25%

13 5 0
                                    

Kamusta? Masaya ka na ba?
Pasensya na ha.

Pasensya na kung ikaw ay kaibigan lang ako
Habang ako ay sobra na ang pagtingin sayo.
Pinigilan ko naman,
Lumayo ako at 'di nagparamdam
Ngunit kusang bumabalik ang puso't sarili sayo.

Pasensya na kung sa bawat pagkwento mo tungkol sa mahal mo
Ay siyang pakwento ko naman sa sarili ko kung gaano kita kamahal.
Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit,
Habang siya… siya lamang ang tanging pinapangarap mo.

Walang palya na hindi kita inisip,
Hindi dinalangin at hindi pinangarap.
Palagi, araw-araw.
Ang tanga ko eh,
Sayo pa talaga na kaibigan ko.

Pasensya na kung minahal kita
Pasensya na kung pinangarap kita
Pero wag kang mag-alala, walang makakaalam.
Itatago ko nalang ito,
At ika'y susuportahan sa takbo ng iyong buhay.

Oo, masakit
Sobrang sakit.
Sa dinami-dami bakit siya pa diba?
Bakit hindi nalang ako?

Ngunit sa pagtatapos ng ating kwento,
Wala akong sagot na natanggap.
Naghintay ako pero nalaman ko nalang na…
Siya parin talaga at hindi naging ako.

Random PiecesWhere stories live. Discover now