We we’re both gasping for air when he separated his lips from mine.
For a moment, he was lost in deep thoughts.
Parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.
Naku, Casey! Huwag ka na magdalawang-isip!
Pagkalipas ng ilang minuto ay muli niyang ibinuka ang bibig niya.
Ako naman, atat na atat na sa sasabihin niya.
Sana iyon 3 words, 8 letters ang sabihin niya. Assuming na kung assuming pero iyon talaga ang gusto kong marinig mula sa kanya.
“Alex…”
Sinusundan ko ang bawat galaw ng bibig niya. Whaaaaa!
This is it!
Ok, ang OA ko lang. Pasensya na.
“Alex, I--…”
*BLAAAG*
“AY, MULTONG BAKLA!” sigaw ko ng mahulog ako sa kama.
Dahil sa pagkahulog ko ay napadilat ako.
Nakita ko si Casey na nakatayo sa gilid at hawak ang unan na yakap-yakap ko kanina.
“HAHAHAHAHAHA!” umalingasaw ang tawa ni Casey sa loob ng kwarto niya.
Siya ang may salarin kung bakit ako nahulog!
Mahigpit kasi ang pagkakahawak ko sa unan at noon hinila niya iyon ay sumama din ako, syempre.
Mahuhulog ba ako kung nabitawan ko kaagad iyon unan? Hehe.
“HAHAHAHAHAHA!” aba, ayaw paawat sa pagtawa.
Pinaningkitan ko siya ng mata bago ako nagsalita.
“Hoy, Casey! May bukas pa. Tawa ka ng tawa diyan. Nahulog na nga ako tapos tinatawanan mo pa ako! Hmp!” tumayo na ako at kinuha ang purse ko.
Tiningnan ko ang orasan sa bedside table niya.
9:30 na!
Pakingsyet! Kalahating oras pala akong nakaidlip.
Si Sander! Baka nag-aalala na iyon sa akin. Naku, lagot ako!
Ang paalam ko, pupunta lang ako ng restroom pero napunta ako sa kama at nakaidlip.
Bigla kong naalala na naiwan din si Carmi sa garden!
Agad kong tinungo ang pinto para balikan si Sander sa garden.
Anak ng. Baka nilalandi na niya si Sander ko!
Hindi ko na pinansin si Casey. Nakakainis siya!
Ang ganda na eh, andoon na. As in malapit na!
Kahit man lang ba sa panaginip, ayaw niya akong pagbigyan?
Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya ay tinapunan ko muna ng masamang tingin si Casey na nakahiga na sa kama niya at…
Wala siyang suot na…
Polo!
Oh, kala niyo kung ano na ha. Hahaha!
Suot pa din niya iyon gray slacks pero wala na siyang pang-itaas.
Anong ibig sabihin noon?!
Isa lang ang pumasok sa isip ko.
Ang panty ko nalaglag este…
Ang PARTY! Tapos na ata ang PARTY!
Ano ba itong pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Lab U, Insan! (Book I)
RandomNaranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th cousins. Kundi magpinsang-buo kayo. Ako nga pala si Alexander at inlove ako sa pinsan ko na si... Casey.