Hindi ko na pinilit si Alexa malaman yung totoong reason niya bakit mas pinili niyang dito mag aral sa Pilipinas. Baka masyadong private yung dahilan, ayoko namang manghimasok.
Madami pa kaming napag kwentuhan. Sinasabi ko na nga ba, dancer din siya nung junior high school daw siya sa Vancouver. Ano pa bang di kaya ng taong to? Lalo tuloy akong naging interesado sa kanya e. Imagine? Maganda, matalino, may kaya sa buhay, maganda ang boses, masarap magluto at magaling sumayaw! Ano pa bang kulang sa kanya?
She's a girl of every man's dream! Almost perfect e. Nagulat ako ng may itanong siya sa akin na hindi ko napaghandaan.
"Max, have you been into a relationship?" habang nakatingin sa kisame.
"Ha? Chismosa ka rin e no? Ano ba naman yang tanong mo! Hahaha!"
Natatawa ko ng sobra pero sa totoo lang, parang bigla akong pinag pawisan ng malamig.
"I'm just asking. Sige na! May past relationship ka na ba? Or rather, may relationship ka ba ngayon?" pag uusisa pa rin sakin ni Alexa.
"Long story Alexa, I bet you won't have time to listen." rebutt ko sa sinabi niya kanina. Haha
"Hey! That's my line! Ano ba? Pwede mo rin naman sabihin na ayaw mong pag usapan. Maiintindihan ko." pagpapaliwanag niya.
"Haha! Relax! Oo na. Sige na. Eto na nga e. Hmmmm. May isa kong ex nung Grade 10. Si Yekzel. Yung walangyang yon, niloko lang ako. Alam mo, ang babaw nga e. Niloko niya ko just because I don't want to give myself to him. Siraulo. Pag naaalala ko nga yon, naaasar ako na natatawa. Pero minahal ko siya ng sobra. Hanggang bago mag Grade 12 kami nun e, until I found out na he's cheating on me. Nalaman ko yun, sa isang tropa niya na nililigawan classmate ko. Nadulas sakin yung mokong na yun. Nung una di ako na naniniwala hanggang sa na wrong sent sakin mismo si Yekzel. Honey daw e, di naman namin endearment yon. Buset siya. Hahahaha!" matawa-tawa kong pagku kuwento.
"How does it feel? I mean, sobrang sakit ba yon? Paano ka nag move on? Teka naka mive on ka naba?" sabay tingin sakin ng malagkit.
"Baliw siyempre naman nakapag move on nako. Almost 2 years na yun e saka hindi naman ako ganun ka desperada. How does it feel? Sobrang sakit. As in. Nung mga unang week na nagyari yun, siyenpre ako na nakipag break diba, pero iyak ako ng iyak. Hindi ko kasi matanggap na ganun yung mangyayari samin e. He's so nice kasi. Matalino siya at family oriented. Kahit yung family niya, sobrang okay. Siguro nga may mga pangangailangan ang boys at some point. Halos di ako makatulog kakaiyak. Sobra kong namayat at stress non. Nagagalit na si tita Jenny pag ka video call ko siya. Sinabi ko lang na break na kami ni Yekzel, na gets naman niya agad. Siguro ganon ako for two weeks. Tapos after non, okay na rin naman. I promised myself to never trust again easily. Lalo na sa mga lalaki. Mahirap na, ayoko na maulit yun." natapos din ang pagpapaliwanag ko.
"Friends kayo nung guy ngayon?" tanong niya.
"Hell naaaah! Though may closure, humaral siya sakin kasama ang parents niya to say sorry, kahit yung parents niya nag sosorry sakin. Tinanggap ko naman. Settled na rin yon, atleast alam niya na nasaktan ako and nagpatawad naman ako. But to be friends with him? No. Niloko nga ako, paano ko pa pagkakatiwalaan,diba?
"I see. Mga boys talaga. Tsk tsk."
"Bakit? Niloko ka na rin ba?" nagtataka kong tanong.
"Hindi. Inaantok na ko Maxeen. Sleep na tayo? Goodnight!" sabay halik sa noo ko at talikod.
Naiwan akong tulala. For the second time, hinalikan na naman niya ko. Iniisip ko na lang, sweet lang talaga siya since wala na siyang kapatid. Ganun ba talaga pag laking abroad? Masyadong open and aggressive? Nakaka two points na siya! Pero mas iniisip ko yung parang ang dami niyang hang ups? Parang iniiwasan niya mag kwento ng mas malalim pa sa dapat kong malaman? Ambisyosa naman ako masyado e. Baka medyo private na tao lang si Alexa. Hmmm. Malalaman ko rin naman siguro yun afterwards. Pero yung kiss talaga e! Sa susunod gaganti na ko! Joke.
Pinatay ko na ang lamp shade, humarap ako sa pwesto ng likuran ni Alexa at bumulong.
"Goodnight, Ganda."
BINABASA MO ANG
LOVE has no GENDER
Non-FictionAuthors Note: This is a tagalog bisexual story. An eye opener to everyone na makakabasa nito na lahat tayo ay equal and love wins because love has no gender. Hindi ako magaling mag sulat o mag kwento. May mga wrong grammars at typographical errors...