Part 1
"Ayawan na, Mingyu. Straight nga talaga yang labidabs mo." Nakangusong sabi ni Seungcheol habang hawak hawak yung phone niya bago itinapat ang screen nito sa mukha ni Mingyu.
Napabuntong hininga na lang si Mingyu bago iniwas ang tingin sa katabi niyang si Jun na masama ang tingin sa kanya. Napakunot noo si Mingyu sa pagtataka dahil hindi naman siya close sa kaklase.
"Brad, may gusto rin yan kay Wonwoo, wag ka ng magtaka." Bulong ni Seungceol sa kanya ng mapansin nito ang tinitingnan niya.
Nagkibit balikat lang si Mingyu bago ibinalik ang tingin sa stage. May tatlumpong minuto pa bago magsimula ang aktwal na programa. Kanina pa rin sila nakaupo sa mga bench sa front row pero hindi pa nila nasisilayan ang dalawa nilang kaklase na magrirepresenta sa section nila.
Mayroong stage na sinetup sa gitna at ang likod ang nagsilbing standby area ng mga kasali.
"Oy, andiyan na sila." Narinig ni Mingyu'ng bulalas ni Seungcheol bago nagsimulang maghiyawan ang mga kaklase nila.
Mabilis na napalunok si Mingyu ng masilayan niya si Wonwoo. Nakaangkla sa braso nito ang braso ni Chelsea na hindi maikakailang pinaghandaan ang araw na ito. Pero hindi iyon ang napansin ni Mingyu kundi si Wonwoo mismo. Brushed up ang buhok nito kaya kitang kita ang noo nito na nagpatili sa ilang babae sa loob ng gymnasium, mapa kaklase man nila o hindi. Nakadark blue na suit ito na bagay na bagay sa katawan nito. Para bang ginawa ang suit na yun para lang sa kanya. At para ring ginawa ang pulang carpet na nakalatag ngayon sa sahig ng gymnasium para sa kanya. Hindi alam ni Mingyu kung bakit nagiinit ang mga pisngi niya, ang alam niya lang ay may kinalaman dito si Wonwoo at ang ayos nito ngayon.
Nakangiti ito habang may ibinubulong sa nakangiti ring si Chelsea. Para bang biglang may kumurot sa dibdib ni Mingyu. Hindi niya na lang yun pinansin at pinanuod na lang ang host ng program na sinasabi ang opening speech nito.
Hindi pa rin maialis ni Mingyu sa utak niya si Wonwoo, kahit anong pilit niyang itaboy ito. At ang masama pa, para siyang aatakihin sa puso na hindi niya mawari. Parang gusto niyang tumawa, umiyak, kumain, sumigaw, magsayaw at magtatakbo ng sabay sabay. Dumagdag pa ang pangingilid ng luha sa mga mata niya na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Parang yung feeling na nakapagipon ka nga pambili ng concert tickets pero hindi naman payag ang mga magulang mo, ganon ang pakiramdam niya ngayon.
Nagising lang siya sa mistulang panaginip kay Wonwoo ng bahagyang banggain ni Seungcheol ang balikat niya, dahilan para mapatingin siya dito.
"Tulala ka diyan?" Tanong nito bago ininguso ang stage. "Ayan na sila o."
Hindi alam ni Mingyu pero automatic na tumigil ang paghinga niya ng makita niya si Wonwoo kasabay ng mga iba pang lakan ng ibang section na nakatayo sa stage. Hindi niya namalayan na nakatulala lang pala siya kay Wonwoo hanggang sa matapos ang parte ng programa na yun.
Pagkatapos ng pagrampa suot ang nga suit ng kandidato, inirampa naman ng mga lakan ang barong tagalog nila. Lalo atang bumilis ang paghinga ni Mingyu kaya napakapit siya sa mga tuhod niya.
Dumaan pa ang ilang mga 'rounds' at ipinangrampa ng mga kasali sa programa ang kanilang mga formal wear, casual wear at kung ano-ano pang uri ng mga wear [a/n: d q na alam pinagsusulat ko] na mas nagpahirap pa sa sitwasyon ni Mingyu.
"Ano, buhay ka pa?" Natatawang tanong ni Seungcheol kay Mingyu bago inabutan ang binata ng isang bote ng tubig.
"Hyung-"
"Choi Seungcheol!" Malakas na tawag ng teacher nila kay Seungcheol. Parang maamong tupa naman itong lumaput sa guro.
"Tulungan niyo nga muna ang kaklase niyo dun sa backstage." Utos nito bago umalis. Napakamot na lang sa ulo si Seungcheol at pinaypay si Mingyu para lumapit na siya namang ginawa ng huli.
"Tara, dun daw tayo sa backstage. Nakita ata ni sir na mukhang mamamatay ka na sa upuan mo." Natatawang sabi ni Seungcheol na nakatanggap lang ng isang masamang tingin mula kay Mingyu.
Pumunta ang dalawa sa backstage sa bandang kaliwa kung saan ang standby area na naging 'bihisan area' ng mga lakan. Napalunok na lang si Mingyu at ipinagdasal na sana nakapagbihis na si Wonwoo.
Pagpasok nila ay halos malaglag sa sahig ang panga ni Mingyu ng makita si Wonwoo'ng nakasando lang at naghahanda para isuot ang hawak nitong polo. Ang OA lang pero yaan na natin si Mingyu.
"Ayy saglit lang, mga repa. Naihi ako bigla." Sabi ni Seungcheol bago iniwan ang dalawa sa loob ng apat na kanto ng kwarto.
Halos murahin ni Mingyu si Seungcheol sa isip niya dahil sa ginawa nitong panggigipit sa kanya. Napahawak siya sa batok bago ibinaba ang tingin upang iwasan ang malaking distraksiyon sa harap niya na tinatawag ding Jeon Wonwoo.
"Uh... P-pwede bang patulong dito?"
Napaangat ang tingin ni Mingyu ng marinig ang boses na yun. Nahihiyang nakatingin sa kanya si Wonwoo habang pilit na inaabot ang likod. Gusto sanang mapangiti ni Mingyu sa 'cuteness' ni Wonwoo pero naalala niyang nasa loob pa rin sila ng apat na pader ng maliit na kwarto.
Lumapit si Mingyu kay Wonwoo at hinintay na tumalikod ito. Inayos niya muna ang kwelyo ng polo bago tinulungan si Wonwoo na iperdible yung sash nito. Pagkatapos ay bahagyang hinila ni Mingyu ang polo ni Wonwoo para ayusin. Napangiti siya. Hindi niya alam pero may sense of fulfillment siyang naramdaman matapos makitang ayos na ang lahat.
Biglang humarap si Wonwoo sa kanya kaya bahagya silang nagulat sa lapit nila sa isa't isa. Napahakbang naman pabalik si Mingyu.
"Uhm... Salamat." Sabi ni Wonwoo habang kunwari'y nakatingin sa ma sapatos.
Napailing naman si Mingyu bago lumapit at iangat ang baba ni Wonwoo na nagpalaki sa mata ng huli.
"Hindi mo dapat 'to binutones." Sabi ni Mingyu bago in-unbutton ang unang butones sa polo ni Wonwoo. Napalunok si Wonwoo ng makita kung gaano sila kalapit sa isa't isa.
Napahinga si Mingyu ng matapos niayng gawin ang ginagawa bago humakbang paatras.
"Uh, text na lang kita?" Sabi ni Mingyu at akmang lalabas na ng kwarto ng pigilan siya ni Wonwoo.
"Uhm, wala akong load." Nakayukong sabi nito na nagpangiti kay Mingyu.
Tumangi tango na lang si Mingyu bago umupo sa isang upuan sa loob ng kwarto. Umupo din si Wonwoo sa kabilang side ng kwarto at humarap sa salamin kahit na wala naman talaga siyang pakialam sa itsura niya.
Hindi alam ni Mingyu kung bakit parang nawala lahat ng hiya niya sa katawan at nandito na siya ngayon habang nakatitig kay Wonwoo pero mas gusto niya ang ganto. Nakucute'an kasi siya kay Wonwoo sa tuwing magbablush ito kaya isinatabi niya na talaga ang hiya at awkwardness.
"Ang sweet niyo ni Chelsea kanina." Sabi ni Mingyu. Napatingin si Wonwoo sa kanya sa pamamagitan ng salamin.
"May gusto ka ba sa kanya?" Diretsahang tanong ni Mingyu ng hindi sumagot si Wonwoo sa tanong niya.
"Ano naman sayo kung meron o wala?" Tanong ni Wonwoo bago tuluyang nilingon si Mingyu. Inkot nito ang upuan para maging magkaharap na talaga sila.
Napailing lang si Mingyu bago naglean in.
"Gusto ko lang malaman."
"Para saan?"
"Para malaman ko kung may chance ako o wala."
∞
A/n: walang consistency si Mingyu sa chapter na 'to nyeta.
BINABASA MO ANG
Secretly an Assassination Expert
Short StoryIn which Kim Mingyu is an assassin in disguise and Jeon Wonwoo desires to debut in the criminal world. [Epistolary]