Side story

45 1 0
                                    

Dedicated to :lechart_12

HELLOW!!

Sa pinsan kong makulit at laging sinasabing bigyan ko siya ng istorya sige bibigyan kita kaso sariling book ayaw mo naman sigurong maging singit ano HAHAHAHAHA peas so ito na nga gagawa na ako 😂.

----------------------

Leading Cast : Tyron Michael Smith
Trachell Mae Park

Trachel's POV

Nandito kami sa Mall ni Marj at namimili ng damit ayaw kasing sumama ni Abby tinatamad daw siya .

"Ate bagay ba sakin toh ? " sabi Marj sabay tapat ng dress sa katawan niya.

Actually maganda yung dress floral siya at lampas tuhod may belt din itong gold.

"Bagay na bagay sayo lalo na pag wavy ang buhok mo " sabi ko at nag thumbs up pa.

Wait daldal ako ng daldal dito hindi pa pala ako nagpapakilala si Abby kasi wala man lang introduction excited eh ^_^.

Annyeonghaseyo Trachell Mae Park imnida ♡. Ako nga pala ang pinakamaganda sa aming magpipinsan I mean magtitiya hahahahaha sorry ganito kami eh magaling magbuhat ng sariling upuan este bangko hahahahaha.

By the way high way alam kong maraming nagtataka diyan kung bakit nga ba magtitiya kami kase alam niyo na ang layo ng mga apelyedo namin.

Wait lang may idadag-dag ako sa introduction ko kanina dahil bad ang otor ng storyang toh ako ang ginawa niyang taga pagpaliwanag tsk tsk.

Park at Sarmiento .

(Marjorie *Marj* Sarmiento & Abigail Sarmiento (certified magpinsan) )

Ang greatgrandmother ko ay kapatid ng lolo ni Abby at ni Marj ang lolo ko naman ay pinsan  ng  mga anak ng lolo nina Abby. At ang Mommy ko naman ay pinsan lang nina Abby inshort tiya ko silang dalwa pero they treat me like I'm there cousins . (Couz JYP means Jinyoung Park (Got7) and Couz J-Wang means Jackson Wang (Got7) ).

"Ate gutom na ako kain naman tayo " yaya ni Marj pagkabayad na pagkbayad namin ng mga damit na pinamili namin at gaya ng sabi ni Abby sa POV niya binili narin namin siya ng damit.

Habang naglalakd kami ni Marj may biglang nakabunggo sa akin at natapon ang tubig sa damit ko.

Badtrip mga bes -_-.

"I'm so sorry Miss sorry nakatingin kasi ako sa cellphone ko hindi kita nakita sorry talaga here " sabi ni Kuya at biglang bigay sakin ng 5,000 .

Anong gagawin ko rito ?

"Kuya sayo na lang yang 5,000 mo meron akong damit dito kaya kong magpalit kahit anong oras " sabi ko at nilabas ang panyo ko malay ko bang bumakat ang underware ko basa eh naninigurado lang.

"Sorry talaga Miss " sabi niya.

"Ayus lang " sabi ko at akmang aalis na ng bigla siyang nagsalita.

"Miss anong pangalan mo ? " tanong niya ay pak pangalan daw HAHAHAHAHA .

"Trachell Mae Park " pakilala ko .

"Tyron Michael Smith nga pala " sabi niya at ngumiti.

Hindi uso ang shake hands ganon .

"Sige Tyron aalis na kami " sabi ko at umalis na kasama si Marj .

I admit ang gwapo ni Tyron kamukhang kamukha niya si Mark Tuan pero may konting pagkakahawig din siya kay Ahn Jae Hyun.

Tyron's POV

She's beautiful I admit and

I.like.her .

Like at first sight :)

-------------------

Ayieee kilig-kilig HAHAHAHA oh siya balik tayo sa Margail couple 😂❤.

#Margail (MARc + abiGAIL)
#Rochell (tyROn + traeCHELL)

- Kamsaranghae 💜 Enjoy reading *mwah*😘

Accidentally Inlove With My Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon