4. Be Back

68 0 0
                                    

Wait what? Uuwi na kami? Bumitiw ako sa pagkakayakap sakin ni mommy.

"As in bukas na, mom? Are you insane?!"

Pinaupo ko si mommy sa kama ko dahil inakay ko siya sa kwarto ko. Pinakalma ko siya, hindi ganito si mommy sobrang masiyahin niya. Hindi ko pa siya nakikitang umiiyak, well naiyak siya kapag may mga achievements ako sa school pero umiiyak dahil nagagalit siya sakin o dahil malungkot siya ay hindi ko pa naman nakikita. Ngayon pa lang.

"Tumawag ang uncle mo. Kailangan na natin umalis bukas."

"Mom, why do we need to go there? Sobrang kailangan ba talaga?"

Hinaplos ni mommy ang pisngi ko.

"We need to. Alexandria's things are already packed. Tayo nalang ang iniintay nila. Gagamitin natin ng private plane ng dad mo para mas mapabilis ang biyahe natin."

At doon ko napagtanto na hindi pala para sa ikakabuti ng pamilya namin ang pag-alis ng France kundi para tumakas sa kung anong pwedeng mangyari kay Alexandria.

Philippines

Lumapag ang eroplano na sinasakyan ng pamilya namin. Well, I own the plane. It's 12 noon at nagugutom na ko, ganito ba talaga kainit dito sa Pilipinas? I called Eizel bago kami umalis, sabi niya nasa bakasyon siya sa Boracay kasama ang parents niya. Nakasakay kami ngayon ni Ayi (Alexandria's other nickname) sa SUV ng daddy niya. Papunta kami ngayon sa estate nila sa Tagaytay. I feel uneasy, hindi kasi ako sanay sa lugar na 'to. Mas sanay ako sa ingay at liwanag ng France, ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki.

"Look, Lyndon! There's so many street dwellers in here. We should help them! Dad is powerful right? Maybe I should ask him something to help them!" Ayi said

'Yeah right, you're dad is powerful that's why I'm here.' I said on my mind

Inakbayan ko si Ayi na nakatingin lang sa bintana.

"Let's talk about that later."

Hapon na ng makarating kami sa Tagaytay. May nakahanda ng pagkain, ang mga tutulugan namin ay okay na din. Kami nalang ang iniintay. Sinalubong kami ng daddy ni Ayi, or should I call him Uncle?

"Daddy!" Sigaw ni Alexandria. She's happy, very happy.

"Princess! I miss you." Niyakap ni Uncle George si Ayi. Kasabay nito ay hinalikan niya ito sa ulo, mahal na mahal ni Uncle si Ayi pero mas mahal nila si kuya Kelly.

Speaking of kuya Kelly, hindi siya sumama samin. Naiwan siya don kasama ang butler niya, aalis din kasi siya don dahil babalik na siya sa States hindi ko alam kung bakit pero sabi niya bantayan ko daw si Ayi. Which is unusual kasi mas gusto niya na siya ang kasama ni Ayi sa lahat ng bagay. Hinalikan ni Mommy si Uncle sa pisngi at niyakap naman siya ni Dad. Malaki ang masyon, mas malaki sa bahay namin. Well, ang estate ng pamilya namin sa France malaki din, pero mas malaki ito. French ang interior at exterior ng bahay, dahil na din siguro sa gusto ng pamilya ni Ayi na nandon pa rin ang mga tradisyon ng pamilya. Makikita mo talagang ginastusan at pinaghirapan ang mansyon. Bago ka kasi makapasok ay katakot-takot na security pa ang makakasalubong mo, may ilog na naghihiwalay sa Main House at sa main gate.

Isang mahabang daan muna bago ka makarating doon at may concrete na tulay ka munang madadanan para matunton ang mansyon. Maaliwalas ang paligid, hindi tulad sa France na masyadong crowded dahil marami ang tauhan nila sa bahay. Nagpaalam ako na maglilibot muna sa loob, umakyat ako sa taas. Nahahati sa dalawang wing ang bahay, narinig ko kay mommy na sampu lang ang kwarto sa bahay na 'to. Naglakad ako papunta sa right wing, isang mahabang hallway ang dadanan mo, may apat na kwarto, pinasok ko ang isang kwarto sa kaliwa kulay pink, at nakita ko ang malaking litrato ni Ayi, may mga manika, at mga bookshelf sa loob. May malaking kama katapat nito ang isang pinto. Binuksan ko iyon at nakita ko ang walk-in closet ni Alexandria. Sa loob masasabi mo talagang kilala siya ng mga magulang niya. Lahat ng bagay na mahilig si Ayi ay nakadisplay, dagdag mo pa dyan ang sari-saring trophy at medals na naka-display sa isang part ng kwarto.

The Casanova's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon