50%

11 2 0
                                    


Araw-araw suot niya ang kanyang maskara.
Nagbabalat-kayo gamit ang mga emosyong hindi sakanya.
Hiram na emosyon
na kailan ma'y 'di niya makakamtan.

Ngiting kay ganda,
may nakakubling sakit at paghihirap.
Tawang kay sigla,
nakatagong iyak at hagulgol ang totoong nararamdaman.
Ang sayang pinapakita
ay imahinasyong naglalaro sa kanyang isipan.

Sapagka't ang taong nagsu-suot ng maskara ngayon,
ay nababalot ng enerhiyang kahit kailan ay hindi niya malalabanan.
Dalawang magkakaibigan na naglalaro sa kanyang isip,
panganib at kalungkutan ang dulot.

Nakakayanig,
nakaka-alarma,
ngunit walang magagawa,
Pagka't siya'y nauubusan na ng lakas upang lumaban.

Random PiecesWhere stories live. Discover now