48

338 9 1
                                    

Mingyu's eyes never left Wonwoo's figure. Pinapanuod niya lang itong nakahiga patalikod sa kanya sa kama ng infirmary. Kanina pa nalinis ng nurse ang mga sugat niya pero hindi pa siya umaalis upang mabantayan nga si Wonwoo.

Noong nakita niyang pinadapo ni Chan ang kamao nito sa pisngi ni Wonwoo, bumalik ang pakiramdam na matagal niya ng ibinaon sa limot. He suddenly wanted to strangle anyone. Hindi na siya nakapagpigil at nakipangbuno kay Chan. Walang balak na tumigil si Mingyu but he saw how Wonwoo looked at him emotionally while seated on the floor kaya mas mabilis pa sa alas cuatro'ng lumapit siya dito at hinila ito paalis ng cafeteria.

Wala namang pakialam si Mingyu sa mga teachers o staffs ng school kung magalit sa kanya. Wala rin siyang pakialam kung ibagsak siya ng mga ito. Pangalawang paghahigh school niya na 'to at matagal na siyang tapos dito. Kaya lang naman siya pumapasok ay para sa dalawang dahilan;
1. To hide
2. Wonwoo.

Napabuntong hininga si Mingyu bago bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Iniisip niya pa rin si Seungcheol dahil wala pa ni anino nito na pinabili niya lang ng ice cream para kay Wonwoo. May nakapagsabi kasi'ng ang ice cream daw ay nakakagaan ng pakiramdam.

Napatingin siya sa cellphone ni Wonwoo na hawak-hawak niya. Pinatabi muna iyon sa kanya ng nurse dahil mukhang wala ng pakialam dun si Wonwoo. Pagkapasok nila ng infirmary ay humiga lang ito sa kama at tumalikod sa kanila. Saglit lang nila itong napilit humarap para lang gamutin ang sugat nito sa gilid ng labi.

Nagpanic si Mingyu ng nakita niyang umaalog-alog ang mga bakikat ni Wonwoo. Agad siyang napalapit dito para tanungin kung akong nangyari pero hindi ito humaharap sa kanya.

Narinig niya ang mahihinang hikbi nito na nagpadurog sa puso niya. Kahit siya ay nangingilid na rin ang mga luha kahit naririnig niya lang ang mga hikbi ni Wonwoo. Hinaplos niya ang balikat nito para pagaanin ang loob nito pero mas lalo lang lumakas ang mga hikbi nito.

Napabuntong hininga si Mingyu bago humiga sa kama at hinarap si Wonwoo sa kanya bago ito mahigpit na niyakap. Nabasa ang dibdib niya dahil sa mga luha ni Wonwoo pero wala na siyang pakialam. Ang gusto niya lang gawin ay samahan ito, damayan, hanggang sa gumaan ang loob nito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito bago ito binigyan ng isang halik sa noo.

Para bang may mahika ang halik na 'yun at napalitan na lang ng pagsinghot-singhot ang mga hikbi ni Wonwoo. Kumapit ito sa damit niya bago mas lalo pang isiniksik ang sarili sa katawan ni Mingyu.

At ilang minuto pa ay pumayapa na ang paghinga ni Wonwoo. Nakatulog ito dahil sa pagiyak. Isa pang halik ang iginawad niya sa noo nito bago maingat na bumaba sa kama. Masyadong maliit ang mga kama sa infirmary at baka mahulog pa silang dalawa kung hindi siya aalis. Mukhang naramdaman ni Wonwoo ang pagalis niya kaya mabilis niyang hinawakan ang mga kamay nito para ipaalam na nanduon pa rin siya.

Nakatulog na ng mahimbing si Wonwoo at naiwan si Mingyu'ng pinagmamasdan ang maamo nitong mukha na may mga mantsa ng luha.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Seungcheol dala ang isang supot.

"Gyu, eto na yung ice cream, o." Iniabot nito kay Mingyu ang ice cream bago tiningnan ang natutulog na si Wonwoo.

Umupo ito sa tabi ni Mingyu at tinitigan si Wonwoo.

"Bakit andito ka pa?" Tanong ni Mingyu dito.

"Sabi ko kasi inutusan akong pumunta dito. Dito muna ako, ang boring sa klase." Sabi ni Seungcheol bago nagkibit balikat.

Tumango na lang si Mingyu.

"Si Chelsea nga pala?"

"Ayun, malungkot dun sa room. Feeling niya raw kasalanan niya lahat. MU na pala sila ni Chan tapos binoypren niya pa 'tong si Wonwoo. Ewan ko ba naman sa inyo. Ang gulo niyong lahat." Naiiling na sabi nito.

"Nagpapanggap lang sila, hyung, para tigilan ko na si Wonwoo." Sabi ni Mingyu na ikinalaki ng mata ni Seungcheol.

"Hala! Kailan mo pa nalaman?!" Tanong ni Seungcheol.

Nagkibit balikat si Mingyu bago sumagot.

"Nung sinabi nilang sila na. Halata naman na nagpapanggap lang sila."

"E, bakit may palungkot lungkot effect ka pang nalalaman."

"Wala lang. Naisip ko lang na kailangan pang magsinungaling ni Wonwoo para lang tigilan ko siya. Hindi ko naman gagawin yun, e. Hindi ko na siya titigilan."



Secretly an Assassination ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon