(Nasa mall)
"Mmm!! Ang sarap. Ice creeaamm!" ganun ko kamahal ang ice cream. Minsan gagawa pa 'ko ng ice cream cake. Waaa! Pagtingin ko kela zeya, nakatingin sila sakin na parang ang sinasabi 'ang weird mo xyrah' yan. Pati nga si shane e. Nagtongue's out na lang ako. Tss. Masarap e! Tsaka masaya ako. Haha. Andami na namin nagawa e, namili. Nanuod ng movie, naglibot.. kaya eto. Pagod! Kumain na lang ng kumain. Di pa nga ako kuntento sa mg kinain ko. :D
"Nakakatakot ka xy. Sa totoo lang." sabi sakin ni leo. Pabiro naman e. Nang-aasar. "Oo nga. Grabe kumain!" sabi ni zey. Nagkampihan pa 'tong dalawa ha. "E! Masarap kasee! Pagdating sa pagkain. Eating is my passion!" sigaw ko. Motto ko yata yun no. Hahaha. Habang nakain kami, kwentohan. Para mas makilala namin ang isa't-isa. Si shane di man lang mag-open samin. Hay. Antahimik nga e. Nakikinig lang. Ganun sya katipid sa salita!
"O ano guys? Uwian na?" tanong ni leo samin. Wala munang naimik. Pero oo nga. Nagsi-agree lang kami. Maggagabi na rin kase o. "Oo nga. Sige, bye. Xy, leo, shane." sabi samin ni zey. Kaso pinigilan sya ni leo. "Hatid na lang kita zey? Tara." Nagblush sya. Alee! "Ingat KAYONG DALAWA! Bye!" ang epal ko talaga. HAHA. Emphasize pa yung "kayong dalawa". Nakuha ni zey agad. "KAYO din ni SHANE, XYRAH. Babye!" grabe. Gantihan ba naman ako? Kilala na talaga ako neto. Hahaha. Kinikilig ako sakanilang dalawa. Ayun. Umalis na sila.
"Naano ka?" tanong bigla ni shane. "Uhmm.. Wala laaanngg.." ngiti ko sakanya. Napansin ko yung ice cream sakanya. DI NYA KINAIN?! Sayang naman. Magnum pa man din. "Bakit di mo kinain?!" sigaw ko sakanya. "Ba't galit ka?! Wag ka ngang sumigaw. Ayaw ko ng matamis. Di ako mahilig sa ganto. O, iyo na lang gusto mo?" tapang! Pero kinuha ko na rin. Kaso wala akong balak kainin. :3 "Thank youuu! Sige, uwi na 'ko. Bye shane!" nung tumalikod na 'ko. Hinila ba naman kwelyo ko sa may likod. Bastus! Ayun napaatras tuloy ako sakanya. Uhm.. "Shane?! Ano ba? Nakatangkad ka lang e!" "Tss. Sino ba me sabing aalis ka ng di kita ihahatid? Sabi ko sa daddy mong babantayan na kita di ba."
Ah. Oo ngaaa. Pahiya ka tuloy xyrah. Tsk. Napangiti lang ako dun. Well, ihahatid nya 'ko ng safe. Masaya ako! Wait, hawak ko pa pala yung bigay nyang ice cream. I've changed my mind! Kinain ko na. Di ko mapigilan sarili ko e. Haha. Pero yung stick.. ewan ko ba? Di ko tinapon. Tapos.. sinulat ko pangalan nya dun.. Weird? E dun ako masaya e!
BINABASA MO ANG
Hell High
Teen FictionFrom E. Academy to a public high school, she was labeled as "princess" not because of admiration, but of sheer mockery. "Kailangan ko ng prinsipe dito sa lugar na 'to!" "Tss. Knight pwede?" ~Every princess needs her own prince right? That's what fai...