32_The Meeting

3.1K 45 9
                                    

“Are you okay?” tanong ni Casey sa akin pagkapasok namin ng bar. Kanina pa kasi ako tahimik at malalim ang iniisip. Bumabagabag pa rin sa akin ang mga sinabi ni Ate Alexis.

Ako nga kaya ang nawawalang kapatid ni Dylan? Kung ganoon, kuya ko siya?

Paano naman ako napunta sa poder ng kinikilala kong mga magulang ngayon?

Pinamigay ba nila o binenta ako?

Iniisip ko pa lang na binenta ako ng sarili kong magulang, sobrang sakit isipin.

Hindi ko alam kung magagalit ako sa kanila o ano dahil hindi ko pa naman alam ang tunay na nangyari.

“Alex…” tawag-pansin ulit ni Casey.

“O-Ok lang ako.” Kumunot ang noo niya sa akin. Halata naman kasi, Alex na may ibang iniisip.

“Sigurado ka? Ano bang iniisip mo?” Napabuntong-hininga ako. Sasabihin ko na ba kahit hindi pa naman sigurado? Pero gusto ko, magkasama kami sa pagtuklas ng tunay na pinanggalingan ko.

Sasabihin ko ba o sasabihin? Hahaha!

Sige, sasabihin ko na nga.

“Casey, paano kung hindi pala talaga ako anak ni Mom at Dad?” tanong ko dito. Medyo naguluhan ata siya.

“Ha?”

“I mean, paano kung ampon lang ako?” Uminom ako ng margarita pagkatapos kong sabihin iyon.

“Hmmm. Eh, di, mabuti. Pwede na kitang pakasalan.” Wait! What?! Pakasalan? Agad-agad?!

“Ano?! Kasal agad-agad? Wala pa tayong isang linggo, kasal na kaagad ang iniisip mo.” Singhal ko dito. Natawa lang naman siya sa tinuran ko. Grabe naman kasi! Kasal na kaagad ang iniisip niya.

“Hahahahaha! Ang ibig kong sabihin…” He cupped my face and caressed it using his thumbs.

“Wala nang makakapigil sa atin. Hindi na natin kailangan magtago sa mga taong nakakakilala sa atin.” Teka! Speaking of nakakakilala, lumingon ako kay Lloyd na nakatayo sa harap namin. Pakingsyet! Alam pala niyang mag-pinsan kami.

Lumingon din naman si Casey kay Lloyd at saka lang niya naisip kung ano ang ginawa niya. Tinanggal na ni Casey ang mga kamay niya na nakahawak sa mukha ko at saka nagsalita para kausapin si Lloyd.

“Lloyd, kung ano man ang narinig mo, wala dapat makaalam na iba tungkol doon.” Sambit ni Casey na nakapamulsa na ngayon.

“Yes, Sir.” Ngumiti lang ito sa amin habang pinagpatuloy ang pag-seserve ng drinks sa ibang customer. Hay. Ano kaya ang iniisip ni Lloyd ngayon? Siguro, naweweirduhan na ito sa amin.

“Lloyd, anong iniisip mo ngayon?”

“Wala po, Ma’am Alex. Masaya po ako sa inyo kahit na ganoon po ang sitwasyon niyo.” Nakita ko naman sa mata niya ang sinseridad sa tinuran niya.

“Thank you.” Usal ko dito bago uminom ulit ng margarita.

Binaling ko ulit ang tingin ko kay Casey. Nagtataka pa rin siguro siya kung bakit ko naitanong ‘yon sa kanya pero saka ko na lang sasabihin sa kanya ang lahat kapag nakausap ko na si Dylan.

Ilang shots na rin ng margarita ang naiinom ko kaya nagdesisyon si Casey na ihatid na ako pabalik sa condo. Hindi na rin ako nagreklamo dahil gusto ko na din humiga para makapagpahinga.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon