Review
Abby's POV
Papunta ako ngayun kayna Marc . Malayo-layo rin ang bahay nila samin kaya nag taxi pako oo taxi talaga kahit wala na akong pera huhuhu .
Pagkadating ko sa bahay nina Marc ay binati agad ako ng guard sabay pinapasok.
Maganda ang mansion nina Marc actually pag pumasok ka ay sasalubong sayo ang isang malaking fountain then ang garden nila maglalakad kapa ng konti para makita ang bahay (mansion) nila. Pag pumasok ka naman sa mansion nila ay bubungad agad sayo ang malaking chandilier . Pag kapasok ko sa bahay nila este Mansion nila ay binati agad ako ng mga maids.
"Tatawagin ko lang po si Young Master " sabi ng isang maid kaya tumango lang ako. Pinaupo naman ako ng isa sa mga maid sa upuan.
San paba uupo edi sa upuan . Luka ka talaga Abby.
"Bes " tawag agad sakin ni Marc.
"Nga pala Marc hanggang 2:00 pm lang ako dito " sabi ko.
(Time Check : 11:09 am )
"Hah bakit ang aga naman ata ng uwi mo ? " tanong niya.
"May gagawin pa kasi ako sa bahay " pagdadahilan ko.
"Okay , nga pala sabi ni Mama . Ano nga uling sinabi niya shit nakalimutan ko na " sabi niya sabay kamot sa ulo.
May kuto bato ?
"Baliw " natatawa kong sabi sa kaniya.
"Tara sa taas dun tayo mag-aral " sabi niya at nanguna na sa pag-akyat sa hagdan .
Pumunta kami sa Library nila Actually yung library nila kompleto na.
Madaming libro.
May computer. Printer.
Wifi.
Table and chairs.
White board at kung ano-ano pang kagamitan sa pag-aaral like pang painting etc.
Kulang na nga lang pagkain -_-.
"Ang una nating aaralin ay si Jose Rizal " sabi niya sabay lapag ng libro sa harap ko nakaupo kasi ako sa isa sa mga table at siya naman may kinuhang mga libro at kasukuyan binabagsak sakin . "Sunod ay kay Andres Bonifacio " sabi niya pa ulit sabay lapag uli ng libro.
"Marc kung ilapag mo na lang kaya dito lahat ng masimulan na natin . Nakakarindi kaya yang paglalapag mo ng books " galit na katwiran ko sa kaniya.
"Yes Boss . High blood ka agad eh " sabi niya sabay lapag ng libro. "So anong uunahin mo ? " tanong niya.
"Sabi mo si Jose Rizal " sabi ko habang tinitignan siyang umupo sa tabi ko .
"Bakit parang ang pilosopo mo ngayun . Meron ka ? " tanong niya sakin ng makaupo siya sabay tingin.
"Wala . Naiinis lang ako kasi wala kang pinadalang pagkain diba sabi mo kahapon may pagkain bakit wala papano ako gaganahan mag-aral " nagtatampong sabi ko sa kaniya sabay pout.
"What the Hell ? Para dun lang ? Tsk wait mo ko diyan kukuha lang ako ng pagkain " sabi niya sabay tayo.
"Damihan mo hah " pahabol ko bago sumara ang pinto.
Habang iniintay si Marc ay nagbabasa ako nung binigay niyang libro tungkol kay Jose Rizal.
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Siningat nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris atPamantasan ng Heidelberg.
"Seryoso natin ahh " sabi ni Marc sabay lapag ng pagkain.
"Shhh wag kang maingay nagbabasa ako " sabi ko.
*Vibrate*
Shit natawag si Mama.
"Wait lang bes sagutin ko lang to " sabi ko at tumay. Tumango lang siya at kinuha ang librong binabasa ko.
Me : Ma
Mama : Nak aalis na kami ng Papa mo di mo ba kami tatagpuin sa airport.
Me: Ahh sige po magpapaalam lang po ako.
Mama : SigePagkabalik ko ay sinabi ko agad kay Marc na aalis na ko . Naiintindihan niya naman daw.
May sakit kasi sa Puso si Papa kaya pupunta sila sa ibang bansa para ipagamot si Papa.
"Nextime Abby hah , paasa mo eh nagpakuha ka ng pagkain di mo naman pala kakainin " pahabol niya pa nasa hagdan na kasi kami at sinusundan niya pala ako
"Pa LBC mo sa bahay kakainin ko " sabi ko.
"Gagu anong pa LBC ? " sabi niya.
"Edi ipa deliver mo na lang ayaw mo atang iLBC eh " natatawa kong sabi sa kaniya.
"Bala ka " sabi niya at sinamahan nako papunta sa gate.
"Bye Marc next time na lang sorry hah " sabi ko.
"Geh lang " sabi niya at pumara ng taxi. "Ingat" sabi niya sabay sarado ng pinto ng taxi.
**************
Hello readers so ito nga nakita niyo naman siguro yung kwento ni Dr. Jose Rizal sinearch ko lang po yun sa Wikipedia HAHAHAHAHA 😂 dakilang asa sa wikipedia po kasi ako 😅.Thanks and Enjoy reading
-Kamsaranghae 💜
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove With My Bestfriend (Completed)
Novela JuvenilPano pag nainlove ka sa bestfriend mo ? Pano kung mutual feelings pala ? Pano kung pinagtagpo talaga kayo maging magka-ibigan at hindi magkaybigan ? Pano pag nahulog kana ? Mapipigilan mo paba ? Let's see ❤ Read , Comment and Vote 💜 Credits sa guma...