Maya-maya pa ay tumawag na si Alexa mula sa baba. Handa na raw ang breakfast.
Aaminin ko, unti-unti na kong nagiging komportable sa babaeng 'to. Kahit pa saglit pa lang kami magkakilala, pakiramdam ko, magkakaroon kami nang magandang samahan. Hindi rin naman kasi mahirap mag tiwala kay Alexa, at wala rin naman siyang dapat ikabahala sakin. Harmless ako. Hahaha.
Sa ngayon, ay kikilalanin ko siyang mabuti. Hindi naman siguro masama na maging mabuti kaming magkaibigan. Isa pa, ramdam ko naman na mabuti siyang tao.
Bago ako bumaba ay nag ayos muna ako ng sarili. Nag tooth brush, (may extra siya sa cr sa kwarto wag kayong ano.haha), naghilamos at nag ayos ng buhok. Medyo kinakabahan din ako bumaba dahil sa awkwardness na nangyari kanina lalo pa't pakiramdam ko, narinig niya talaga ako kagabi. Arghhhh! Hayaan na nga! Totoo naman kasing maganda talaga siya. ^^
"Breakfast is ready little Nugget!" Nakangiting bungad niya.
"Thank you, chicken head." matipid kong sagot.
"Ganda naman ng endearment natin. Haha unique." Sambit ni Alexa.
"Endearment? Okay ka lang? Haha. Kain ka na gutom lang yan. Bagong bago tong luto mo. Di pa ko nakaka tikim ng bacon at scrambled egg!"
"What? Seryoso ka? Di ka pa nakaka kain niyan? Anong kinakain mo pag breakfast?"
"Hahaha! Patola ka. Sarcastic yon. Ito naman kasi usually kinakain sa umaga e. Hahaha pero seriously, thank you sa pag hahanda ng agahan. :)"
"MAXXX! hayyy nako! Napaka mapang asar mo! Saka you don't look sarcastic kasi. Ang lakas ng charm mo e. Hahaha"
At bigla akong nabulunan. O.O
"Oh! Are you okay? Ito water oh!" Sabay abot ni Alexa nang tubig sakin.
"Ah. Yeah. Ehemm. I'm fine. Nasamid lang ako."
At hinihiling ko na hindi siya makahalata. Jusko. Nagulat ako sa sinabi niyang malakas ang charm ko. Oo alam ko yon, Naks! Kapal ko. Pero I mean, galing sa kanya e. Nang aasar na naman to e. Di ko tuloy maiwasan na maisip yung awkward moment namin kanina. Jusko! Bacon, ako na kainin mo!
"Uhm, Max.. Wala naman pasok e, ahm. Yayain sana kita.. Tara punta tayo sa Enchanted Kingdom!!"
"EK? Naku, iba na lang yayain mo. Hindi ako sumasakay sa rides."
"Bakit? Takot ka? My ghaaaad. Laki mo na oh, I mean, matanda na. I mean, nasa right age ka na. Hahaha takot ka pa rin? Eewww."
Sobra talaga yatang sinusubok ni Alexa ang pasensya ko at pag titimpi. Ang lakas mang asar e. Juskooooo patawarin po ako pero gusto ko nang tirisin ang babaeng to!
"Ayoko. Baka isipin ng mga tao, ka date kita."
"O.O"
"0.0"
Anak naman nang tokwa! Ano ba yung nasabi koooo!
"Ah.. Ehh.. Ohh.. Oh, ayaw mo pa nun? GANDA ng ka date mo??" Sabay kindat niya.
Tignan mo nga naman, ang bilis makabawi! Ang bilis ng utak! Ako naman tong sobrang kabado, sunod sunod ang pagkagat ko ng bacon. Pati yata yung tinidor nakagat ko na sa sobrang kaba! Pero hindi dapat ako magpahalata e. Kailangan, siya ang mailang para di na nya ko masama sa EK juskuuuu!
"Ikaw? Maganda? Hahahahaha! Oo maganda ka. Pero kung date ang usapan, at kung lalaki ako. Hindi kita type."
Kitang kita ng mga mata ko na naningkit si Alexa. Hahaha ganda ng linyahan ko e no? Hahaha!
"WOOOW haaaa! Di mo ko type? Talaga? Hindi ka ba nagagandahan sakin?"
"Nagagandahan. Per-----"
"I knew it! Crush mo nga ako! Grabe Max, akalain mo yun? Don't worry, I'll make this day memorable for us. First date natin, baby girl! ^_<
At dito na nagtatapos ang kwentong ito.
Charoooot!
Anak ng madapaka!
I can't breathe? Bret? Breyth?
Basta di ako makahinga putspa!!!Parang libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Sobrang lapit ng mukha ni Alexa sa mukha ko habang sinasabi niya ang mga katagang yon.
Tagos! Tagos na tagos e. Mata sa mata yung tinginan namin. Halos pigilan ko ang paglabas ng hangin sa ilong at bibig ko. Hindi ko alam pero hindi ko nagawang umatras sa pagkaka lapit ng mukha naming dalawa. Sobrang weird ng babaeng to! Napakabilis mag bago ng mood, mabilis mag isip, magaling magpakilig!
Ay! Hindi. Hindi pala kilig. Basta mabilis. Mabilis magsalita. Ganon.
Bakit parang di yata ko naiirita? Di ba dapat mainis ako? Bakit parang okay lang? ARGHHHHHH! Ano bang ginagawa mo saking babae ka!
"Ligo ka na nugget. May date tayo. Kanina ka pa tulala. Hahahah!"
"Pumayag na ba ko?" Pinakita long iritable ako. Para hindi naman niya mahalata na gulong gulo ang gamunggo kong utak.
"Bakit? Hihindi ka ba? Pag humindi ka, iiyak ako."
Nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata ni Alexa. Putek! Seryoso ba sya? Iiyak talaga siya? Yun lang e! At tuluyan na ngang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Jusmiyo!
"Oh oh oh! Tama na. Tama na. Oo na. Punta tayong EK. -.- "
"YEHEY! Ligo ka na nugget :)"
0.0
Pucha! Artista yata to e. Takte napasubo na nga ko. Wala na kong choice. Um-oo na ko e. Haaaaaaaaaaay!
"Weird mo talaga. Oo na. Smoke lang ako sa labas."
"Ayoko sabi ng amoy yosi."
"Bakit ba? Aamuyin mo ba ko? Tsaka pabebe ako. Walang makakapigil sakin."
"Tignan lang natin kung magiging pabebe ka pa sa mga susunod na araw. Bwahahaha!"
"Bakit naman, aber?"
"Wala! Sige na bilisan mo na. Wash ko lang plates."
"Sige."
Lumabas muna ako para mag yosi. Haaaay nako. Di na lang ako sasakay sa mga rides. Bahala siya diyan. Grrr. Kainis.
Pero sige na, pag bigyan na. Kawawa naman e. Siguro, wala masyadong kaibigan to sa ibang bansa. Mukhang sabik sa friends e. Anyways, wala naman masama kubg magkasama kaming pupunta dun ng kami lang. Magkaibigan naman kami e.
Di rin naman kami pagkakamalan na mag jowa.
Pareho naman kaming babae.
----------
A/N:
Holaaaaaa! Sorry ngayon lang nakapag update. Again, busy po sa school and sa work. Hahaha!
Thanks sa pagbabasa po nito. At sana medyo natutuwa po kayo. Hihihi :)
Sisikapin ko po na makapag update asap!
Paki vote na rin po kung kayo ay nasiyahan. Pero mabasa lang naman to, masaya na ko. Hahaha kaya salamat pooooo!
Listening to: expectations by Lauren Jauregui <3
----- bisexy08
BINABASA MO ANG
LOVE has no GENDER
Non-FictionAuthors Note: This is a tagalog bisexual story. An eye opener to everyone na makakabasa nito na lahat tayo ay equal and love wins because love has no gender. Hindi ako magaling mag sulat o mag kwento. May mga wrong grammars at typographical errors...