Chapter 8

14 0 0
                                    

Nakakainis si shane! Nakakainis sya. Ulit-ulit? Bakit pa nya sinabi sakin yun kung di naman pala nya tutuparin? Nakakagigil. "Ugh! Nakakainis talaga! Bakit ganun? Andaya nya. Sobraa.." habang naglalakad ako papuntang room salita ako ng salita tungkol sa kahapon. Sino ba namang di maiinis dun? Bahala sya. Di ko sya papansinin. Kala nya ha. Ay, wait? Baka naman isipin nun FC ako. May inis effect pa 'ko sakanya. Bahala na nga lang. Di ko talaga sya papansinin. Tandaan nya yun!

"Psst. Xy? Kahapon malungkot ka.. Ngayon naiinis ka na. Sinusumpong ka ba?" biro sakin ni zey. Tawa sya ng tawa. "HOY. Xy? Bakit busangot ka?" comfort ba tawag dito? Baluga 'tong si leo at zeya ah. Inaasar lang ata ako. "Basta. Thanks pala ha sa pagsupport sakin kahapon. Kahit yung isa.. Argh!" nagagalit nanaman ako! Shemas! "Ah. Si shane? E, may importante ata sya kaseng pinuntahan siguro. Emergency. Hayaan mo na. Di naman siguro sinasadya ng malag kong bespren. Haha." Sana nga. Okay lang naman sya sakin, pero makatampo pa rin e.

Ha?! Makatampo ba kamo xyrah? May dapat bang ikatampo? Wag muna. Baka may masabi pa syang iba sayo. Di ko na lang talaga sya papansinin. MUNA. Nakita ko na si shane papasok sa room. Tss. K! Di na nga lang ako iimik. Tumingin ako kela leo at zey. Nagkampihan pa ata. Aba. Close na talaga sila ha. Haha. Pangisi-ngisi pa e. Walaaa.. Di ko talaga sya papansinin. Kala nya. Umupo na sya sa tabi ko. Paiba-iba kase ng sitting arrangement e. Pero mga estudyante lang namimili ng uupuan nila. Pero nagsta-stay na yung iba sa nilipatan nila. Gaya ni shane! Dapat si zey sa tabi ko, ngayon sya na. Washu!

"Psst. Kamusta kahapon?" aba. Kinakausap nya 'ko. Ano ka? Di kita iimikan! HAHA. "Huy!" Ha! Papanindigan ko talaga 'to. Dapat kaya ko! Kinakalbit na nya 'ko. Ang lakas nga e! Pero ako di ko talaga sya kinikibuan. Parang.. nagmumukha akong childish. Ano ba yan! Baka isipin pa nya "ano ko ba sya?! Ba't sya magagalit?" Awww! Ayoko ng ganun. Baka ako lang mapahiya sa huli e. Sus ko po! Sinabi ko na e, tatapusin ko kaya 'to? "Xyrah!" Woa. Gusto ko ng tumingin! Tinawag nya 'ko sa mismo kong pangalan? :'D kaso. HINDE. Ayoko.

---

Shane POV:

Uh? Di ako pinapansin netong liit na 'to. Anong ginawa ko? Baliw talaga 'to- .... ay! Damn it. Di pala ako nakanuod nung audition nya. Botog! Gawa siguro dun? Di naman ako mahina para di maisip agad yun. At alam ko namang may sinabi ako sakanya na di ko nagawa. Putek. Ang uto mo shane! Tiisin ko na lang muna galit nya sakin. Pero, papansinin ko lang din sya. Sus. Papansinin lang din nya 'ko, di pwede e. Ako kaya nagbabantay sa liit na yun! Tingnan mo ha.

---

Xyrah POV:

Bihira lang kaya yun mangyari. Makalingon na talaga ako. Pangalan ko kaya yun binanggit nya! Kaso.. di ko pa sya pwede pansinin no! "Good morning class." andito na si sir. Late nanaman. Hay. "Magbibigay lang ako sainyo ng group project. You'll work in pairs. Sasabihin ko yung magkapartner okay?" "Kami na lang po sir yung pipili! WAAA!" sabay sigaw nung mga babae sa room. Lahat nakatingin kay shane. Except samin ni zeya. "Girls, keep it down. Ako na lang, baka mamaya pag-agawan nyo pa yung pinakamasungit ditong lalaki. Kawawa naman, ano mr. guerrero?" Tsk. Kawawa shane. I took a glance at him. Yung mukha nya.. naiinis. HAHA. Asar na asar talaga oho. Anadami kase namin kaya mejj matagal yung binabanggit. "Okay, princess.. xy, kayo ni.. shane." Ho!? Sir! Nanloloko ka lang e?! Papatayin po ako ng half of the population ng girls sa school! Pero, deep inside ansarap nila lahat asarin kase kami partner ni shane. MUWAHAHA. Ay. Di ko pala sya bati! Tss. "WHAT?! Sir naman e.. Sir! Pwede naman po kami! O isa samin." Sabi nung mga classmate kong babae. Nakatingin sakin ng masama.

Kinakabahan ako na natutuwa. :D "Oo nga ho sir! Pwede naman kami kay xyrah!" sigaw din nung ibang mga lalaki. Tss. Ayoko nga! Bahala na. Sabi ko kaseng di ko sya kakausapin. Tapos.. may project pa? Jusmiyo. Kaya mo yan xyraahh! "Sshh! Okay, ang inyong assignment ay.. Sky lantern. Dalawa ha. Matagal pa naman ang pasahan e." "Kelan po sir?" Tanong ko. "Hm.. Sa.. Pasko at bagong taon. Hahaha." *major facepalm* Lahat kami natahimik mga nanlaki yung mata at napapafacepalm talaga. Baka nga yung iba facewall na. Hahaha. Lakas ni sir. "O? At least marami pa kayong maisip na ideas na mapag-uusapan. Dali. Makipag-usap na kayo sa isa't-isa." NOOO.

"Psst. O, ano gagawin natin?" tinanong ako ni shane. Nako! Kakausapin ko talaga sya. Kailangan e. "Hay. Maghanap muna tayo ng designs." "Okay." ang tipid talaga magsalita. E, kung wag na lang kaya namin pag-usapan 'to? Sheesh. Kaso malaki yung grade na ibibigay samin dito. Kaya mo yan xyrah! Panindigan mo yang tampo mo. Este. inis!

---

Shane POV:

Kita'm? Sakto pa si sir. Maraming salamat sa napakalate naming dumating na teacher. Na walang magawa kundi magpaactivity lang. Hn. Gagawa na lang ako ng paraan para di 'to magalit sakin.

---

Xyrah POV:

Hinahanap ko sila zeya. Di ko mahanap. If i know.. kasama nya si leo. Hahaha. De joke lang. Baka. Malay? Di ko naman alam. Sanaa! Ang cute kase nung dalawang yun. Bagay na bagay. Iniwanan na lang ako bigla.. parang si.. shane. He! Ba't ko iniisip yung lalaking yun? Zeyaaa. Nasan na ba yun? Gusto ko ng umuwi e. Ng magkaron ako ng peace.. "Hoy. Liit!" liit? Sino? May nagtatawag ba sakin? Wag ko na nga lang panisinin. Baka mga papansin lang! "Di wag. Liit ka talaga." ako ba yun?! Pagtingin ko si shane. Poker face? Tss. "Kelan mo pa ako tinawag ng liit?!" "Matagal na. Di mo lang alam." "K!" "Ge. Tara na. Hatid na kita." Hinihila na nya 'ko. Napakaharaaass talaga nya. Babae ako no! Tska.. galit ako sakanya! "Teka nga! Ang gulo mo e." binitiwan nya 'ko. "Di mo pa 'ko bati?" aww~ para syang bata. Yung way nung sinabi nya yun. Pero nagsusungit pa sya nung sinabi nya yun.

"Ewan ko sayo!" "Ano nga? Di ako nakapunta sa audition mo.. kase.. may pinuntahan lang ako nun. Emergency." Hm? Ano kaya yun? "Hay. Oo na. San ba? Gusto ko lang naman malaman kung bakit. Mahalaga naman pala kaya.. okay." "Secret. Okay na tayo?" "Secret ka jan! Oo na." "Ayos. O tara na!" Sumaya nanaman ako. Nakuha ko yung peace na gusto ko kaninang makuha. Di ko kayang mainis sakanya ng matagal! Haha. Nakuha ko kase gawa kay shane.

Hell HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon