KELLY NIWELL RICHSTONE POV
Nanghihina parin ako sa nakikita ko at alam ko kitang kita yun ni Andrea kaya niyaya niya ako kung gusto ko bang kumain , kahit labag man sa loob ko ay kumain ako habang si Andrea karga si baby boy at si Aaron naman ay nasa harap ko.
Pagkatapos ko kumain nilagay ko sa hugasan ang pinagkainan ko then tinignan si Aaron.
"EXPLAIN!" - sigaw ko.
Kaya bigla umiyak si baby boy kaya tumayo si Aaron para kargahin iyon kaya si Andrea ang lumapit sa akin. Bigla na lang siya yumuko at nag salita.
"Naaalala mo yung araw na nakilala natin si Aaron na love at first sight ako sa kanya sasabihin ko sana sayo kaso nakita ko sa mata mo kung pano kuminang iyon dahil kay Aaron hanggang sa nanligaw siya sayo, masakit pero tinago ko iyon, yung araw na sinabi mo sa amin na sa maynila ka mag tatrabaho na naging dahilan ng pagaaway niyo ni Aaron dahil doon kaya nagyaya siyang mag bar. Binantayan ko siya sa pag iinom niya dahil baka may lumapit na babae sa kanya, dahil ata sa alak ay hinalikan nya ako dahil mahal ko siya tinugon ko iyon kaya wala akong nagawa may nangyari sa amin nagalit nga si Aaron sa akin di nya ako pinapansin hanggang sa umalis kana papuntang maynila kaso nung pag alis mo doon ko na laman na buntis na pala ako ng isang linggo, sinabi ko iyon sa kaya kahit ayaw niya inalagaan nya ako hanggang sa napamahal na siya sa akin, sorry kase nagsinungaling ako ng sinabi ko na sinugod si Aaron dahil sa sakit nya sa puso ginawa ko lang iyon dahil kay Adrian, hindi sapat yung pera na nakukuwa niya sa pag coconstruction niya, nung una nagalit siya dahil dinagdagan daw namin yung kasalanan namin sayo, nagawa ko lang yun dahil malalana yung sakit ng anak ko, nagka dengue siya syaka kailangan masalinan ng dugo at yung bill sa ospital nagmahal kaya wala choice din si Aaron na gawin din namin yun." - iyak ni Andrea.
"Parang pinapalabas mo na ako yung may kasalanan kaya may nangyari sa inyo ha? Kundi dahil sa pag aaway namin ni Aaron hindi mangyayari yan?"-seryosong tanong ko.
"Hindi sa ganon Kelly!" - sabat ni Aaron.
"Eh ANO?" - sigaw ko kaya biglang umiyak si baby Adrian at pinapatahan na siya ni Aaron pero ayaw tumigil kaya tumayo ako at kinuwa si baby.
"Shh baby tahan na. hindi galit si Tita sayo." - wika ko habang nakatingin kay baby Andrian.
"Ti-------ta." - wika nya.
"Ang cute mo naman baby alam mo nang makita kita nawawala ang galit ko pero pag nakikita ko ang mama at papa mo bigla na lang ako nagagalit kaya dapat ikaw lang ang nakikita ko ha?" - nakangiting wika ko.
"Ah---ahh." - ang cute naman mukhang nakakaintindi na siya, binigay ko si Andrian kay Aaron at kinuwa yun mga gamit ko.
Ayokong makasama sila sa iisang bahay, Oo galit ako pero hindi sobrang galit di ko alam kung bakit?
Nakakainis naman tiniis ko yung ugali ni Matthew para lang matapos ang kontrata then yung mga sinabi nya sa akin na mahal nya ako at pag hahalik nya tiniis ko yun para matapos ang kontarang ito pero ba't ganun isusukli nila sa akin ganyan ba ang buhay ko nakatadhana na ba ito sa akin? ba't ganon ang daming malas ang mga nararanasan ko nakakainis na.
Ba't ganon ang malas ko kapag sa labas ng mansyon kase sa loob ng mansyon kahit anong malas walang pumupunta sa akin, Oo kahit may masungit na amo di parin ako dinadapuan ng malas.
Saan ako ngayon? Wala nanaman ako mapupuntahan?
Tulala ako naglalakad sa gilid ng kalsada habang hila hila ang maliit na maleta ko ng biglang may yumakap sa akin na bata for sure nasa 9 years old na siya.
"Ate please sabihin mo kapatid mo ako. Sabihin mo ako si Brian Fernandez kapag nagtanong sila kung anong pangalan ko please? Ate ayoko sa ampunan ate ayoko doon." - umiiyak na nagmamakaawa niya sa akin kaya niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- Completed
Novela Juvenil(Fletcher series 1) This is work of fiction. Names, Characters, Business, Place, Event and Incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, Or actual even...