It’s 8 AM in the morning.
Gising na gising na ang diwa ko. Bakit kamo?
Dahil ngayon lang naman ang araw na pinakahihintay ko.
My wedding day.
I just can’t believe that I’m actually getting married today.
Kinakabahan ako ng sobra.
“Daphne, relax.” Turan ni Ate Alexis na kasama ko sa kwarto. Inaayusan na ako ngayon ng isa sa mga sikat na make-up artist sa Pilipinas.
“Ate, kinakabahan talaga ako. Huwag mong sabihin na hindi ka kinabahan noon kinasal ka?” sagot ko dito.
“Kinabahan din ako pero alam ko naman na magiging ok ang kasal niyo ni Casey.”
Inhale, exhale, Daphne.
“Close your eyes.” Utos ng nagmamake-up sa akin.
Tahimik lang si Ate Alexis na nanonood sa amin. Napansin ko nga na panay ang himas niya sa tyan niya. Umuumbok kasi. 5 months na kasi ang baby sa loob ng tyan niya.
Pagkatapos akong lagyan ng make-up ay inayusan naman ako ng buhok. Nauna na ang manicure at pedicure kanina.
Habang inaayusan ako ay hindi ko naiwasan na mag-reminisce sa lahat ng pinagdaanan ko.
Una na diyan ang pagiging brokenhearted ko for the first time.
‘Yon ilang tissue box ang nagamit ko dahil sa kakaiyak.
Ang pagmomove-on sa past which is sobrang hirap para sa akin.
Hanggang sa makilala ko ang si Sander na pangalawang lalake na minahal ko.
‘Yon pagtataksil niya ng ‘di sinasadya.
Pagtatapat ni Errol at Casey. Nakakaloka talaga!
Aksidente ko sa Puerto Galera.
Near-death situation ko.
Ang runway scene. Hindi ko talaga ‘to makakalimutan. Naging scene stealer talaga kami dito.
Iyon muntik na naman ako mamatay ulit dahil sa pananakal.
Pagtatapat ko ulit ng pag-ibig kay Casey for the second time.
Ang pagtangkang pagpatay sa akin ni Tita Amelia.
Lahat ‘yon pinagdaanan ko pero nasaan na ako ngayon?
Nasa isang hotel at inaayusan para sa kasal ko sa taong lubos na minahal ko mula pa noon na si Casey.
At ngayon, kasama ko na ang tunay na pamilya ko.
Si Mama, Papa at Kuya Dylan.
Sila ang kumumpleto sa pagkatao ko.
Wala na siguro akong mahihiling pa.
“Hush, baby girl. Don’t cry.” Sambit ng make-up artist ko. Baby girl?! Seriously?!
“Daphne, bakit ka umiiyak?” tanong ni Ate Alexis. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako.
“Wala, Ate. May naalala lang ako.”
“Daphne…” niyakap niya ako at ganoon din ako.
Tama, hindi dapat ako umiiyak dahil araw ng kasal ko ngayon.
Dapat masaya ako. Smile, Daphne!
Ni-retouch ulit ako ng make-up artist ko pagkatapos nila akong ayusan ng buhok.
Pagkatapos mag-retouch ay sinuot ko na ang wedding gown ko.
It’s a white strapless wedding gown.
Tinulungan ako ni Ate Alexis at ni Kaye na suotin ang gown.
Si Kaye nga pala ang gumawa ng gown ko.
“Daphne, you’re glowing and gorgeous.” Puri ni Kaye sa akin pagkatapos kong suotin ang gown.
“Thank you, Kaye!”
Kinabit na din nila ang lace veil na may embroidered flowers sa ulo ko.
Sunod ko naman sinuot ang chuck taylors ko.
Yes, you read it right! Chucks ang napag-usapan namin ni Casey na isuot sa wedding para madali kaming makakatakbo palabas ng simbahan mamaya.
“Uhm, Daphne, are you sure about the chucks?” nag-aalangan na tanong ni Ate Alexis.
“Yes, Ate. Sure na sure. Saka hindi naman nila mapapansin ‘yan dahil mahaba ang ng kaunti ang gown ko.” Paliwanag ko dito.
“Ok.”
Sinuot ko na ang jewelry na binigay ni Mama sa akin. Ito daw ang sinuot niya noon kinasal sila ni Papa.
Earrings lang daw ang suotin ko sabi ni Ate Alexis. For the bracelet, sinuot ko ang ‘yon graduation gift sa akin ni Casey.
Sinuot ko din ‘yon singsing na regalo naman ni Tatay Roger.
Humarap ako sa salamin for one last time.
This is it!
Lumabas na kami ng hotel at bumaba papunta sa harap ng entrance ng hotel kung saan naghihintay ang kotse na maghahatid sa akin sa Manila Cathedral.
Habang nasa biyahe ay iniimagine ko ang itsura ni Casey. Hay. Hihihi. Ang gwapo ng mapapangasawa ko.
After 20 minutes ay nakarating na rin kami sa simbahan. Tamang-tama lang dahil magsisimula na ang ceremony after 10 minutes.
Mga close relatives at friends lang ang inimbita namin ni Casey.
“Daphne, let’s go?” Turan ng wedding coordinator.
Bumaba na ako ng kotse at pumanhik paakyat papunta sa pinto ng simbahan. Hawak ko na ang bouquet na combination of red and white roses. Hindi naman ako mahilig sa roses no? Hahaha!
Nag-start na wedding march sa loob at dahan-dahan din nilang binubuksan ang pinto sa harapan ko.
Nagsimula na akong maglakad papunta kay Casey. Ang lalaking mahal ko at ang lalaking magiging ama ng mga anak ko.
I shed a tear upon seeing my Papa.
“Daphne, don’t. You’re going to ruin your make-up. You’re beautiful.” Sambit ni Papa. Pilit ko naman inuring lahat ng luha na balak lumabas sa mata ko nang pinahid niya ang luha ko.
Kumapit na ako sa braso ni Papa at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng altar. Best man si Kuya Dylan at maid of honor naman si Ate Alexis.
“I’m giving her hand to you, Casey. Take care of her and love her like you always do.” Paalala ni Papa kay Casey.
“I will.” Sagot naman ni Casey.
Iginiya na ako ni Casey sa altar.
“You’re stunningly gorgeous, love.” Bulong ni Casey pagkaakyat namin ng altar.
“And you’re extremely handsome.” Bulong ko din dito.
Nagsimula nang magsalita ang pari na hudyat na din ng pagsisimula ng seremonyas ng kasal.
----------
CLICK THE EXTERNAL LINK FOR BOOK II. :)
BINABASA MO ANG
Lab U, Insan! (Book I)
RandomNaranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th cousins. Kundi magpinsang-buo kayo. Ako nga pala si Alexander at inlove ako sa pinsan ko na si... Casey.