Suko na agad
Abby's POV
"Abby pwede ba tayong mag-usap yung tayo lang " biglang lapit ni Kuya Aeron sa table ko tinatapos ko na kasi ang mga papers ko padalwang araw ko na kasing excuse dahil nga subrang daming gawain dito sa office kaya lahat ng SPG members ay excuse. Gusto ko sana siyang lokohin na walang tayo kaso ang seryoso niya ^_^.
"Okay " sabi ko at inayos muna ang mga papers bago sumunod sa kanya .
Nasa unahan : siya
Nasa hulihan : MePumunta kami sa garden dito sa school walang tao dito kase class hour tanging kami lang ang nandito.
"Kayo naba ni Marc ? " biglang tanong niya at humarap sakin.
"Hindi bakit mo natanong ?" Sabi ko at umupo sa damuhan pero siya ay nanatiling nakatayo.
"Para kasing kayo na " sabi niya pa.
"Hindi ah tiyaka yan lang ba ang sasabihin mo ? " sabi ko kasi parang nasesense ko na may sasabihin pa siya.
"Nope may sasabihin pa talaga ako . Actually gusto kong sabihin na ngayun pa lang sumusuko ako so gay right kaso ayaw kong makipag kompetensiya kung alam ko naman sa huli ako ang talo admit it or not you like each other " mahabang paliwanag niya.
"S-sorry sorry kuya Aeron sorry talaga hindi ko rin kase napigilan na magustuhan siya you know madaling mafall ang mga babae " pagpapaumanhin ko.
"Sus wag ka mag sorry ayus lang yun tiyaka may sinabi si Sarah na crush mo daw ako dati " pang-aasar niya.
"Che! Matagal na yun wag kang ano " sabi ko kaya natawa na lang siya.
"Ano bayan Pre suko na agad " biglang baba ni Marc sa puno.
All this time nandun lang siya at nakikinig.
"Pano ka napunta dito ?" tanong ko.
"Nandiyan ako sa may puno natutulog ng bigla kayong pumunta dito at nag-usap tiyaka ano yon bes may feelings ka sakin no " paliwang niya na may kasamang pang-aasar.
"Tigilan mo ko Marc Gabriel " sabi ko.
"Okay OP na talaga ako " singit ni Kuya Aeron kaya natawa ako ang cute niya ^_^.
"Pero pare susuko kana talaga ni hindi mo manlang ba naisip ang pagmamahalan nating dalawa " sabi ni Marc at may action pang parang umiiyak.
"Yuck Marc bakla kaba ? Kadiri ka anong pagmamahal gosh may manliligaw akong bakla grabe " panggagatong ko sa kalokohan niya.
"Hindi kapa nasanay diyan Abby alam mo namang matagal ng tanggal ang turnilyo niyan sa utak " sabi ni kuya Aeron kaya napa pout si Marc at ako naman ay tumawa.
Ang lakas talaga ng saltik sa ulo.
"Pero Pare ipangako mo sakin na hindi mo sasaktan yan pag oras na nakita ko yang umiiyak kukunin ko yan sayo " biglang seryosong sabi ni Kuya Aeron.
"Hindi ko maiipangako na hindi ko siya paiiyakin " seryoso ring sabi ni Marc ok ang seryoso nilang dalwa.
"Nandito pa talaga ako " sabi ko sa kanilang dalwa.
"Alam namin/Alam namin " sabay na sabi nilang dalwa.
"Sabay pa talaga hah alam niyo bagay kayo " pang-aasar ko.
"Tigilan mo kami Abby " sabi ni Kuya Aeron kaya natawa na lang ako.
Lesson Learn : kahit na ano pang gawin natin may mananalo at matatalo parin sa huli kaya kung alam mong talo ka magpaubaya kana agad pero kung may pag-asa pa lumaban ka . Sabi nga ni Happylou ilaban natin to :)
Admit it or not madami talagang nagagawa ang pag-ibig natuto kang mag-paubaya , lumaban , masaktan , at magmahal ng sobra .
Thanks and Enjoy reading
-Kamsaranghae 💜
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Bestfriend (Completed)
Teen FictionPano pag nainlove ka sa bestfriend mo ? Pano kung mutual feelings pala ? Pano kung pinagtagpo talaga kayo maging magka-ibigan at hindi magkaybigan ? Pano pag nahulog kana ? Mapipigilan mo paba ? Let's see ❤ Read , Comment and Vote 💜 Credits sa guma...