Denise's POV
Iba na kung kumilos si Nicah ngayon. She is different today. What is happening? Nilingon ko si Nicah na walang emosyon ang mukha at nakatingin lang sa harap.
Si Riza naman ay naiinis na kay Leo dahil kinukulit siya. Nasa gitna ako nina Nicah at Riza kaya ang isa kong tenga ay dudugo na ata dahil sa ingay nilang dalawa ni Leo.
Grrrrr.
"Now, please be quiet and wait for the headmistress," sabi ng isang teacher namin na nasa entablado kaya tumahimik na kami. Buti naman, makakarelax na ang tenga ko.
Gusto kong kausapin si Nicah kaso lang baka kung ano ang mangyari sakin. Baka mangyari sa akin ang nangyari kay Gabby. Hindi ako natatakot kay Nicah kundi ayokong baliw noh.
"Nicah, are you okay?" Ang lakas ng loob kong magtanong noh? Pero hindi agad sinagot ni Nicah ang tanong ko kaya tumahimik na lang ako.
Ang awkward.
"Why? Parang hindi ba?" Biglang nagsalita si Nicah kaya tumingin ako sakanya. Pagkalingon ko sa kaniya ay nakatingin siya sa akin kaya bigla kong iniwasan ang mga mata niya.
Naghintay ako ng ilang segundo pero himala hindi ako naka-experience ng illusion kaya sinubukan kong tumingin sa kaniya. Nahinayang ako dahil nakatingin na siya sa harap. I want to confirm something.
"Nicah, humarap ka nga sa akin." Ang lakas ng loob ko talaga. Hindi siya agad tumingin sa akin.
"What's your problem?" tanong sa akin ni Nicah habang nakatingin sa akin. Nagkatitigan na kami pero she didn't illude me. Bakit si Gabby lang ang nakaranas ng ilusyon kanina kung yun din naman ang abilidad niya?
"Uhmmm. Wala naman pero nakapagtataka lang kasi. Ano nakain mo? Tsaka yang mata mo kasi," sabi ko sa kaniya habang itinuro ang mata niya kaya napakunot siya ng noo.
"Riza, mirror mo nga," sabi ko kay Riza at kinuha niya ang mirror sa kaniyang bag. Ibibigay na niya sana sa akin nang mahulog niya.
Lumaki ang mata ko dahil mababasag na ang salamin ni Riza at dahil sa takot ay hindi ko na nagamit ang power ko.
"No way. My eye." Rinig kong sabi ni Nicah kaya binuksan ko ang aking mga mata at nagulat ako nang makita kong hawak-hawak ni Nicah ang salamin.
Mababasag na sana yan kanina at imposibleng masasalo pa namin ito pero paano napunta sa mga kamay ni Nicah? Dahil sa abilidad niya kaya at kung oo, ano ang abilidad niya? Nagkatitigan kami ni Riza at tumango kami sa isa't-isa.
"Nicah, let's see headmistress later na lang and ask her," sabi ko sa kaniya at tumango siya. Parehas lang ba kami ng power? Pati silang dalawa ni Gabby ay magkaparehas?
"Good evening everyone. Let us all stand to welcome Headmistress Lorraine." Tumayo na kaming lahat at pumalakpak. Kakarating lang kasi ni headmistress galing sa isang meeting.
"Good evening. Tonight, we are going to announce the top fifteen who will join Special M," sabi ni headmistress. Kinabahan ako bigla nang masabi iyon ni headmistress.
BINABASA MO ANG
Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]
FantasíaMystique Academie is where you can find students with special abilities. Most of the students who are studying here are royals. Mystique Academie will challenge and help them control their abilities. What if nag-aaral ka rito pero hindi mo manlang a...