Chapter XI : Unexpected

4K 210 67
                                    

Third Person's POV





Bumalik na sina Nicah at Riza sa pwesto ng mga kasama nila. Walang ganang umupo si Riza sa tabi ni Denise. Nilingon ni Jerome si Riza bago tumayo.



"Freak" sabi ni Jerome bago siya pumunta sa tent nila.

"Talaga naman oh. Sige rest muna tayo," sabi ni Denise

"Yeah. You are right. We will begin later," sabi naman ni Clark at tumango silang lahat.







[One Hour Later]





Lumabas si Nicah sa tent ng mga girls. Nakita ni Nicah na nasa labas na silang lahat at nag-aayos





"Ano? Iiwanan ka na namin?" tanong ni Zhen habang nag-aayos ng gamit

"Duh. Kasalanan ko pa ba kung late ako nagising? Wala kasing gumising sakin eh." sabi ni Nicah at inayos ang mga gamit niya.

"Tara. Para mahanap natin siya ng maaga," sabi ni Clark at tumango naman sila 






Nicah's POV




Naalala ko ang sinabi ni Riza na alam niya kung sino ang Princess of the South but I can tell that Riza is not that sure.





"Let's split up," sabi ni Zhen at lumapit naman kami sa kaniya.

"Riza, Nicah and Jerome sa left side kayo," sabi ni Zhen at itinuro niya ang daan

"Denise at Clark sa right side naman tayo." sabi ni Zhen at tumango sila.

"Aisshhh. Bakit siya na naman?" tanong ni Jerome at itinuro si Riza. Ayaw ba niyang tumigil? Nakakainis, panay reklamo kasi.

"Complaining?" tipid na tugon ni Zhen pero para kay Jerome ay natamaan siya kaya natakot agad at hindi nakapagsalita. 





Riza likes Jerome. Well, hindi ba yun obvious?





"If isa sa ating grupo ang makakahanap sa Princess. Message right away. As in, agad-agad okay?" Pagtitiyak na wika ni Zhen

"Kung alas-singko na at hindi pa natin siya nahahanap. Let's go back to our place," sabi ni Zhen at tumango kami

"Understood?" Para siyang leader. Pero, I can feel that he can lead us well.




Naghiwalay na ang grupo ng landas. Nasa harap si Jerome habang kami ni Riza ay nasa likod niya.





"Huwag kayong hihiwalay," babala ni Jerome sa amin.

"Nga pala Jerome. Kilala mo ba kung sino ang Princess of the South?" tanong ko habang naglalakad at muntik ko nang mabunggo si Jerome dahil tumigil siya.

"She is----" Hindi na naituloy ni Jerome ang sasabihin niya nang may narinig kaming sigaw sa di kalayuan kaya napatakbo kami agad kung saan ito nanggagaling.




Naririnig pa rin namin ang sigaw pero wala kaming maaninag. Nasa dulo kami ng forest nang may nakita kaming isang bahay sa ibabang parte.




"Tara." Naunang bumaba si Jerome at sumunod naman kami. Tumakbo kami pababa at nilapitan namin ang isang bahay. May nakita kaming babae na nakadestida at nang malapitan naman ay nakita naming nakahandusay sa sahig. Nakatali ang mga kamay at natakpan ng tape ang bibig niya.




"Clara!" Nabigla ako sa sigaw ni Jerome. Wait, what?! The Princess of the South is Clara? So, tama ang hula ni Riza. 




Lumapit rin ako para tulungan si Jerome na tanggalin ang pagkakatali sa mga kamay ni Clara. Mahigpit na niyakap ni Jerome si Clara habang umiiyak si Clara





Masasabi kong magand si Clara pero syempre love yourself. Mas maganda ako.




"Okay ka lang ba? Wala ba silang ginawang masama sayo?" tanong ni Jerome habang tinitignan niya kung may pasa ba si Clara o wala.

"Nicah, tawagan mo sina Zhen. Dali," utos ni Jerome sa akin at nilabas ko naman ang phone ko

"Denise. We found her. Narito kami sa ibabang parte forest," sabi ko agad nang sagutin ni Denise ang tawag ko

"Okay. Papunta na kami riyan. Hintayin niyo kami," sabi ni Denise at ibinaba na namin ang call

"On the way na sila. Tara lumabas na tayo," sabi ko at binuhat naman ni Jerome si Clara




Bigla akong napahinto at nakaramdam ng may kakaiba o kulang.


"Riza. Tara na sa labas." Walang akong narinig na tugon

"Riza? Riza?!" sigaw ko. Nawawala si Riza. Where the heck is she?





Lumabas ako sa bahay at hinabol si Jerome.



"Jerome! Nawawala si Riza," sigaw ko sa kaniya

"Oh. Great. Siya naman na ang nawawala," narinig kong sabi ni Jerome

"Ang alam ko nasa tabi ko lang siya kanina," sabi ko at nagsimula na kaming mag-alala

"Pinagsabihan ko na ngalang kayo na huwag humiwalay eh!" inis na bulyaw ni Jerome




Alam iyon at hindi naman kami basta-bastang hihiwalay dahil takot din kami.



"Hindi nga natin alam kung paano siya nawala eh," sabi ko sa kaniya. Hinahanap pa rin namin si Riza pero hindi namin siya mahanap.




Dumating na sina Zhen, Denise at Clark. Napasigaw sila nang masabi kong nawawala si Riza. Binilisan namin ang paghahanap kay Riza kaya panay ang sigaw namin sa pangalan niya.





Habang hinahanap ko siya ay nakita ko ang kwentas ni Riza sa kung saan kami bumaba.Bago pa lang kami makapasok ay wala na si Riza sa tabi namin. Nagmadali akong lumapit sa kanila




"Hey guys! Kwentas ito ni Riza," sabi ko habang hawak-hawak ang kwentas ni Riza

"That means--" Hindi na naituloy ni Clark ang sasabihin niya nang may nagsalita sa likod namin

"Try to escape or else I'll kill this beautiful lady." Mabilis naming nilingon ang lalaking nagsalita at napansin naming nakamaskara ito.


































"Riza!"



















Princess Clara Tyvel ; Princess of the South




Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon