Okay yung ice cream stick na may pangalan ni shane nilagay ko sa ref. Kinabukasan bumaba ako agad para tingnan yun. Wala?! Oh no! Nasan na yuuunn?! Oa na 'ko. Ice cream stick lang yun. Pero.. bigay naman nya! Tss. Hanap na 'ko ng hanap. 6:30 naaa. Di pa 'ko naliligo. Shemay! Takbo ako ng takbo sa buong bahay. Makapagod din. Anlawak e! Tapos si dad nakatingin lang sakin. Parang natatawa. Tinawag nya 'ko "O, sweetie? Anong hinahanap mo?" napahinto ako. Nakakapagtaka naman kase.. Umagang-umaga natatawa na agad si dad.
"Yung.. yung ice cream.. stick! po." pagod kong sinabi. "Ah. Eto ba?" nilabas nya kamay nya. Ayun! Hawak nya. Yay! Di nawawala. Pero.. syete. May pangalan ni shane yun! Hala. "Opo.. thanks dad. Pinatakbo mo pa po ako sa buong bahay e." nagtawa sya ulit. "Para makapag-excercise ka naman." uh? Daddy talaga. "Nyek." "Haha. May pangalan pa ni SHANE 'tong ice cream stick na 'to ha?" inemphasize pa nya pangalan ni shane. May pinaparating pa sya!
"E.. sya po kase may bigay nung ice cream kahapon. Tinago ko na lang po. Hehe." "Mm.. Ganun ba. May gusto ka sakanya 'nak?" "H-HO?! Daddy naman!" "Haha. Osha, sige na. Maligo ka na. Late ka na o." tumingin ako sa oras.. 7:00 na. 30 minutes na lang! NOO! Ambilis ko man maligo tska magbihis. Yung kinain ko ang onti. Wala e. Nagmamadali na. Si dad na dad maghahatid sakin sa kotse na lang daw kami ng mas mabilis. Sana wag akong kagalitan! Pagdating ko kase sa school wala ng mga estudyante sa labas. Napatagal tuloy ako sa paghahanap ng ice cream stick na yun!
7:30 ng dumating ako sa school. Late na talaga. Pero nung pasok ko sa room ang iingay nila! Wala pa si sir?! YAY! Swerte naman. Pero late pa rin ako sabi ni pres. Tss. Okay. Nung umupo ako sa upuan ko, tinanong ako ni leo. "Wow. Nalte ka xy? Himala." "Himala ba yun? Hahaha." " Oo nga xy. Nalate ka ngayon?" tanong din sakin ni zey. "May.. ginawa lang ako. Hehe." "Mm.. okay!" tapos umalis na si leo. "Baka naman napanaginipan mo si shaaannee? Kaya ka napatagal sa tulog. Sobrang ganda ng dream mo.. Nyaha!" bulong sakin ni zea. Ewan ko ba dito! Iba sya kapag sakin, tapos iba din sya pag anjan si leo. Hahaha. Loko. "Ha? Di ah! Baliw ka zey. Di ako nanaginip." "Okaayy. Sabi mo e." di pa rin sya naniniwala sakin. Bahala.
Tapos lumapit si shane sakin. Di pa nga focus utak ko na nandito na 'ko sa school e. "Ba't late ka?" "Hinanap ko pa yung ice cream stick na bigay mo." sinabi ko yun ng mabilis. As in. Feeling ko nga nagmamadali pa rin ako hanggang ngayon! Haha. "Uh? Ha?" wait! Shoot! Ngayon ko lang narealize sinabi ko. "Ha?! W-wala.. wala yun kako. Hehe." yung mukha nya nagtataka pa e. "... Ge." tapos umalis na sya. I didn't notice that i was holding my breath that long! Shemay! Sabay exhale ng malalim! Kinabahan ako dun. WAA! Muntik na 'ko dun ah.
BINABASA MO ANG
Hell High
Teen FictionFrom E. Academy to a public high school, she was labeled as "princess" not because of admiration, but of sheer mockery. "Kailangan ko ng prinsipe dito sa lugar na 'to!" "Tss. Knight pwede?" ~Every princess needs her own prince right? That's what fai...