chapter 3

382 6 0
                                    

"I have to go." hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Wait lang Maxeen. 2pm pa naman class natin e. Wala ka namang kasama and ganun din ako. Can I join you?" sabi niya na parang nalulungkot.

Pinag isipan kong mabuti kung ano ang dapat kong isagot. Naiirita na rin kasi ako, pero sa inner feeling ko, parang I want to know something more about her. Nakakainis naman. Maxeen! Ano ba naman yang iniisip mo!

"Sure. In one condition." sabi ko habang nakatalikod.

"uhm.. Sure. Ano yun?" nagtataka niyang sabi.

"Do not talk." matipid kong sagot habang ibinaling ko ang ulo ko sa direction niya.

"Uhm.. Uhm.."

Okay daw with matching pag zip pa sa bibig niya.

Hindi ko na halos naubos yung caramel cake. Medyo nawalan kasi ako ng gana. Hindi ko alam kung ayaw ko ba sa nangyayari or may something na nagsasabi sakin na kaibiganin ko tong babae na to.

Dumiretso na kami sa Eco Park, sabi ko earlier matutulog muna ko don saglit. Since 11am pa lang, kaya pa ng isang oras.

Umupo ulit ako sa bench na pinanggalingan ko kanina. Si Alexa, nasa likod ko lang. Tumabi din siya sa upuan ko at gladly, tahimik din siya.

Sinalpak ko sa tenga ko ang ear phones ko then browse sa music play list. Love song para cool. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko dahil medyo inaantok talaga ako. Hindi ko na rin pinansin si Alexa sa kung anong trip niya. Basta ayaw ko ng maingay.

Medyo nakakatulog na ko ng mapalingon ako sa direksyon ng upuan ni Alexa. Papikit-pikit pa ako ng mapansin kong nakayuko lang siya while looking on her phone. Bahagyang gumagalaw yung balikat niya na parang humihikbi.

Minulat ko ang isang mata ko just to check kung anong nangyayari sa babaeng 'to. I was surprised at napadilat na rin ang isa ko pang mata nang makita kong nagpahid siya ng luha.

Umiiyak siya? Abnormal yata 'to. Nakakaiyak ba yung request ko na wag muna siyang mag salita? Hala! Nakaka guilty naman yun!

Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na pwede na siyang mag salita. I mean, what's happening to her. Baka sobrang offensive ko na para sa kanya to think na hindi naman kami close pero ganun yung pinagawa ko sakanya.

I was about to ask her kung anong problema pero napansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Ahh. I'm sorry Max. Nagising ka yata. Sorry. Aalis na lang muna ko. I'm sorry." habang nagpupunas siya ng luha.

"No. Ako yung dapat mag sorry. Sumobra yata ako. Mali nga naman yung hindi kita pag salitain. I'm sorry Alexa." pagpapaliwanag ko.

"Huh? Baliw ka. Di naman nakakaiyak yung hindi pagsasalita e." medyo natatawa siya.

Like duhh? Abnormal nga! E bakit 'to naiyak?

"Then why are you crying?"

"Ha? Wala 'to Max. Emote ko lang 'to. Alis muna ko ha, since alam kong gusto mo magpahinga. See you later na lang sa class."
Nakayuko niyang sagot while fixing her things at akmang aalis na.

"Saan ka pupunta?" yun lang ang naibulalas ko.

"Anywhere. Para maka sleep ka muna dito. Istorbo na ko e." hindi pa rin siya tumitingin.

"Okay lang nam--.." sasagot pa sana ko when she interrupted.

"No Max. Okay lang. Alam ko namang irritated ka na kanina pa. I'm sorry feeling close ako. Sige na, rest ka muna here. Ingat ka." sabay halik sa pisngi ko at alis.

Walanya. Ano ba yon? Goodbye kiss? Beso? Bakit lips niya yung dumikit sa pisngi ko? My ghaaad Alexa! Heto na naman ang nga paru-paro sa tiyan ko.

Naiwan akong mag isa sa bench. Tulala. Iniisip kung bakit siya umiyak at umalis. Iniisip ko rin kung bakit kakakilala pa lang namin, nag bigay na agad siya ng good bye kiss. Ako lang ba yung maliscious talaga? Freak!

Binalik ko sa tenga ko ang ear phones at pumikit ulit.

Bakit ko ba iniisip yon? Mas okay pa nga na umalis siya e. Makakaidlip ako. Bakit ba ko nag aalala sa taong ngayon ko lang nakilala?

Ilang minuto na kong naka pikit pero hindi ako makatulog. Paulit ulit kong nakikita yung scenario ng pag punas ng luha niya at pag halik sa pisngi ko.

Maiirita ba ko? Ano ba dapat kong maramdaman? Diba dapat wala? OA lang ba ko? Arghhh!

Bakit sobra yata akong...

Affected? 

Pinilit kong maalis sa isip ko yung mga nangyari. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Kinuha ko nalang ang phone ko at nag browse ng facebook and nakita kong mayroon akong isang friend request.

"Alexa Keenne Ricafort" bulong ko sa sarili.

Tinignan ko ang profile niya at nalaman kong si Alexa pala yon. Hindi lang siya sa personal maganda. Napaka photogenic din niya. Famous din pala sa FB ang loka.

Agad ko namang pinindot ang confirm button at wala pang tatling minuto ay may nag appear na chat head sa messenger ko.

"Thanks for accepting Maxeen :)"

Ang bilis ha. Online pala siya. Gusto ko sanag tanungin kung nasaan siya at kung ano yung nangyari kanina. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan. Pero ayaw ko rin ipakita na masyado akong affected so nag reply lang ako ng casual.

"No prob. Where you at?" direktang sagot ko.

"Umuwi. Dito lang ako nag stay malapit sa campus. Maaga pa ah. Di ka na po ba inaantok?" tanong niya.

"Hindi na." matipid kong tugon.

"Sungit mo talaga. Wanna come here? Mag isa lang naman ako dito baka bored ka. Sunduin po kita?" pag aalok ni Alexa sakin.

Napaisip naman ako sa kung anong sasabihin ko. Nakaka boring din naman kasi dito sa Eco Park pero naaalala ko rin ang sinabi ni Lola na wag basta mag tiwala. So I decided to refuse.

"No I'm okay here. Thanks anyway." sagot ko.

"Uhm. Okay po. Ingat ikaw diyan ha. Wag mag over sleep. Daanan kita diyan mamaya po?" muli niyang tugon.

Bakit parang napaka lambing naman ng taong 'to? Hindi pa naman kami lubos na magkakilala diba pero bakit parang madali lang sakanya makipag lapit kung kanino? Baka mamaya niyan, may hidden agenda pala 'to sakin! Mahirap na. Tsk!

"No. I'll be fine. Thanks." walang gana talaga mga sagot ko sa kanya.

"Okay. Sungit mo talaga. Oks lang. That way is too cute. :) Don't worry, harmless ako. Haha kidding! Ingat po ikaw. Mua! :* " sagot ni Alexa.

Nabasa yata nito ang iniisip ko ah. Haaaaay nako! Ano kayang balak nitong Alexa na 'to? Baka naman nag oover think lang ako? Pero super feeling close agad e? Bahala siya sa buhay niya.

Laaaa? 12nn na pala! Di na ko nakatulog. Psh! Mag hihintay nalang ako ng oras para sa first class ko...

 LOVE has no GENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon