CHAPTER 19

5.8K 113 65
                                    

KELLY NIWELL RICHSTONE POV

Tatlong Linggo na nakakaraan ng kunin ni Bruce si Jocelyn dito sa amin, tatlong linggo na rin nakakalipas ng naging maayos na ang buhay namin.

Paano kung tumagal pa itong pag tatago namin? Habang buhay na ba kaming ganito? Magtago ng magtago sa mga Fletcher? Nakakapagod din, mauubos ang mga pera namin sa pang araw-araw namin ginagamit. Pano yung mga bata hindi na ba sila mag aaral? Ano magiging buhay namin? Parang kami pa ang may kasalanan dito at kami pa ang nagtatago.

May mga araw na natatakot ako na baka isang araw kunin na lang niya ako dito at baka mapatay pa niya sila Lanay, natatakot rin ako para sa mga kaibigan ko.

Napatingin ako kay Kenny na busying busy sa panonood ng mga Cartoon. Siya yung hari ng Tv sa bahay na ito hahaha wala naman kase sa amin ang hilig manood ng Tv kundi si kenny lang kung wala naman kaming gagawin sa bahay ay natutulog na lang kami.

"Kelly natatakot ako mapasakamay nanaman ni Allan. Kapag kasama ko siya naalala ko yung pag gagahasa na ginawa niya sa akin, wala siyang awa sa pinag gagawa niya." – Umiiyak na sabi ni Nica.

"Uyy! Wag ka ngang umiyak dyan, lahat gagawin ko para maprotektahan lang kayo. Please huwag ka ng umiyak napapaiyak din ako."

"Kelly natatakot lang kase ako baka mapatay nila ang pamilya ko lalo na't wala ako sa tabi nila at may utang pa kami na babayaran kay Master baka siningil na sila. Kelly hindi ko kaya, hindi ko kaya mabuhay ng mawala sila ng tuluyan sa akin Kelly."

"Huwag mo ngang tawagin Master yun dapat monster, halimaw kaya yun. Ako din Nica natatakot rin ako baka patayin nila ang natitira kong pamilya sila Lanay at Lotay."

"Oo na! Pero natatakot talaga ako para sa pamilya ko." – umiiyak nanaman siya.

"Ganyan ba ang mga buntis? Iyakin?" – takang tanong ko.

"Ayon sa Research ko natural talaga sa buntis ang maging emotional, pero i mantain ito dahil malaking epekto ito sa bata baka ikamatay ng bata sa sinapupunan mo Nica." – sabat ni Thea.

"Hindi ko kaya! Lalo na't nakikita ko si Allan at naririnig ang boses niya naalala ko mga pag bababoy na ginawa niya sa akin." – umiiyak na sabi ni Nica.

"May point ka rin kung ako ganyan ang sitwasyon ko, aba papatayin ko yung anak nun, wala siyang kwentang Ama." – galit na sabi ni Thea.

"Manahimik nga kayo biyaya yan na binigay ng Panginoon sa inyo kaya kahit bali-baligtarin mo pa ang mundo hindi kasalanan ng bata yan, inosente siya kaya dapat doon inaalagaan para hindi matulad sa tatay niyang demonyo." – giit ko sabi ko sa dalawa kong kaibigan.

"Sabagay hindi naman mabubuhay yan sa tiyan mo kung hindi yan biyaya ni God." – Thea.

"Na isip ko rin yan, kaya hindi ko na tinuloy yung pag papa abort sa batang ito." – umiiyak na sabi ni Nica.

"Dapat lang aba! kasalanan yun sa Panginoon." – galit na sabi ko.

"Pero Kelly gusto ko na talaga mabuhay ng tahimik para na din sa anak ko."

"Simula ngayon hindi na natin siya pag uusap para din sa kaligtasan ng anak mo Nica."

"Salamat dahil nandyaan kayo. Salamat dahil nag karoon ako ng totoong kaibigan at kayo pa iyon. Salamat dahil hindi nyo ako pinabayaan. Salamat! Salamat."

"Wala iyon mag kakaibigan tayo, sino-sino mag tutulungan kundi tayo-tayo lang." – nakangiting sabi ni Thea.

Habang nag tutupi kami ng mga damit namin ng biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Lanay na hinihingal.

The Billionaire's Personal Maid (Fletcher Series1)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon