Laemen's POV
"Oh? Buhay ka pa pala?" Natatawang tanong ng lalaki
Hinang hina na ako! Hindi kasi nila ako pinapakain ng kanin...noodles lang at isang beses lang yun sa isang araw...Araw araw din nila akong binubogbog.
Putangina!! Babawi ako!
"Limang araw ka ng nandito pero buhay ka parin! Ang tapang mo!"
Sabi naman ng isaHuminga ako ng malalim, hindi naman ako makakapagsalita dahil may takip ako sa bibig.
"Alam mo yan ang gusto ko sa babae...mga matatapang!" Nagngisihan naman sila
"Gago! Bawal! Sabi ni madam,wag nating gagalawin yan! Bugbugin lang natin!"saway ng isa. Tatlo kasi silang nagbabantay sa akin"Ibigay mo na kasi ang hinihingi ni madam! Matigas kasi ulo mo! Kaya magtiis ka diyan!!" Sabay sipa niya sa tiyan ko.
Napasuka naman ako ng dugo dahil sa sakit.
Punong-puno na rin ako ng dugo.
Sini bang hindi? Ikaw kaya bugbugin sa loob ng limang putanginang araw?!Marami na rin akong bali sa buto...ramdam ko yun! Lalo na ang sa kaliwang tuhod ko at kanang braso ko. Minsan kasi tinutulak-tulak nila ang upuan kaya natutumba kasama ko.
"Tama na muna sa pre...labas muna tayo! Yosi!"
"Tara!!"
"Maiwan ka! Walang magbabantay diyan!"
"Hindi naman yan makakatakas! Tignan mo nga yan oh!"
"Sabagay! Tara!"Nang makalabas na sila ay naghanap ako ng pwedeng gawin para makaalis dito.
Nagpumiglas ako... Pero hindi umubra!
Pinlit kong kumawala ang kamay ko pero wala parin!
Nilibot ko ang paningin ko at naglanding iyon sa mesa.
May kutsilyo don!!
Pero ang problema napakalayo ng distansiya!
Shit!! Baka makabalik na sila!Nag-isip ako ng ibang paraan...at mabuti naman gumana ang utao ko ngayon
Writer's POV
Umupo ng maayos si Laemen at pilit na paalisin ang upuan sa pwesto nito. Kahit hirap na hirap na ay pilit niya paring inaabot ang kutsilyo.Dahan dahan lang ito dahil sa takot na marinig siya ng mga lalaki.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nasa harap na siya ng lamesa.
Laking pasasalamat niya dahil natagalan ang tatlong lalaki.Tumalikod siya at pilit na inaabot ang maliit na kutsilyo sa gilid ng lamesa
Nakuha naman niya iyon ngunit sa kasamaang palad ay nasugatan siya sa palad"Ouch!! Tangina!" Pabulong na mura nito.
Kahit napakahaldi ay tiniis niya ito.
Naputol na ang tali sa kamay nito kaya nagmadali siyang alisin din ang tali sa bibig at paa nito.
Nang makakalas na siya ay pilit niyang itinayo ang sarili pero napadaing ito sa sakit dahil sa nabali niyang buto sa paa
"Fuck!!"Napakapit siya sa upuan
"Anong gagawin ko!!arrggghh!"
Mangiyak ngiyak itong tumingin sa paligid.Nang makitang may ilaw na nagmumula sa pinto ay paika-ika siyang naglakad bitbit ang kutsilyo.
Nang nasapinto na ito ay kumapit siya ng mahigpit sa doorknob at sumilip.
Napapikit pa ito dahil nabigla siya sa sinag ng araw. Matagal tagal na din kasi siyang nababalot sa dilimNang maka- adjust na ang kaniyang mata ay nilibot niya ito.
Wala ang mga lalaki! Pero hindi pa iyon ang labasan...may pathway pa siyang dapat daanan at sa dulo ay may pinto duon.
Tumingin muna sa kaliwa at kanan at paika-ika ulit siyang maglakad.
Nasa kalagitnaan palang siya ng daan ay may sumigaw na mula sa likod"Putangina! Asan na ang babae!!"
Nanlaki ang mga mata nito at pinilit na tumakbo"Shit!!puta! Ayoko pang mamatay!!"
Lumingon siya sa likod at nakita niyang hinahabol siya ng mga lalaki.
Nagmadali siyang abutin ang doorknob pero laking gulat niya nang hindi ito mabuksan
"Lock!! Bwisit!!"
Humarap siya sa mga lalaki
Nakangisi sila sa kaniya.
Itinago niya ang hawak niyang kutsilyo sa likod nito"Oh ano? Makakatakas ka? Diba hindi?" Nagtawanan sila at naglakad papalapit kay Laemen.
Nagtagis bagang si Laemen at galit na tinutok sa kanila ang kutsilyo,nanlaki naman ang mga mata ng mga lalaki pero agad itong napalitan ng ngisi.
Nilabas ng isang lalaki ang baril niyoPinagpapawisan na si Laemen.
"Ba-baril?" Kinakabahang tanong niya. Kahit gaano pa siya katapang ay hindi parin niya maipagkakaila na nakakatakot talaga kapag may nakatutok sayong baril
"Oo baril! Isang pitik lang nito sabog yang buong mukha mo"
Nagtawanan na naman silang tatloNag-isip ng paraan si Laemen para makatakas...
Isa lang ang naisip niya at yun ay...
Lumaban!
Nagdasal siya ng tahimik
Diyos ko po! Kung hindi man ako maka-survive atleast mamamatay ako sa magandang paraan! Yung isang bala lang po para wala ng sakit
"And so? Geh nga iputok mo!" Panghahamon niya
Pero deep inside gustong-gusto niyang lamunin siya ng lupa"Abah! Ang tapang mo ah!! Pasalamat ka hindi pa pinag-uutos na patayin ka!" Galit na sigaw ng isa
"Bubugin nalang natin tol" sabi ng isa na pinagsang-ayunan naman ng iba
"Sige lapit! " itinutok niya ulit ang kutsilyo
Hindi naman nag-atubiling lumapit ang tatlo
"Lagot!" Bulong ni Laemen at hinanda ang kamao
_________________
Lumipas ang ilang minuto ay nakatumba na ang dalawa...hindi makapaniwala ang lalaking may hawak ng baril
"P-paanong---" hindi siya pinatapos ni Laemen dahil mabilis niyang itinapon sa lalaki ang kutsilyo.
Naturok ito sa tiyan ng lalaki
"Gago kayo eh! Puta! Nagkasugat pa ako"
Lumapit si Laemen sa lalaking namimilipit sa sakit
Sinuntok niya ito sa panga kaya bumagsak ito ng tuluyan...Mabilis niyang kinuha ang susi sa bulsa ng lalaki at nagmadaling binuksan ang pinto
Nang mabuksan niya ang pinto ay nilibot niya ang mga mata niya...
Tangina! Saan ako??!
Tumakbo siya habang hawak hawak ang braso.
Nasugatan kasi ito habang nakikipagbugbugan sa mga lalakiKahit paika-ika ito ay binilisan nito ang takbo...
Thank you Lord! Sana may makita akong tao...na pwedeng tumulong sa akin
Nanghihina na si Laemen kaya tumigil muna ito sandali
Biglang nabuhay ang dugo nito ng makitang may papalapit na tao
"Tulong po! Tulong"
Yan ang huli niyang sinabi bago siya mawalan ng malay