Chapter 1

23 0 0
                                    

Laemen POV

"Nakung bata ka!!!sinabi ko na sayo na ngayon ako maniningil!!!" Umuusok na naman ang malaking butas ng ilong ng landlady

"Ganon ba??hehehe,Aling Ponchita hindi pa po kasi nagpapadala ang mga magulang ko ng pera" palusot ko pero totoo naman
"Nagpapalusot ka nanaman,noong isang araw mo payan sinasabi ahh,hooyy!!!kung wala kang pamabayad,pwede ka nang lumayas sa apartment ko!!" Sigaw niya sabay buka ng pamaypay at nagpaypay,
Medyo lumapit ako sa kaniya
Mainit kasi ehh,pinutulan pa naman ako ng kuryente
"Hehehe,pwede po bang next week uli??kasi-- hindi po talaga ako pinadalhan ehh....please po...kung gusto niyo kapag nagpadala si daddy dadagdagan ko pa po" paga- assure ko sa kaniya

"Kung hindi lang ako maawain,sige sa susunod na araw nalang kita sisingilin,pero siguraduhin mo ang bayad at ang sa dagdag" sabi niya tumango naman ako at agad na sinara ang pinto

Tumakbo ako papuntang kama ko
Agad,kong kinuha ang cellphone ko nanaka saksak sa power bank ko na malapit naring ma low bat
Agad kong tinawagan si daddy

"Dad,padala ka na ng pera" sabi ko agad ng masagot nya ang tawag
[Last month lang ako nagpadala ahh,]sabi niya
"Last month pa,kailangan ko ng pera para pambayad sa apartment at ng pang enroll ko sa bagong school ko" bored na sabi ko
[Laemen Monrie!!! Hindi kita papadalhan dahil sa sinabi mong lilipat ka naman ng school,ika ilang paaralan mo nato????!!!!] Sigaw niya sa kabilang linya

"Pang-apat palang,dad naman anong ipangbabayad ko sa apartment ko???" Inis na tanong ko
[Pang apat????!!!ano nanamang dahilan ahh???] Galit na sigaw niya

Psshh,iniiba ang usapan eh!!!

"Wala ka na don!!! Hindi mo rin naman ako bibigyan ng pera mo!!! Yun na nga lang ang matutulong mo tapos ganyan ka pa!!!anayin sana ang pera mo kasama na yang bahay mo at pamilya mong walang kwenta!!!" Sabay baba ng tawag,hindi ko na siya hinintay pang sumagot
Pera na nga lang ang kaya niyang ibigay eh
Yes,tama kayo
May pamilya na siyang iba,nasa ibang bansa sila nakatira,6 ako ng maghiwalay sila ng ina ko
Dahil may pinag awayan sila na babae,you know babaero yang ama ko,
Business man din yun,ang daming pera pero ang damot damot!!psshh
Iniwan ako ng tatay ko sa nanay ko at sumama sa babae niya,

Nagpapadala lang yun ng pera sa amin ng nanay ko
Pero yung nanay ko naman winanwaldas ang pera para sa kalandian niya

At sa huli nagsama sila ni mommy at ng jowa niyang mukhang Pera
Kaya nong mag 14 ako ay umalis na ako don at nag palipat-lipat ng apartment ,nakakasawa kaya ang pagmumukha nila at invisible rin naman ako sa kanila kaya mas mabuting umalis nalang

By the way,Laemen Monrie Villafuerte,17 y/o na
Tatawagan ko nanaman ang nanay kong mayaman rin,only child nila ako pero may mga anak narin sila at wala na akong paki don,bahala sila sa buhay nila basta pera lang yung akin
Dahil kahit kailan hindi rin naman nila ako kinilalang anak kaya mas mabuting wag nalang umasa

[Kailangan mo??] Mataray nasabi ng mommy ko. Note the sarcasm
"Pera,ano pa bang kailangan ko??"Sabi ko
[Last week lang ako nagpadala ah] sabi niya
"Ubos na,pera lang ang kailangan ko wag ka nang chumika," sabi ko ulit
[Aaiiissshhh!!!don ka sa tatay mong babaero!!!]
Inis niyang sabi

"Wag ka ngang magbitteran jan!!!pera nga!!! Hindi ako binigyan,pang eroll ko pa,at pambayad sa apartment " kaswal na sabi ko
[Lumipat ka nanaman???!! Dahil jan wala kang makukuhang per-----] pero natahimik siya ng magsalita ako
"Shut up,pagiging financer na nga lang ang matutulong mo eh,
Tandaan mo,pwede kong makuha ano mang oras ang kumpanya----na pinagkukunan ng pera niyo"
Sabi ko natahimik siya sa kabilang linya
[O-okay,ako nang mage-enroll sayo,at magbabayad ng apartment mo] binaba ko na ang tawag
Haayy,mukhang pera!!
May bussiness sina lolo at lola-- sa mother's side ko
Very close ako sa kanila,
Mas close ko pa nga sila dati kesa sa pamilya ko,
Tapos noong mag 8 ako ay nagkasakit si lola,
Ako at si lolo lang ang nagbantay kay lola,tapos si mommy naman
Ni minsan hindi bumisita,
Dalawa ang anak nila lola kaso ang isa ay may bussiness na rin,
Hindi rin nakabisita kasi nga busy

Namatay si lola,dahil sa pagkamatay ni lola ay nagkasakit rin si lolo

Hindi ko alam na ang last will and testament niya ay sa akin ipapamana ang kumpaniya
Nang namatay si lolo tska ko lang nalaman,
Bata pa ako non kaya kay mommy ko muna pinahawak,
Actually pwede ko na yung kunin sa kaniya ano mang oras ko gusto ngayon
Isang tawag ko lang sa lawyer ni lolo ay malilipat na sa akin
Yun nga lang iniisip ko na masyado pang kunti ang nalalaman ko para makapg handle ng isang business
Maybe pag nakagraduate na ako
Tsk,kaso matatagalan pa yun,haayys
Sisiryosohin ko nalang siguro ang pag-aaral kapag mag collage na ako,
Mas masayang mag pakasaya muna
Maya-maya pa ay nakatulog na ako,
Mga bandang 3:00 pm ay nagising ako
Sabado pala ngayon
Bumaba ako sa apartment ko at pumunta sa bahay ng landlady
"Aling Ponchita nakabayad na ba si mommy??" Tanong ko sa kaniya
Naka upo siya sa rocking chair niya
"Aah,oo naka pangdamit yaya ang nag-abot sa akin" aniya
Asa naman ako na pupunta yun dito,kita niyo yaya pa nila ang pinapunta niya
"Ganon po ba" sabi ko
"Ay,may pinabibigay pa siya
Eto envelope at eto,pera siguro laman niyan" sabay abot ng dalawang envelope,white at brown envelope
Aba't naka ngiti na siya ah,
Haay may pera na kasi kaya masaya
Pppssshhh

"Geh,alis na ako" sabay alis
Bumalik na ako sa partment kong,pipitsugin

Tiningnan ko ang laman ng isang white envelope
Siyempre
Pera muna ang unahin
Binilang ko ito
30 000
Okay na to  nilagay ko sa wallet ko yung iba,tapos yung iba naman sa drawer ko namay lock
Ang brown envelope naman ang chineck ko
                Cliffia University
Rules and Regulations
Blah,blah,blah,blah

Aahh sa Cliffia pala,pero teka saan ba yun???
Chineck ko muna ang cellphone ko,
Naka charge na ito,may kuryente na kasi
Inopen ko ang goggle
Cliffia University
Madami namang lumabas na results
Ang arte din nito ah
Pangmayaman pala to
Tapos...aba,
Marami ring anak ng politiko,businessman,artista at kung ano-ano pa ang nag-aaral dito
Puro anak mayaman lang ang nakakapasok,at kung may mahirap man ay mga scholars lang
10 lang ang scholars sa paaralang ito
Ang paaralang ito ay pag-aari ni
Mr. Rodeo Villegas
67 y/o na siya ngayon at ang anak nalang niya ang nagmanage ng paaralan at mga negosyo nila
Ang anak niya ay si Ruel Villegas
42 y/o.

Tsk, tinatamad na ako magbasa kaya inexit ko nalang
Tiningan ko ulit ang laman ng brown envelope
Name:Laemen Monrie Villafuerte
Age:17
Blah blah blah
Mother:deceased
Father:deceased
Yes,tama yang binabasa niyo
Deceased ang nakalagay
Umpisa nang nagkahiwalay sila ay pinrocess na nila ang mga papeles ko,para ma protektahan sila
Dad,have his new family now
Mom,have her family too
Kaya minabuti nilang
Patayin na ang sarili nila sa NSO ko
Tsk
Tumayo na ako,mamimili pa ako ng damit para sa pag pasok ko mabuti nalang at walang school uniform
Kaya bibili nalang ako ng jeans at mga t-shirts ko
Haaysstt....
Another BORING Day for me

Those SevenWhere stories live. Discover now