Chapter 39

4 0 0
                                    

Pagod akong humiga sa kama
Inaantok na ako,pero nagugutom ako!!ilang subo lang yung nagagawa ko eh!

Kainis!after that incident ay umalis na ako dun,naligo nalang ako at hindi na bumalik

9:45 na!nanunuod parin ako ng TV

Nag text narin si Dilaw kanina
Bukad ng 7 kami bababa para sa breakfast, after non ay mags-start na kami sa activities

Napatayo ako ng may kumatok
Bwisit!istorbo!

Pagbukas ko ay tumambad sa harap ko ang masasarap na hapunan
Tinignan ko ang may dala nito
"You haven't eaten yet" pumasok na ito dala ang tray
Pinapasok ko nalang dahil may dala itong pagkain

Nilock ko ulit ang pinto
At sumunod sa kaniya
"Abah!salamat ah!love mo talaga ako!" Excited akong lumapit sa mesa at nilantakan ang pagkain

Natigilan ako ng mapansing nakatitig  ito sa akin

"Oh?anong tinitingin tingin mo diyan"
Nakakunot noo kong tanong

"Ah--Huh?--W-wala,just continue eating" umiwas ito ng tingin
Nagkibit balikat nalang ako
Nang matapos na ay itinabi ko ang tray
"Bukas maaga kang bumaba,Kailangan nating ipakita na we are the best"
Aalis na sana ito ng hawakan ko ang kamay niya
"Salamat!" Ngumiti ako sa kaniya
"Don't smile,I hate your smile" umalis ito agad

Grabe naman yun!Don't smile,I hate your smile!
Kainis!dapat nga magpasalamat siya dahil nag-effort akong ngumiti eh
Tsk!bahala siya!
Nag toothbrush ako bago matulog
Zzzzzzzzzzzz....
________________________
"Ok,student straighten your line"

Nakapila kami ngayo papunta sa first activity namin
'Lead The Way' ang pangalan ng activity
Kailangan naming pumili ng isang group leader para manguna sa paghahanap ng isang papel na may mga tanong at kailangan naming masagot para makita ang next na papel hanggang sa makuha namin ang isang key kung saan iyon ang gagamitin namin para mabuksan ang box na nakapwesto na sa stage.
Blue Box ang meron kami
Leader namin si Dilaw

Nasa tabing dagat nga pala kami
Tig sasampong member lang dapat
Dahil 20 kaming lahat ay pinaiwan namin ang 10 na magbabantay ng box,kailangan naming masecure na walang magtatago non

Ang rule kasi kapag nakuha na ng grupo niyo ang key at mabuksan ang box,ay pwede daw itago nila ang ibang box na pag-aari ng ibang group

Boring nga eh,
"Ok,this is the plan blah blah blah blah blah...Ok,now move"
Nabigla ako ng bigla akong hinila ni dilaw at dinala sa stage,nakasunod narin sa amin ang iba
Sina Key,Kiel,Caxer,Lax,Vex,Sam
At isang representative ng grade 12 at grade 10

Ganon rin ang ginawa ng ibang group
"Here's the question" sabay abot ni ma'am ng papel

Pinalibutan namin ito at binasa

     'I'm always in the first
           Behold on a trap'

"What's this?!akala ko Math lang!" Woh!pabibo masyado tong isang to eh

"I can't understand it" CB
"I'm always in the first?!" Kiel

"Kayo nalang bahala diyan,matalino naman kayo" Cazer

Tumingin ako sa paligid
Naka alis na ang taga ibang school
3 schools nalang ang natira dito,kasama na kami don
Si ma'am naman nagsisigaw na,
Nasa baba kasi siya

"Make it fast!Make it fast"
Napairap ako
"I'm always in the first...In the first... Behold on a trap..." Halatang malalim na nag-iisip ang lahat

In the first daw eh,ano namang first sa Behold on a trap?
Nakakabobo to eh

Kahit ayo kong mag-isip ay napapaisip parin ako

Hayst!parang alam ko na ang sagot
Pero,hindi ako sure

"I got this feeling na ang key word dito ay first" sabi ni Dilaw

Nabigla ako ng tumingin ito sa akin
"Mukhang may hint ka na ah,tell us"
Kaya napatingin silang lahat sa gawi ko
"Okay,I'm not really sure about this pero...look I'm always in the first, And sa tingin ko it means First letter in every word
Behold on a trap,BOAT"

Nagtaasan naman sila ng kilay
"Pwede yun,let's check it out" nauna naman itong maglakad

Ngumuso ako
Hindi nga ako sure eh!
"CG!ang talino mo,pakiss nga!" Ngumuso ito sa harap ko
Tatampalin ko na sana ang nguso niya ng may ibang kamay na tumampal doon
"Tigil-tigilan mo yan ah,mukha kang abnoy!"
Sabay hila sa akin sa harap

Baliw din tong dilaw nato eh!
Hanggang makarating kami sa bangkang kulay asul ay nakalukot parin ang kilay niya

Hinalungkat nila yun at nakakuha sila ng isang pirasong papel na naman

'I can be your roof,I can be your wall,I can feed your starve, I can fill your thirst,I can be the source of your everyday life'

"Alam ko to!ahm...ano nga ba to?" Sabi niya alam niya?
Si Key talaga eh

"Wait...familiar yung I can be the source of your everyday life eh!" Lax

"Basta out ako jan,wala akong alam jan" Kiel

"Eh?!Tubig?I can fill your thirst daw eh!" Cazer

"Stupid,I can be your Roof,wall oh?kaya ba yung gawin ng tubig?" Dilaw

"Wait,roof,wall??Shit!ang imposible naman niyan!" Sam

"Hindi naman siguro si Papa God to" Vex

May point siya,tsk!nangati ulo ko don eh!
"Wait, Ang makikita lang natin sa beach eh" nilibot namin ang mata namin

May dagat,white sand,hotels,flaglets,surfing board,puno ng niyog----wait...
"It must be coconut tree" Dilaw
Tama siya,

Agad silang lumapit sa puno ng niyog na may kulay asul na ribbon

May naka-ipit doong papel
"Papel na naman!" Reklamo ko kaya nagsitawanan sila

'I am across the water,above the second answer
Only two members can go,a guy and a girl'

"Sa kabilang isla" sabi ng babaeng grade 10
"Ano yung above the second answer?" Tanong ni CB

"Nasa taas ng punong niyog" sabi ni Kiel
"Woy!talino ah!" Masayang palakpak ni Lax
"Huh?sabi ni Cazer yun" sabi ni Kiel
"Ikaw ah,ang tahimik mo diyan,alam mo naman pala ang sagot" sabay hampas ni Lax kay Cazer
"Ano ba!si Sam ang nagsabi non!"
Kaya natahimik sila dahil tinignan sila ng masama ni Ruiez

"Ako ang pupunta don,kasama si Laemen" sabay taas kamay ni Ruiez

O-oo na sana ako ng kumontra si Dilaw
"No,kayo ang maghintay dito,kami ang aalis...let's go"
Pansin ko lang,trip nila akong hila-hilahin noh?

Those SevenWhere stories live. Discover now