“M-Ma’am Alex, ano pong ginagawa niyo dito?” tanong ni Jeline pagkapasok ko ng restaurant. Naisipan ko kasing dumaan muna sa restaurant ni Sander bago ako umuwi para makausap siya. Marami kasi akong gustong linawin tungkol sa amin, tungkol sa second chance na hinihingi niya.
“Nandyan ba si Sander?” tanong ko dito. Hindi naman kasi ako pumunta dito para kumain. Si Sander talaga ang sadya ko dito.
Nasa may counter pa rin ako habang hinihintay ang sagot ni Jeline sa tanong ko nang bumukas ang pinto ng function room.
Niluwa noon si Sander at ang isang babae.
Magkahawak kamay sila at kitang-kita sa mukha nila ang saya dahil magkasama sila.
Nang lumingon sila sa gawi ng counter ay bumakas ang pagkagulat nila nang makita ako.
“A-Alex...” uutal-utal na turan ni Kaye. Pinilit pa nilang itago sa akin ang magkahawak na kamay nila. Hay. Wala naman silang dapat i-katakot sa akin.
“Kaye, nandito ka pala.” Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi pagkatapos ay binaling ko ang tingin ko kay Sander na halatang balisa dahil nahuli ko siya. Tamang hinala lang talaga ako. Alam kong may nagbago kay Sander at si Kaye ang dahilan noon.
“So, anong latest?” usisa ko sa dalawa. Hindi naman ako galit sa kanila. Wala na naman kami ni Sander diba?
“A-Ano... A-Alex...” panimula ni Kaye. Hinihintay ko ang sagot niya sa tanong ko nang biglang sumabat si Sander. Sabi ko naman sa inyo diba, hindi ako galit? Hahaha!
“Alex, don’t pressure Kaye. Let’s talk.” Hala! May pressure-pressure pang nalalaman itong si Sander. Nagtanong lang naman ako. Haist. Humiwalay muna saglit si Sander kay Kaye. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa parking lot sa tabi ng restaurant.
Pagkadating namin sa parking lot ay sumandal siya sa hood ng sasakyan ko. Tumabi naman ako sa kanya at hinintay siyang magsalita. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita. Napipi na ata! Hehe. Parehas kaming nakatingin sa kawalan habang nakasandal sa hood at dahil ayaw niya magsalita, ako na ang nauna.
“Sander, hindi ako galit.” Turan ko dito.
“Alex, sorry. Hindi ko nasabi sa’yo kaagad.” Naku, Sander. Wala nang magagawa ang sorry mo. Caught in the act ka na! Hehe.
“Ang kulit din ng lahi mo no? Hindi nga ako galit kaya huwag ka nang mag-sorry. Malinaw na sa akin ang lahat nang makita ko kayo ni Kaye kanina. Kaya nga ako pumunta sa’yo dito dahil doon. Naramdaman ko kasi na parang may nagbago sa’yo at hindi nga ako nagkamali.”
“Noon makita ko siya for the first time sa office mo, I felt something weird. Tapos doon na ako naghinala na baka nga may gusto ako sa bestfriend mo. I kept it from you dahil hindi pa ako sigurado noon sa nararamdaman ko and then dumating ang araw ng fashion show. I was about to tell you ang tungkol sa amin ni Kaye sa office niya kaso lang, bigla naman pumasok si Kaye kaya hindi ko natuloy.” Sabi ko na nga ba eh! Buti na lang at hindi ko siya tinakot noon sa multo. Baka namutla pa siya sa harap ni Kaye. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Lab U, Insan! (Book I)
OverigNaranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th cousins. Kundi magpinsang-buo kayo. Ako nga pala si Alexander at inlove ako sa pinsan ko na si... Casey.