Simula

1K 22 4
                                    

Simula nung nagising ako from coma, nakakakita na ako ng mga multo. Syempre nung una, sobrang natatakot ako pero habang tumatagal nasasanay na ako.

Napagkakakitaan ko pa nga ang pagkakaroon ko ng third eye. Maraming lumalapit sakin para makausap nila yung mga mahal nila sa buhay na sumakabilang buhay na.

Ako na lang bumubuhay sa aking sarili. Patay na kasi ang mga magulang ko. Although, andyan si Tita pero syempre hindi masyadong sapat yung ibinibigay niya sa akin na allowance. Buti na lang talaga nakakakita ako ng mga kaluluwa kasi kahit papaano meron akong income pandagdag sa baon ko.

Pero may pinipili din akong client minsan hindi ako pumapayag na gawin ko yung pinapahanap ng mga client ko sakin na mga kaluluwa. Hindi naman kasi lahat ng kaluluwa, mababait. Yung iba masasama at hindi mo alam kung baka di ko na mabawi ang katawan ko dahil pag ang isang kaluluwa na masama ay sumapi sa'yo maaaring tuluyan na niyang gamitin ang katawan mo at ikaw ang papalit sakanyang posisyon, ang maging kaluluwa din. Ang hassle kaya non!

Ayaw ko naman na humantong sa puntong 'yon. Kaya todo kilatis at todo ingat ako kapag may mga gustong lumapit saking kaluluwa para humingi ng tulong.

Pero baka isipin niyo na espiritista lang ang ganap ko sa buhay ko, hindi. Nag-aaral din ako, actually 4th year college na ako under Mass Communication Course.

Naglalakad ako papunta sa classroom ko nang may narinig akong sumisitsit, hinahanap ko kung sino yun pero wala akong makita.

"Hays kung sino ka mang kaluluwang ligaw ka, lumabas ka na." sabi ko dun sa sumisitsit sakin. Imposible namang tao yun diba kasi nga wala naman akong ka-close dito para sitsitan ako.

Pumunta ako sa tagong lugar, syempre naman ayaw kong masabihang baliw kaya sa tagong lugar ko siya kakausapin.

"Grabe ka naman makatawag ng kaluluwang ligaw." dahan-dahan kong nilingon yung nagsasalita. Napaatras ako nang makita ko yung kausap ko ngayon.

Napakagwapong multo besh. Naku ito ang mga kahinaan ko. Yung last time na gwapo na nakausap ko masamang ispirito pala. Kaya ngayon dapat maging doble ingat ako.

"Oh anong kailangan mo?" tanong ko sakanya. Napangiti siya sakin. Naku, wag mo ako daanin sa mga ganyan. Alam kong may maitim kang plano at hindi ka magtatagumpay kasi advance ako mag-isip.

"Gusto kong humingi ng tulong sayo. May naiwan kasi akong misyon dito at yun ang makahingi ng tawad sa pamilya ko at lalong-lalo na sa girlfriend ko, may nais akong sabihin sakanya pero bigla naman akong namatay." malungkot na pagkakasabi niya. Mukha namang seryoso siya sa mga pinagsasabi niya. Pero paano kung gawa-gawaan lang niya yan tapos pag napalapit siya sakin, sasapian niya ako?

No. No. No. My friend :|

"Alam mo kasi sa isang gwapong katulad mo ang hirap magtiwala. Hmm I'll test you, recite a prayer." diretsahan kong sabi sakanya. Kasi syempre takot ang mga masasamang kaluluwa sa mga dasal.

"Our father who art in heaven
Hollowed by thy name,
Thy kingdom come,
Thy will be done,
On Earth as it is in heaven." pinatigil ko na siya. Okay, di siya nasunog. Hindi siya nawala sa unahan ko so it means na mabait siya.

"Ano namang kapalit nito?" tanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya.

"Kapalit?" hays.

Ghost Of You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon