1_Her Present

5.9K 70 31
                                    

(A/N: Dedicated to turning_japanese. Isa sa mga paborito kong authors dito sa wattpad dahil magaganda ang stories niya at detailed pa siya magsulat. Nalalabas niya lahat ng saloobin ng characters. (Lalim!) :3) 


“Good morning, babe.” Isang matamis na halik sa aking mga labi ang sumalubong pagdilat ko ng mga mata ko.

Hay. Ang gwapo talaga ng katabi ko ngayon.

Bagay talaga kami.

Syempre, maganda ako kaya bagay talaga kami.

Angal ka?! De joke lang!

“Good morning.” Ginantihan ko din siya ng halik sa kanyang labi.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

It was a blast!

Napagod ako!

Pinagod niya ako!

Teka lang naman!

Baka kung ano na ang iniisip niyo ha.

Huwag kayong green-minded!

Walang nangyari sa amin!

Kahit gusto ko na mayroon. Ay, erase! Ang aga-aga, pumupunta ako sa greenland. Hahaha!

Ang tinutukoy ko ay ang pag-babar hopping namin kagabi ng boyfriend ko na si…

Sander Lee.

Hay. Nakakapagod din pala ang sumayaw ng sumayaw sa dance floor.

Nag-bar nga kasi kami diba? Namimiss na daw niya kasi ang mag-bar.

Sino ba naman ang hindi? Busy na kami ngayon sa kanya-kanya naming trabaho kaya hindi na kami masyadong nakakalabas na dalawa.

Since, na-miss ko din ang pag-babar, pumayag ako noong niyaya niya ako kagabi. Friday din naman at wala kaming pasok kinabukasan, kaya ok lang.

Kagabi nga, ang daming dikit ng dikit sa kanya na mga haliparot! Nakakainis.

Iyon iba, halos makita na ang kaluluwa dahil sa ikli ng mga suot! Hmp!

Buti na lang at hindi pinatulan ni Sander ang mga iyon, naku, kung hindi, makakatikim siya ng blackeye sa akin.

Hindi siya uminom kagabi, ako lang. Dahil siya ang mag-dridrive kaya hindi siya pwedeng uminom.

Kaunti lang naman ang ininom ko kaya hindi gaanong masakit ang ulo ko ngayon.

Hindi tulad noong nasa college pa kami, todo kung todo talaga ako uminom.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon