I am waiting for Alexa at 7/11. Susunduin niya na lang daw ako. Kumuha pa kasi ako ng mga gamit. Maya-maya pa, bumubusina na sakin ang isang black fortuner. Nakilala ko lang ang laman noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan.
"sakay na po." na may malawak na ngiti.
Agad naman akong sumakay sa unahan since binuksan niya pa ang pinto for me. Hindi naman masyadong malayo ang area ko sa bahay nila. Malapit nga pala siya sa University.
While on our way, tahimik lang ako sa sasakyan ng tumugtog ang isa sa mga paborito kong kanta.
🎶 Two old friends, meet again..
Wearin' all the faces,
Talkin' 'bout the places, they've been..Two old sweet hearts, fell apart..
Somewhere long ago..
How are they to know..
Someday they'll meet again..
And have a need for more than reminiscin'.. 🎶Sobrang emote na ko sa kanta ng biglang sumabay si Alexa sa chorus nito..
🎶 "Maybe this time,
It would be love and they'll find..
Maybe now they can be
More than just friends.."🎶Graaaaabee! As in sobrang shocked ako! Sobrang ganda ng boses niya! Napakalamig at masarap pakinggan! Halos tumayo ang mga balahibo ko sa simpleng chorus na yon! Maganda na, magaling pa kumanta. Pag ito magaling pang sumayaw, ewan ko na!
"Huy Max! Bakit? Titig na titig ka! I'm driving!" may pang aasar na saad ni Alexa.
"Ah. I--I'm sorry Alexa. Nagulat lang ako. Ang ganda pala ng boses mo. Favorite ko kasi yan. Haha!" sabay tingin ko sa labas.
Alam kong napangiti siya at alam niya rin na nagulat talaga ko. Pero hindi na siya sumagot pa. Maya-maya pa, nakarating na kami sa bahay nila. Matapos niyang iPark ang kotse niya sa garahe, inimbitahan na niya kong pumasok sa loob.
"Let's go Max. Kain muna tayo? Nagluto ako kanina bago kita sunduin. Tara pasok ka na."
"Teka lang, okay lang ba sa parents mo na dito tayo? Baka pagalitan ka? Nasaan ba sila para makapag good evening ako. Anong niluto mo? Masa---."
"Heyyyy! What's with you? Haha! Ang dami mong tanong. Wala akong kasama dito."
"Seryoso? Hindi ka ba naboboring?" sabi ko habang papasok sa loob.
"Nope. Sanay na. Wait lang upo ka muna diyan. Hahanda ko muna yung food." sabay diretso niya sa kusina.
Pag upo ko sa sala, agad akong naglibot ng paningin sa paligid. Maganda yung bahay kahit simple. Yung decorations niya, alam mong mataas ang standards sa mga designs and decor ng may ari nito. Hindi naman sobrang laki ng bahay niya, pero may second floor.
Malinis din yung bahay. Well maintained. Nahagip ng mata ko ang isang family picture sa side table ng sala. Siguro mommy at daddy niya to. Tapos, kuya? Kasi mas bata yung babae na I think si Alexa to. Ayos. Ganda ng lahi. Hahaha!
Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Alexa. Ready na daw yung food. Sinigang na baboy.
Sobrang sarap pala niya magluto! Nung una, nahihiya pa ko e. Pero para kong kumain sa Mang Inasal. Unli rice kumbaga. Naka 2 1/2 yata ako. Di naman halatang gutom no? Hahaha!"You're so cute! Takaw!" pang aasar niya sakin.
"Haha! Sorry! Ginalingan mo e. Saka sobrang favorite ko talaga to. Matakaw man ako, sexy pa rin naman. Blehh!!" balik pang aasar ko sa kanya.
Habang tumatagal din pala, mas lalo mong maappreciate ganda nitong Alexa na to e. Di ko alam kung naiinsecure ba ko sa kanya o ano. Hahaha! Nakakapang gigil kasi yung kagandahan e!
"willing ako ipagluto ka niyan lagi. Basta be nice to me. Minsan kasi ang sungit mo." seryosong sabi niya.
"Minsan? E ngayon nga lang tayo nagkakilala. Haha!" pagbasag ko sa kanya.
"Ah. O-oonga p-ppala." sabay ngiti ng fake.
Gulo nitong Alexa na to. Baliw talaga e. Bakit kaya bigla siya nag stutter? Hahaha. Magulo utak. Basta ako nag eenjoy ako sa sinigang na baboy. Hahaha!
Pagkatapos kumain, nag volunteer na ko mag hugas ng plato. Nakakahiya naman sakanya. Pinakain na nga ko e. Hahaha!
Habang nag huhugas ako ng plato, nakabantay siya sakin. Ano ko bata? Ayaw naman niya umalis kasi wala daw sa hitsura ko na marunong gumawa ng mga gawaing bahay. Judgmental! Maganda lang ako talaga pero marunong naman ako. Hahaha!
Pagkatapos ko maghugas, nag paalam ako saknyang lalabas para muna mag yosi. Pampababa ng kinain. Nakarami e.
"Yosi muna ko sa labas, wait." pagpapa alam ko.
"nagyoyosi ka? Bad yan." tutol niya.
"mas bad yung nagingielam." direkta kong sabi.
"Bad nga yan. Wag na." sabi niya habang nakatingin sa tv at naglilipat ng chanel.
"Luh. Di ako sanay ng may nag babawal sakin. Saka hindi naman ako malakas mag yosi. After kumain at pag nag pu-poop lang." paliwanag ko.
"Kung jowa kita, hindi yan pwede sakin."
"E hindi naman kita jowa e."
"soon." pabulong niyang sabi.
"Ha?" kunyari hindi ko narinig pero malinaw sa tenga ko kung anong sinabi niya. Baliw to. Don't tell me, lesbian siya? Kasi di naman ako lesbian e. Hala! Ang ganda niyang lesbian ha!
"wala! Do your thing tapos mag alcohol ka. Ayaw ko ng mabaho." seryoso niyang sabi ng hindi pa rin tumitingin sakin.
Dumiretso na ko palabas, nag sindi ng yosi at nag iisip pa rin kung bakit niya sinabi yon. Mas lalong hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kasi parang hindi man lang ako nakaramdam ng awkwardness. Putek Maxeen. Ano bang nagyayari sayo? Pero baka naman talagang nagkamali lang rinig ko.
Nako naman. Pero honestly, nag eenjoy ako kasama tong babaeng to e. Almost perfect. Swerte ng boyfriend niya. Kung meron man...
BINABASA MO ANG
LOVE has no GENDER
Non-FictionAuthors Note: This is a tagalog bisexual story. An eye opener to everyone na makakabasa nito na lahat tayo ay equal and love wins because love has no gender. Hindi ako magaling mag sulat o mag kwento. May mga wrong grammars at typographical errors...