"Hon pasok ka muna sa loob"
Aya ko Kay Ethan dahil siya ang naghatid sa akin at siya ang nag-drive ng sasakyan ko.
Hindi niya kasi nadala ang sasakyan niya.
Yung service van niya na ginagamit sa trabaho niya eh sina ate glo ang gumamit kanina nun.
Binuksan ko ang gate ng bahay.
Ang bahay na ito ay 2 storey.
Isa ito sa mga properties Ni dad.
Malaki din ito.
Pero mas malaki pa rin ang Family house namin kung saan nakatira sina dad.
May tatlong rooms ito. Isa dito ay guest room.Sa likod naman ng bahay ay mayroon akong
Isang dance room doon. Na magkakasya ang 30 na tao.Mahilig kasi akong sumayaw. I can dance any genre. Pero mostly eh hiphop talaga ako. Dahil yun ang una Kong nasayaw.
Noong high school ko nahiligan ko ang pagsasayaw Kaya sumali ako sa dance crew noon sa school tapos noong mag-college ako.
Nag audition ako noon para maging dancer sa school. Sa awa ng diyos natanggap ako.Sa una ay nahihiya at nanenerbyos ako na mag perform sa harap ng maraming tao pero eventually natatanggal ko na ang hiya ko noon.
Dahil siguro nasanay na rin ako na mag perform in a crowd of people.Dahil na rin sa pagsasayaw eh nagkaroon ako ng maraming kaibigan.
Nagging supportive noon sina dad sa pagsasayaw ko.
Ang dancing para sa akin at naging passion ko na.Nakikipag-compete na rin kami noon for our school. At nagiging champion naman kami. Naging kilala din ang school namin dahil dun.
Minsan eh nakikitulog dito si meg at ang ibang kaibigan ko. Kaya good thing na may extrang kuwarto na tutulogan nila.
Pinapagamit ko din minsan ang dance room ko na yun kung kailangan ng mga kaibigan ko.
I open the door using my spare key.
"Upo ka muna hon".
Pinapa-upo ko siya ngayonInilapag ko ang bag ko sa may sofa.
Sa halip na umupo siya eh lumapit siya sa akin at niyakap niya ako patalikod pagkalapag ko nito.
Medyo nagulat ako dahil dun.
Ipinatong niya ang kanyang baba sa may kaliwang balikat ko at pinulupot ang mga kamay niya sa may Tiyan ko.Nakabawi na ako ngayon sa pagkagulat.
Hinawakan ko ang mga kamay niya.Pumikit ako at dinadama ang mga yakap niya.
Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko siya ngayon.
We hugged for a couple of minutes without saying any world.
Talaga ngang na-miss namin ang isat-isa.
Dumilat na ako.
"Hon" ako na ang unang nagsalita.
"Hmmmm, 1 minute na lang please"
Hindi ko siya sinagot at hinayaan ko na lang.
Gusto ko naman ang posisyon namin ngayon eh. Gusto ko din naman ang yakap niya.
Tinignan ko ang wall watch na nandito sa Living room.
"I think you need to go home hon, you need to rest."
Kumalas na ako sa pagkakayakap niya sa akin at humarap ako sa kanya dahil di niya ako sinagot.
"Gabi na hon"
Hinawakan ko ang kamay niya pagkasabi ko nun.
BINABASA MO ANG
He Is An Artist
RomanceMay kwento ako sa inyo. May boyfriend ako and guess what? Artists siya. Pero, were in a secret relationship para na rin sa safety ko and para na rin sa career niya. This is his big dream kaya Hindi ko hahayaang masira ito. Ang Boyfriend ko ay si E...