Chapter 58

9 0 0
                                    

"Hoy! Asan na si Aezzer?" Luminga-linga naman kami...

"Kiel! Wag mo kaming tanungin!" Inis sa sabi ni Key

"Wait..." Bigla kong naalala mahilig tumambay sa puno si Laemen eh, lalo na kapag bored siya

"Sa mini-forest tayo guys" sabi ko at agad naman silang sumunod sa akin

Kaunti lang ang estudyanteng pakalat-kalat dahil karamihan ay nasa canteen.

Para kaming mga tuod.
Nagtitip-toe pa kami

"Wait...diba sabi ko maghiwa--- separate muna tayong lahat?"
Agad naman silang nagsi-alisan

Pinigilan kong tumawa ng malakas ng tumago sila isa-isa

Si Key kinuha ang takip ng trash can at nilagay sa ulo,Si Kiel naman ay nagtago sa mga halaman,si Cazer ay sinuot ang cap niya,si Lax ginamit niya yung eyeglasses niya na wala namang grado. “Fasion” daw kasi, si Sam naman nauna nang maglakad at umupo sa bench na para bang walang pake.

"Hindi manlang nag disguise ang loko" bulong ko. Maglalakad na sana ako ng mapansing may nakahawak sa laylayan ng T-shirt ko.

"Oh?ikaw? Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko

"Disguise nalang tayong mag-jowa. Ta's pag-nahuli tayo,hahalikan nalang kita para hindi nila makita mukha natin."
Rinig ko naman ang mura ni Kiel dahil siya ang pinakamalapit sa amin

"Tangina! Hokage pre"

Hindi ko nalang ito pinansin
"Baliw ka ba? O'sige na nga!!" Mabilis nagbago isip ko. Ang cute niya kasi eh! Atsaka excited lang ako sa “kiss” hihihihi.

"Pucha! Mga adik! Emergency emergency! Do you copy? I will repeat, do you copy?" Umaktong may tinatawagan ito. Baliw na Kiel

"Tara na," magkahawak kamay kaming naglakad papalapit ng mini forest.

Nakita naman namin kaagad si Laemen na natutulog,nakapatong ang isang kamay niya sa mata niya.
Habang ang isa ay nakahawak sa tiyan niya,ginawa niyang unan ang bag niya.

Napangisi nalang kami ng makitang naka-upo si Aezzer sa tabi niya. Tinitigan niya ito.

Hihi. Sabi na eh!
"Tara na, we've seen enough" aya ni Vex.

"Sayang hindi niya tayo nakita! Wala akong kiss" bulong niya pero halatang pinarinig niya sa akin
"Mamaya" sagot ko. Agad namang umaliwalas ang mukha niya

"Guys tara na" mabilis naman silang sumunod

"Sayang! Walang magandang nangyari! Sayang lang effort ko"
Reklamo nila.

"Oh Ikaw Vex,ngiti-ngiti mo diyan?" Pansin ni Key
"For sure my kabaliwan na naman silang mag-jowa"

Mabilis na sagot ni Cazer
"Heh! Inggit lang kayo! Mga single kasi" sasagot sana silang ng humalakhak si Lax.

Tanginang tawa ng isang to! Ang lakas! Buti nalang at malayo na kami sa mini-forest.

"Sshhhtt!! Anong tatawa-tawa mo diyan Lax? May nakakatawa? May nakakatawa?" Saway ni Key.
"Meron! Nakakatawa kaya yung malamang single pa kayo! Sabagay,sinong hindi magtataka eh sa mukha niyong yan siguradong hindi niyo pa natatanong ang babae basted na kayo! Boooooo!!!" Natawa ako don

"Oh eh kung makapagsalita ka akala mo me'gf na! Hooyy! Sa mukha naming ito palagi kaming napapagalitan sa bahay dahil sabi ni mommy marami daw babaeng pumupunta sa bahay dahil nanghihingi ng basbas para ikasal kami!!"
Matabang na sagot ni Cazer.

"Sige sabi niyo eh...basta ako meron na" nanlaki ang mata namin

"Anong meron? May gf ka na?" Agad na tanong ko

Those SevenWhere stories live. Discover now