24%

9 6 0
                                    

Sa pagpatak ng ulan,
Pagkulog ng kidlat
At pag-ihip ng malakas na hangin
Nandito parin ako at naghihintay sayo

Alam kong mahirap ng ibalik ang dati
Ang dating 'ako at ikaw' ay may 'tayo'
At ang dating ako'y para sayo
At ika'y para sakin lamang.

Ang hirap mo na kasing abutin
Na kahit malapit lang tayo
Ay parang isang mundo na tayong magkalayo.

Pero wag kang mag-alala
Ang mga alaala na ating naipon
Ay hindi kailanman lilisan saking puso.
Araw-araw ko itong babaonin
At hindi magtatangkang burahin.

Oo, mahal kita
Pero hindi ko na ipagsiksikan ang sarili ko
Basta tandaan mo lang
Mahal na mahal kita, sinta
At handa akong sumuko para sayo

Random PiecesWhere stories live. Discover now