58

392 14 0
                                    

5 years after

"Congratulations sa atin! Sa wakas, graduate na rin tayo! Whoooooo!" Masayang sabi ni Seungcheol bago masayang nagtatatalon habang hawak-hawak ang mga balikat ni Wonwoo at Chelsea na parehong nakangiti.

"Punta kayo sa bahay, a? May party mamaya." Nakangiting sabi ni Chelsea na agad namang sinang-ayunan ni Seungcheol.

"Ikaw, Wonwoo? Pupunta ka ba?" Tanong ni Chelsea dito.

"Hindi ako sigurado." Pinilit ni Wonwoo na ngumiti sa mga ito. Agad ding nawala ang ngiti sa labi ng dalawa niyang kaibigan bago siya niyakap ng mahigpit.

"Iniisip mo pa rin ba siya? Tatlong taon na ang lumipas, Wonwoo." Malungkot na sabi ni Chelsea.

"Hindi, Chels. May gagawin lang kasi talaga ako mamaya."

"Loosen up, Woo! Di ka ba masaya na tapos na tayo ng pagaaral? Baka 'pag may mga trabaho na tayo, hindi na tayo magkita-kita pa lalo na at abogasya pa ang kinuha mo!" Sabi ni Seungcheol.

"Oo na nga. Sasama na. Ang kulit niyo, e." Natatawang sabi ni Wonwoo bago inayos ang mga gamit.

"Tara, picture! Para may pangprofile ako sa Facebook!" Masayang sabi ni Seungcheol habang hawak hawak ang camera nito. Masayang nagpose si Chelsea at Wonwoo pati na rin si Seungcheol para sa picture.

Pagkatapos pa ng ilang minuto ay nagsiuwian na rin sila. Nasa loob na naman ng walang buhay niyang bahay si Wonwoo. Napakatahimik. Kahit ang sarili niyang mga yabag ay hindi niya marinig. Napabuntong hininga siya bago pumasok ng banyo para maligo at maghanda para sa party ni Chelsea.

Tatlong taon na rin pala ang lumipas. Hindi ko napansin. Nasabi niya sa kanyang isip. Napapikit siya ng tumama ang mga butil ng tubig mula sa shower papunta sa mukha niya. Kasabay ng pagtulo ng tubig ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak. Siguro kasi may hinahanap-hanap siya. Siguro kasi umasa siyang may isang particular na tao ang babati sa kanya para sa pagtatapos niya. Siguro kasi hindi dumating ang taong 'yun.

Hindi niya alam. Hindi niya na alam. Sa loob ng tatlong taon na wala ito, hindi niya napansin na para pala siyang unti-unting namamatay dahil wala ito sa tabi niya.

Matagal nang gumaling si Wonwoo. Talagang nakatulong ang pagbisita niya sa psychologist sa ikabubuti ng mental health niya. At siguro, dahil naging masaya siya piling ni Mingyu ng mga oras na 'yun. Akala niya nga wala ng katapusan 'yun, e. Akala niya lang pala.

Napabuntong hininga si Wonwoo bago lumabas ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya ang pangibabang bahagi ng katawan. [a/n: putangina]

Tiningnan niya ang sarili sa isang malaking salamin sa loob ng kwarto niya. Hindi na siya ganon kapayat. Medyo toned na ang muscles niya at nagsisimula ng magform sa tiyan niya ang mga abs [a/n: aAAAAAAAAa auq na someone halp]

Hindi lang ang mental health niya ang lumusog. Pati na rin lahat ng aspeto ng pagkatao niya. Social, physical, emotional lahat 'yun ay maayos at stable na.

Ewan ko lang dun sa pinakahuli.

Napabuntong hininga uli si Wonwoo bago nagsimulang maghanap ng susuotin sa closet niya. Kumuha lang siya ng casual na itim na vneck shirt, itim na pantalon, at underwear. Magsisimula na sana siyang magbihis ng biglang may narinig siyang kaluskos sa bintana.

Saglit na kinabahan si Wonwoo. Lumapit siya sa bintana at tiningnan kung may tao ba dito. Wala siyang nakita. Naisip niya na baka napaparanoid lang siya. Napabuntong hininga siya bago naisipang magbihis na dahil tuwalya lang talaga ang suot niya.

Haharap na sana siya ng bigla siyang may maramdamang pares ng mga braso na yumakap sa kanya. Ipinatong pa ng kung sinong taong nakayakap sa kanya ang baba nito sa balikat niya.

Sisigaw sana si Wonwoo at magpupumiglas ng maamoy niya ang pamilyar na pabango nito. Nagsirko-sirko sa loob ng dibdib ni Wonwoo ang puso niya. Ipinikit niya ang mga mata niya upang mapigilan ang pagpatak ng luha gaming sa mga mata niya.

"Happy graduation, baby."

Dito na tuluyang tumulo ang luha galing sa mga mata ni Wonwoo. Idinilat niya ang mga mata at tinanggal ang mga kamay ni Mingyu sa tiyan niya bago hunarap dito.

"Bakit ngayon ka lang?" Namamaos na tanong niya dito. Ngumiti lang ito bago hinalikan sa noo si Wonwoo at ikinulong uli sa isang yakap. Napaiyak na ng tuluyan si Wonwoo bago niyakap pabalik si Mingyu.

Mga ilang minuto din silang tumagal sa ganoong posisyon bago nagsimulang humatsing si Wonwoo. Marahang natawa si Mingyu.

"Sisipunin ka na niyan. Magbihis ka na nga." Sabi nito at humiwalay sa yakap nila.

"Pero kung gusto mong magpainit..."

"Tigilan mo ako, Mingyu. Pupunta pa ako kila Chelsea." Naiiling na sabi ni Wonwoo bago nagbihis sa harap ni Mingyu [a/n: putangina talaga]. Nakangiti lang siyang pinanuod ni Mingyu bago umupo sa kama.

"Iiwanan mo akong magisa dito?" Nakangusong tanong ni Mingyu matapos magbihis ni Wonwoo. Saglit siyang tiningnan ni Wonwoo bago lumapit sa kanya.

"Saglit lang ako dun. Promise."

Humarap si Wonwoo sa salamin at nagsimulang ayusin ang sarili. Tumayo si Mingyu mula sa pagkakaupo at binack hug na naman si Wonwoo.

"Nagtake ka ng Law?" Tanong ni Mingyu na bahagyang ikinatigil ni Wonwoo.

"Oo."

"Ah."

Bang matapos magayos si Wonwoo, kumalas na siya sa back hug ni Mingyu at saglit itong hinarap.

"Noon, ang sabi mo, ikaw ang bahala sa ating dalawa, diba?" Sabi ni Wonwoo bago hinawakan ng dalawang kamay ang mga pisngi ni Mingyu.

Ngumiti si Mingyu bago tumango.

"Ako naman ang bahala sa atin ngayon. Lilinisin ko ang pangalan mo, Mingyu."


Secretly an Assassination ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon