E. Academy? Dito na nag-aaral!" "Sus. Baka snob lang yun. Alam mo na.. Mayaman e." "Dapat di nya maagaw trono ni trisha dito. President kaya sya." "Hay nako! Di talaga! Mas maganda ako sakanya!" "Korek girl!" nahihiya na tuloy ako. Wala na 'kong gana kumain. Pero gutom na talaga ako. Di ko na lang sila pinansin. "Sus! Mas maganda ka ke trisha no! Eww. Habol nga sya ng habol ke shane. Ayaw naman sakanya." "Ah. Hehe. Hayaan na lang nga natin.. Gutom na 'ko e!" Bumili na kami. Tapos naghanap ng ma-uupuan.

Nakita namin si shane. Kaya dun na lang kami umupo. Umalis na mga kasama nya e. Pero may natirang isa, si leo. classmate namin, ang clown sa room. Kaya di boring samin "Hellooo! Xyrah! Zeya!" Cheerful ng kasama nya ha. Opposite ni shane. :D "Hello din." ngumiti ako sakanya. Si zeya nung tinignan ko.. Namumula na. Nagblush. WAHAHA! Alam na! "H-hello. Leo." nginitian sya ni leo. Lalo syang namula.

"Tara daw sa mall sabi ni shane! Makatamad dito e. Wala naman ginagawa." tumingin sakanya agad si shane halatang tinatamad kanina nagulat ata. "Anong sabi ko?! Uto ka ha. Wala akong sinasabi." "Okay, okay. Ako may sabi! Sheesh. Tapang. Please! Pagbigyan nyo 'ko." nagpuppy eyes pa si leo. Agree agad si zey para ke leo. Uh-hmm! HAHA!

Kaya yun. Kaming apat nagmall. Ansayaaa. Hey, 1 week and a half na yata ako dito. AYAW KO pa rin DITO! Babalik na 'kooo!

Hell HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon