Nakaramdam ako ng bigat sa tiyan ko. Hindi ko agad maimulat ang mata ko dahil alam kong maaga pa. Pero talagang nabibigatan na ko kaya pinilit ko maimulat ang isa kong mata at matanggal kung ano man tong mabigat na to.
Pero nagulat ako nang makita ko ang isang makinis at maputing binti na nakadagan sa aking tiyan. Agad agad kong sinuri kung nasaan ang itaas na bahagi ng katawan ng taong nag mamay ari nito.
Imbis na magalit, natawa ko ng sobra ng makita ko ang muka ni Alexa sa bandang paanan ko. Gulo gulo ang buhok, naka nganga at may tulong laway. Hahahaha!
Hindi ko mapigilan ang tawa ko kaya nagising ang Diyosa sa paanan ko.
"Fck. What's the matter? Oh sh*t. Really sh*t!" Sabay balikwas niya. Hahaha sobrang cute potekkk!
"Nyare sayo? Haha! Katabi kita dito kagabi ah? Anong ginagawa mo diyan? Hahaha! Kadiri ka. Tulo laway mo. Hahahaha!" Sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa.
"Maaaax! Stooop! Okay? Oo. Ano kasi e. Uhm, malikot kasi ako matulog that's why malaki tong bed ko. And, pa---pagod lang siguro kaya---.." Hiyang hiya naman niyang sagot na halos di na makatingin sakin, pero I find it cute ha. Di man lang ako nakaramdam ng turn off. Haha
Wait, what? Turn off? Bakit? I mean, bakit ako ma tuTurn off e I don't like her naman. Di ba ganun yun? Fck! Ano ba tong naiisip ko. Jusku poooo. Naaah waaay!
"De, oks lang naman e. Maganda ka pa rin." Halos pabulong ko na banggitin ang huling linya. Ewan ko, pero bigla akong nahiya at bakit ba ganun ang lumabas sa bibig ko. Jusko Maxeen!
"Forget it Silly Chick! Masama na ba tumulo laway? Hahaha. Pero I'm sorry. Nakakahiya. Siguro you won't bother to have sleepover again." Medyo nahihiya nitong sabi.
"Hahahaha! Hindi naman. Pero sa ganda mong yan natulo pala laway mo. Hahaha!" Di ko na talaga mapigialan sarili ko kakatawa. Naku cute-an kasi talaga ko sakanya. Hahaha
"Stop annoying me! Anyway, Goodmorning GANDA! ^_<
Kasabay nang pag alis niya sa kama. Bakit tila kumabog ang dibdib ko sa pagkakasabi niya ng word na "ganda". Hindi ko alam kung anong meron... Pero bigla akong kinabahan. Madiin e. Madiin ang pagkakasabi niya ng salitang yon.
Natulala ako at nagmuni-muni. Pinipilit kong isipin kung bakit naging ganito ang pakiramdam ko. Kinikilig ba ko? Argh! Hindi e. Kinakabahan pa nga ko!
"Tulala ka yata, GANDA? HAHAHAHA!"
Bigla niyang sabat sa pag mumuni muni ko at nakasilip sa pinto ng kwarto. Halos himatayin pa ko sa gulat.
"Sinasabi mo? Di na--mann a--kko tula-tulala!" Sabay irap ko pagtatakip sa kabang nararamdaman ko.
"Ahhhh. Kaya pala... Ginantihan lang kita sa sinabi mo kagabi. Haha teka prepare lang ako ng breakfast."
Sinabi ko kagabi? Ha? Anong sinabi ko? E nagkwentuhan lang naman kami ah? Tapos tumalikod na sya, tapos sabi ko langgg...
Ay putek! Narinig niya? O_O
---------------
A/N:Hi guys! Sorry, hindi ko na to inupdate after ko maipublished yung mga naunang chapter. Hindi ko kasi alam na may magkaka interes palang basahin to. Sorry sa mga typo errors at mga wrong grammars. Hahaha. Pero honestly, tumaba yung puso ko kasi may nag request ng update. Hihi Senkyuuu! 😁
Sorry, medyo maikli tong update ko. Tignan ko lang ulit muna kung dapat ko pa ba tong ituloy. Medyo busy din kasi sa studies at work. Jusmiyo!
Anyway, THANK YOU ULIT! THANK YOU! advance merry christmas! 😘
-- Bisexy08
BINABASA MO ANG
LOVE has no GENDER
Non-FictionAuthors Note: This is a tagalog bisexual story. An eye opener to everyone na makakabasa nito na lahat tayo ay equal and love wins because love has no gender. Hindi ako magaling mag sulat o mag kwento. May mga wrong grammars at typographical errors...