23_Distance

3.7K 57 28
                                    

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Syet!

Si Lei.

As if on cue, ginusot-gusot ko ang mata ko at nagkunwaring napuwing ako. Na-gets naman kaagad ni Casey at nakisakay sa akin.

“Masakit pa ba? Gusto mo bang hipan ko ulit?” Umiling ako.

“Ok na. Hehe.” Tinanggal naman nito kaagad ang kamay niya sa mukha ko. Grabe! Ang lapit na noon. Si Casey kasi! Masyadong atat halikan ako. Hahaha!

Agad naman dumistansya sa akin si Casey. Mukhang hindi kumbinsido si Lei sa nakita niya. Whaaa!

“Lei!” tawag ko dito at inextend ang dalawang braso ko para sa isang yakap. Lumapit naman ito kaagad at niyakap ako.

“Alex, buti naman at ok ka na.” sambit nito habang nakayakap sa akin. Nang kumalas siya sa yakap ay bumakas sa mukha niya ang lungkot sa sinapit ko.

“Ikaw ha! Bakit ngayon ka lang?! Inuna mo siguro ang babae mo!” biro ko dito at nag-pout ako na parang bata.

“Ah, eh. Hindi naman sa ganun.” Napasinghap ako sa tinuran niya. Ibig sabihin, mayroon na nga?! Sino naman kaya ang babaeng nagkamali? Hahaha! De joke lang! Mahal ko naman ‘tong pinsan ko na ‘to. Iyon nga lang, masyado siyang seryoso kapag kaharap ang ibang tao.

“So, Mayroon nga?! Sino?! Spill it!” singhal ko dito. Si Casey naman ay pinipigil ang tawa nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Hoy, Casey! Bakit ka tatawa-tawa dyan ha? Ayaw mo ba malaman kung sino ang babaeng nagayuma nitong pinsan natin?!” singhal ko din sa kanya.

“Chill ka lang, Alex. Sasabihin ko naman eh.” Sagot ni Lei. Hay.

Nakakamiss din itong bonding namin tatlo. Pero sino mag-aakala na maraming magbabago sa loob ng ilang taon na hindi kami magkakasama. Katulad na lang ngayon, mahal pala ako ni Casey. Naghalikan kami kanina. Pakingsyet! Ang sagwa pakinggan lalo na kapag naiisip ko na mag-pinsan kami. Argh. Ang panget na tuloy ng image ko dito sa sarili kong istorya. Masisisi niyo ba ako kung masarap talaga ang este humalik si Casey? Try niyo. Ewan ko na lang kung hindi kayo masarapan sa kanya, err, sa halik niya.

Anyways, balik tayo kay Lei. Naiintriga ako sa babaeng sinasabi niya. Gusto ko na tuloy lumabas dito sa ospital para ma-meet ang babae na ‘yon.

“Oh, ano na?!” atat na atat na tanong ko dito. Hehe. Hindi naman halata diba? Ito kasi ang unang beses na magkwekwento si Lei tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Ayiiee.

Parang bigla siyang may naalala kaya napatingin lang siya sa akin at agad na hinawakan ang ulo ko.

“Teka, pinakilala ko na siya sa inyo. Hindi mo ba natatandaan?” Pinakilala? Teka, iisipin ko muna. Wala akong maalala!

“Sigurado ka ba? Baka pinaglololoko mo lang ako ha!” Nagkatinginan si Casey at Lei at agad naman nilang binaling ang tingin nila sa akin. Mukhang nag-aalala sila  sa akin. Bakit? Eh, wala nga akong maalala. Kayo ba? Naaalala niyo ba?

“Sigurado ako. Inasar mo pa nga ako noon. Ang sabi mo pa nga, ‘Buti naman at nakahanap ka na ng APPLE of the eye mo!’ Binigyan emphasize ni Lei ang salitang Apple. Apple, Apple, Apple. Argh. Hindi ko talaga matandaan. Iyon ba ang pangalan ng girlfriend niya?

“Apple? Iyon ba ang pangalan ng babae mo?” Kumunot ang noo ko. Hay.

“Girlfriend ko siya, Alex.”

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon