Umupo ako sa bakanteng mesa at nilapag ang mga gamit ko
Sa kamalasan nga naman ay katabing mesa ko lang sina Jaella
Naka harap ako sa pwesto nila kaya kita ko sila
Nasa mahabang mesa sila. Nakatalikod sa gawa ko sina Vex,Lax,Key,Kiel,Cazer,
Kaharap ko naman sina
Jaella,Sam,Aezzer,LyraMasaya silang nag-uusap kaya nilihis ko ang mata ko
Kumain nalang ako
Kinuha ko ang cellphone ko at sinuot ang headphones ko...Nag YouTube nalang ako
Nanood ako ng mga funny videos pero hindi manlang ako natatawa o napapangiti manlang.
Mga Music Videos nalang ang pinanood ko
May nagpop-out na notif kaya tinap ko iyon
Youngjae and Jaebum– 1:31 am
Ang sad ng music,pero isa lang ang masasabi ko
Ang galing nilang kumanta...nang matapos pinatay ko nalang ang data.
Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng antok kaya tinapos ko na ang pagkain.
Ayun sa schedule ko ay may 1 subject ako vacant which is 2 hours yun.
Tumayo na ako at naglakad papalabas ng canteen
Maghahanap ako ng matutulugan.
Maaga naman akong natulog kagabi ah!
Pahikab-hikab akong naglalakad sa fieldNang makakita ng puno ay naupo ako doon
Hindi na ako aakyat kasi meron ako ngayon. Hehehe
^0^VAgad akong napapikit...
Jaella's POV
Hi there!!"She's back" bungad ko sa mga hudyong to
"Who's back?" Bored na tanong ni Kiel...Napabuntong hinga ako
After she left marami nang nagbago. Even me, I can say na malaki ang pinagbago ko
Malaki kasi ang naging parte niya sa buhay namin.
"Laemen" natigilan naman silang lahat dahil sa sinabi ko
Dahan dahan naman naming nilingon si Aezzer na nakaakbay kay Lyra
Itong Lyra nato! Sarap ipalapa sa buwaya! Akala mo kung sino!
Akala mo girlfriend kung makalingkis!
"Wow..." Walang ganang sagot ni Aezzer.Hindi na kami nakapag-usap nang pumasok si Prof.
Habang nagdi-discuss ay lumilipad ang isip ko
Bakit niya kami iniwan? Kahit magpaalam manlang sa amin ay hindi niya nagawa. Noong tumawag akonsa kaniya ay hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Tsk
Inaamin ko galit ako sa kaniya. Sinong hindi? Umalis siya na akala mo walang kaibigan! Akala mo walang nagmamahal sa kaniya! Palibhasa sarili niya lang ang iniisip niya!