E P I L O G U E
Secretly an Assassination Expert
· · ·"Wakey wakey, sleepyhead."
"Mmm... Mingyu, maaga pa."
"Come on! Breakfast is ready. Samahan na natin kumain si Minwoo."
Dito na bumangon si Wonwoo bago kinusot ang mga mata.
"Oh shit! First day of school nga pala ni Minwoo!" Nagmamadaling bumaba ng kama si Wonwoo at dumiretso sa cr para maghilamos.
Natatawang napailing na lang si Mingyu sa asawa. Lumabas siya ng kwarto at umupo na sa kabisera ng hapag kainan at sinandukan ng kanin si Minwoo na ikinasimangot ng huli.
"Dad, i don't eat kanin for breakfast. I'm good with a bowl of cereals." Sabi ni Minwoo bago kinain ang cereal na nasa mangko at itinabi ang platong may kanin.
"Kids these days. Ano namang lakas ang makukuha mo sa pagkain niyan?" Napapailing na sabi ni Mingyu bago nagsandok uli ng kanin at nilagyan ang plato ni Minwoo.
Napailing na lang ang bata. Tsaka naman dumating si Wonwoo na bagong bihis na. Umupo ito sa upuan katapat ni Minwoo at binati ito ng good morning.
"Morning, pa."
"Won, anong gusto mo? Bacon?" Tanong ni Mingyu. Siya na rin ang nagsandok ng kanin at inilagay ito sa plato ni Wonwoo.
"Yes, please." Sagot ni Wonwoo bago nginitian si Mingyu.
Nagsimula ng kumain ang buong pamilya (a/n: pamilya im crying) bago naisip magtanong si Wonwoo.
"Kinakabahan ka ba? First day ng school ngayon." Nakangiting tanong ni Wonwoo sa anak.
"Pa, nasa sixth grade na ako."
Napatango-tango na lang si Wonwoo bago ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos kumain ay sabay-sabay ng sumakay sa kotse ang tatlo, si Mingyu sa driver's seat, si Wonwoo sa passenger's at si Minwoo sa backseat. Hinatid muna ni Mingyu at Wonwoo si Minwoo sa school bago nagdrive ang una papunta sa office ni Wonwoo.
"Ang laki na ni Minwoo, ano?" Nakangiting tanong ni Wonwoo. Napangiti na rin si Mingyu.
"Akalain mo nga namang nasa sixth grade na. Naalala ko dati, ako pa ang nagpapalit ng diaper non." Natatawang sabi ni Mingyu. Natawa na rin si Wonwoo.
"Remember that time na nagpasabog si Minwoo sa loob ng court? Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko."
Sabay na natawa ang dalawa. Pinagkuwentuhan lang nila ang kabataan ni Minwoo hanggang sa makarating na sila sa opisina ni Wonwoo.
"Are you sure na ayaw mong magstay dito?" Tanong ni Wonwoo ng tumigil na sila sa tapat ng building ng office niya.
Tinanggal ni Mingyu ang seatbelt ni Wonwoo bago ito hinalikan sa labi.
"Walang bantay sa bahay, e." Sagot ni Mingyu.
"Kaya na ng bahay ang sarili niya. Dito ka na magstay." Hindi na hinintay pa ni Wonwoo ang sagot ni Mingyu at lumabas na ng kotse. Hinintay niyang makapagpark ng maayos si Mingyu bago ito nilapitan.
"Tara na."
Napangiti na lang ang dalawa at sabay na naglakad papasok ng building habang magkahawak kamay.
"I love you, Woo."
"I love you, too, Gyu."
⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛
∞ E N D ∞
Date ended: June 2, 2018
3.50pm
BINABASA MO ANG
Secretly an Assassination Expert
Short StoryIn which Kim Mingyu is an assassin in disguise and Jeon Wonwoo desires to debut in the criminal world. [Epistolary]