Chapter 9

9 0 0
                                    

Hinatid nya 'ko kahapon. Ansaya. HAHA. Halata naman sakin masyado, wagas ngumiti. Babaw no? "Good morning dadddyy! (:" "Good morning din sweetie? Masaya ka ngayon a?" "Hm? Wala lang po. Haha." "Baka in love na anak ko ha?" daddy naman! Ambilis ng tibok ng puso ko. Nung sinabi nya yun. Ewan ko kung bakit! Daddy talaga! Pati ba yun.. pati ba yun maisip nya? "H-ho? Daddy naman." nanginginit mga mukha ko. "Haha. Osige na anak. Napaghahalataan ka masyado. Ingat ha?" Weird. Napaghahalataan? Di ko nagets yun dad. Di na nya 'ko nahahatid gawa nung mga work nya. Sanay naman na 'ko. Pero minsan nakakalungkot na rin. Wala na nga lang si.. mommy. Di ko pa nakakasama si daddy? Wag naman ganun.

Pagdating ko sa school.. Nakita ko si zeya. "Hoy! Zey!" "Oy! Xy!" hahaha. Pareho pa kaming "y" ang dulo ng nickname. "Bakit iniwanan mo 'ko kahapon ha?" "Ha? Ah.. e.. Kase.." kinakabahan sya. Tama siguro hinala ko. Baka TAMA nga! Waaa! "Sabi ko na nga ba e! Magkasama kayo ni leo! Yiiee!" napalakas ata boses ko kaya bigla nyang tinakpan. Oa ka zey ha. Haha. Sarap asarin oho. "Wag ka ngang maingay? Di no! Di kami eksaktong magkasama. Nagkita lang kami nun.. tapos.. wala. Nagkwentohan lang. Yun na yun!" namumula na sya. Tsk. Zey talaga.

"Oo naaa! Ikaw naman. Defensive? Alam ko naman na tama yung hinala ko. Pfft. Hahaha. Nikikilig tuloy ako sainyo. Tara na sa room!" yaya ko sakanya. Kinikilig talaga ako. GV nanaman. Tuloy-tuloy na sana 'to. "Hay. Oo na xy. Quiet ka nga lang ha?" "Oo naman. Lovelife mo naman yun e." tumawa kaming dalawa. Pagpasok namin. Ang ingay. Wala pa sila shane at leo. Magkasama kaya sila? "Wala pa sila o." "Sila?" slow naman neto ni zey. Haha. "SI-LAA..?" inemphasize ko na lang. "Ah! Sila.. Oo nga no? Baka magkasama." "Baka nga." tapos umupo na kami. Kwentohan.

7:00 pa lang. May 30 minutes pa. Pero sabi nung president namin kapag 7:00 na daw tapos wala pa sa room late na. Wala pa rin yung dalawa! San na yun sila nagsipunta?! Hintayin ko na nga lang. Pumunta ako sa may pinto ng room. 7:15. Antagal naman nun sila! Bumalik na nga lang ako sa upuan ko. Teka? Ba't ko hinihintay yun sila? Nag-aalala lang ako no. NAG-AALALA.?! Wala namang masama mag-alala! Sheesh. Nangangalay na 'ko kakatayo, duu! Tumayo ba naman ako ng 15 minutes.. Kaya bumalik na lang ako sa upuan ko. "Ano? Wala pa rin sila?" tanong sakin ni zey. "Hay. Wala pa nga e. San na kaya yun sila nagpupunta?" "Oo nga. Nag-aalala na 'ko." pareho pa kami. Para naman sumaya-saya mood ko at ni zey. Inasar ko sya. "Aww. Alam naaa. Hahaha." "Che! Baliw ka xy. Ikaw din naman a? O ano?" di ako umimik. Tama sya e! Nagtawanan na lang kami. Seryoso. Nag-aalala na 'ko, KAMI. Nag-aalala na.

Pagkatapos namin magkwentohan ulit. Andito na sila. Tagal ha?! 20 minutes late! Grabe. Ano ng ginawa neto sila. Gulo pa mga buhok. Gawa ng hangin siguro. Lalo na kapag si shane nagdrive. "Hoy? Kayong dalawa! San kayo nanggaling?" nanay lang ang peg? Haha. Aba! Tama lang naman yun no! "Wala lang po INA." sabi ni shane. Nang-asar pa ha! Nagsmirk sya. Epal. "Ina?! San nga? Baliw ka." "Sa.. Ano.. Park. Ay! Teka nga. Pagod na 'ko." sabi ni leo. "Nagdate kayo?" tanong ko. Wala. Nang-asar din ako. Si shane kase! Tumingin sakin si shane ng masama. Okay! Di na! Di na! "Joke lang! Hehe. Ikaw naman shane.." pinat ko shoulder nya. "Oo. Nagdate kami ni shane. Trip namin e. Di ba baby?" sumakay naman si leo sa trip ko. Hahaha. "Ungas ka talaga leo." Nagtawanan lang kami nila zeya.

---

Shane POV:

Syete. Late pa kami. Pagpasok namin tinanong kami ni leo agad ni xyrah. Parang ngang nanay namin e! Kaya ko tinawag na ina. HAHA. Pikon kaya sya. Kaya ang sarap awayin. Nakipagrace kami kaya kami nalate. Ayaw ko lang sabihin sa liit na yun. Baka pangaralan pa kami nito. Lalo na 'ko. Tss. Pero nung nakita ko si zeya. Tiningnan ko sya na ang sinasabi ko 'pinag-usapan natin. Wag mong sabihin.' nakuha naman nya agad. Nagthumbs up sya. G@go talaga si leo. Lakas mantrip. Nakakatuwa naman 'tong si liit. Nag-alala pa. At naging INA bigla.

---

Zeya POV:

Hay. Buti na lang kaya kong itikom o di isabi kay zeya yung napag-usapan namin ni shane. Kaya ko kase iniwanan si xyrah kahapon.. nag-usap kami ni shane. Tinanong nya kung alam ko daw ba na galit si xy sakanya. Sabi ko syempre oo. Tapos nung eexplain ko na sana kung bakit. Sabi nya alam na daw nya yung dahilan. Matalino talaga sya kahit kelan. Kaya yun. Napagkasunduan namin na.. di ko muna sasamahan si xy para magkabati sila. Haha. Kinikilig lang talaga ko nun deep inside. Tapos yun. Saktong nakita ko na si leo. Nagkwentohan lang kami. Masayaaa. Di pa nga nakwe-kwento sakin ni xy na bati na pala sila. Pero di na kailangan. Patunay na yung kanina na naging nanay sya nung dalawa. Hahaha.

Hell HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon